^

PSN Showbiz

Mayabang si Joaqui!

-
Gaano katotoo na magre-reformat ang programang S-Files ng GMA 7?

Kaya namin ito naitanong ay biglaang nagkaroon ng brainstorming ang buong staff ng programa sa Subic last Monday at Martes ang balik nila ng Maynila.

Nabanggit na before sa amin na kinakailangan na nilang mag-overhaul or magba-babu sila sa ere.

Pero mukhang malaki ang chance na hindi sila mawawala sa ere dahil ilang linggo na silang nananalo sa ratings game over The Buzz, pero hindi pa rin daw sapat ’yun dahil kailangan nilang magdagdag ng segment.

"Naloloka kami, linggu-linggo na lang nginangarag kami ng bossing naming maghanap ng balita o kaya magluto para may pag-usapan. Ang hirap magluto ‘no?" say sa amin ng taga-S-Files.
* * *
Mukhang mahihirapang makuha ng ex-PBB teen housemate na si Joaqui Mendoza or Joaqui ang loob ng entertainment press dahil sa kanyang "mayabang" na attitude.

Base sa ipinakita niyang kilos at pagsagot sa ilang miyembro ng press people na dumalo sa presscon nilang mga evictee last Monday sa ABS-CBN ay marami ang napapakunot noo kapag nagpapaliwanag siya at may isang hindi na rin nakatagal at nag-walk out na.

Hindi kasi masagot ng tama ni Joaqui kung anong mayroon ang tuyo at hindi siya nag-uulam nito.

Sabi niya, "Wala naman po akong sinabing hindi ako nag-uulam ng tuyo, hindi ko nga alam kung saan nagmula."

At masyado niyang pina-flaunt na marami na siyang naging girlfriend, pero ni isa ay walang sineryoso. 

After ng ilang press people na nag-interbyu sa kanya ay hindi na nasundan pa at bukod tanging siya na lang ang palakad-lakad sa 9501 restaurant dahil walang kumakausap sa kanya.

Best seller sina Jamilla, Matt, Bam, Niña, Aldred, Olyn, Mikki at Brenda at iilan din lang ang nag-interview kay Fred.

Anyway, inamin pareho nina Niña at Fred na may mutual understanding sila simply because they both like each other daw, pero hindi pa raw nila seseryosohin ang kanilang relasyon dahil priority nila ang studies at careers.
* * *
Hindi kagandahan at kaguwapuhan ang mga miyembro ng Let’s Go na sina Junniper, Charie, Dennis, Norman, Bangs, Mikem Maffi, Badjie, Bob, Zap, Alex at Trish kung ikukumpara mo sa mga Teen Housemates, pero mas may careers na ang Let’s Go kids dahil may sarili silang show na sila ang bida.

Brainchild ni Direk Bobot Mortiz ang Let’s Go at siya rin ang nakaisip na dapat ay pawang hindi kilala ang gusto niyang myembro para sa binuo niyang sitcom at talagang dumaan pa sa audition ang bawa’t myembro.

Ang scene stealer ay ang younger sister ni Toni Gonzaga na si Cathy, sinasabing close ng kanyang ate.

Ang paliwanag ni Cathy ay, "Ganito po talaga kami ni ate, parehong-pareho, pero may isang bagay kaming pinagka-iba at hulaan ninyo na lang."

At hula namin, sa height sila nagkatalo dahil mas matangkad si Cathy kay Toni at mas maraming bakal-bakal sa ngipin.
* * *
Nasulat namin dito sa PSN last week ang tungkol sa talent coordinator ng Eat Bulaga na tsinugi ni Ms. Malou Choa-Fagar dahil nahulihan daw na may ginagawang milagro sa dressing room ng cameraman.

Say ng kaibigan ng talent coordinator ay, "Hindi naman siya tsinugi, nag-resign na siya kasi hindi na niya kaya ang trabaho at saka okey sila ni Malou."

Binanggit namin ang pagkakahuli at naloka kami sa sagot sa amin, "Normal namang nangyayari, ‘yun, hindi lang isang beses nangyari ‘yun. Okey lang ‘yun."

At suwerte naman ng naturang talent coordinator dahil napasok na raw ito kaagad sa shows ng GMA 7. — Reggee Bonoan

DAHIL

DIREK BOBOT MORTIZ

EAT BULAGA

JOAQUI

JOAQUI MENDOZA

MIKEM MAFFI

MS. MALOU CHOA-FAGAR

REGGEE BONOAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with