^

PSN Showbiz

Role model na public servant madalas sa casino, Jay Manalo classmate sa casino

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Isko Moreno madalas sa casino? Yup. Ayon sa source, madalas na nakikitang naglalaro ng slot machine ang councilor ng Maynila sa isang hotel somewhere in Malate.

"Madaling araw siya pag naglaro kasi nga naman walang nakakakita. Marami rin siyang kasama at may tagapirma para pag nananalo, iba ang nagki-claim," say ng source.

May mga kasama raw itong lalaki at babae.

Isang role model ang tingin ng karamihan kay Isko Moreno dahil common knowledge na nanggaling siya sa isang kahig isang tukang pamumuhay pero, naiahon niya sa hirap ang kanyang buhay hanggang maging konsehal siya ng Manila at muling mag-aral ng abogasya.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Isko.
* * *
Classmate sa nasabing hotel sina Isko Moreno at Jay Manalo. May pagkakataon pa raw na nag-aabot ang dalawa sa madaling araw. Like Isko, sa slot machine daw madalas tumaya si Jay.

After Vietnam Rose, wala pa uling regular project si Jay kaya siguro naglilibang siya sa pagtaya sa slot machine pag madaling araw.

Any comment from Jay?
* * *
Closed pala kay Fred Payawan ng Pinoy Big Brother Teen Edition si Lovi Poe. Nang tanungin namin kung ‘sila na,’ ang tagal bago nakapag-react ni Fred.

Matagal nang alam ni Fred na anak ni the late Fernando Poe Jr. si Lovi. Grade school pa lang daw. Magka-klase kasi ang dalawa sa Colegio de San Agustin.

Colonel sa Philippine Air Force ang kanyang father pero never siyang nag-isip na sundan ang kapalaran ng kanyang ama. Mas gusto niyang magkaroon ng sariling negosyo. Entrepreneurship ang iniisip niyang kuning kurso sa susunod na taon sa kolehiyo.

Incoming fourth year siya ngayong pasukan at wala siyang planong tumigil ng schooling kahit naka-contract siya ngayon sa Star Magic after niyang lumabas sa Bahay ni Kuya ng Pinoy Big Brother Teen Edition.

At believe it or not, pero hindi pa raw siya nagkaka-girlfriend, MU lang daw madalas.

Ganun!

Anyway, parang hindi sila comfortable ni Niña Jose, na kapwa niya PBB Teen na sinasabing ka-MU niya.

Hinulaan ni Tita Ethel Ramos na malayo ang mararating ni Fred.

Actually, very Jericho Rosales ang dating niya. Mas matangkad pa. Puwede rin siyang endorser ng Close Up dahil parating naka-ready ang kanyang smile.
* * *
Marami namang impressed kay Niña. Wala pang inhibitions ang bagets at honest siya na hindi na sila masyadong rich kaya malaking tulong ang talent fee na tinatanggap niya everytime na may guestings siya.

Graduate na siya ng high school. Hindi pa siya nakaka-enroll ng kolehiyo at sakaling makahabol siya ngayong school opening, European studies ang kukunin niya. "Gusto ko kasing mag-travel sa Europe."
* * *
Nag-apologize si Jamilla ng PBBTE sa pamilya ng naging ‘papa’ niya noon. Split na sila ng nasabing guy na tatlong buwan din silang sinustentuhan mag-ina. Marami nang nagsulat tungkol sa issue so I’m sure by this time, alam n’yo na ang buhay ni Jamilla.

Nag-complain kasi sa isang broadsheet writer ang wife ng kanyang naging ‘papa’ tungkol sa relasyon ng kanyang asawa at ni Jamilla.

Three months lang ang itinagal ng kanilang relasyon nang hindi naman mako-consider na DOM na guy dahil nasa 30s pa lang ang edad nito.
* * *
May sariling recording company na isa sa mga dating investor ng BMG Records Pilipinas and Ballyhoo Records Inc. na magri-release ng album nang nagbabalik na banda na Sugar Hiccup.

Naka-penetrate ang nasabing grupo sa music industry in the late 90’s. At maraming industry observers ang nagsasabi na ang kanilang music ay "gothic," "dream pop" and "oceanic rock." Pero kung sila ang tatanungin n’yo, sariling musika nila - ang Sugar Hiccup.

Year 1995 nang ma-release ang first major label nilang Oracle kung saan they earned bilang most original sounding local bands. Sinundan ito ng sophomore album na Womb in 1998.

After eight long years ng paghihintay, nagbabalik sila - composed of Czandro Pollack (guitars/vocals), Russell Dacasin (Bass) and Mervin Panganiban (drums) kasama ang bagong member na si Beatriz Alcala sa kanilang new album na "Of Tongues and Thoughts."

Carrier single nila ang "Bleed."

At kung may another term to describe their music, ito ay ang avant garde.

Available na sa leading record stores ang "Of Tongues and Thoughts."
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

CENTER

ISKO MORENO

JAMILLA

MARAMI

PINOY BIG BROTHER TEEN EDITION

SIYA

SUGAR HICCUP

TONGUES AND THOUGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with