Pacman vs Superman
May 30, 2006 | 12:00am
Masusubok di lamang ang tatag ni Manny Pacquiao kundi maging ang kanyang popularidad sa pagpapalabas ng Pacquiao, ang kanyang filmbio na ginawa ng FLT Films at Star Cinema, with Jericho Rosales at Bea Alonzo, portraying Manny and his wife Jinky.
Bagaman at di matatawaran ang kasikatan ng ating world boxing champion at maituturing na may pinaka-maraming product endorsement among our local celebrities, marami ang nag-aalala dahil makakasabay ng pagpapalabas ng Pacquiao ang foreign film na Superman na ginampanan ni Christopher Reeves bago ito namatay pero, isang baguhang aktor ang gumaganap sa pinaka-huling adventure ng flying superhero. Syempre, excited ang Pinoy kung sino ba itong bagong aktor na binigyan ng ganito kalaking oportunidad, kaya na bang pantayan si Reeves sa akting at sa physique?
Marami ang takot makipagsabayan sa foreign film na ito pero, hindi si Manny o ang mga producers niya who are pushing thru with the showing of Pacquiao. Kaya si Manny, dalawang malalaking laban ang sasagupain, ang isa, laban kay Superman at ang ikalawa, laban sa Meksikanong si Oscar Larios para sa isang world title. Ang mga ito ang dapat abangan.
Nakabalik naman si Bea Alonzo mula sa kanyang pagsu-shooting ng Pacquiao sa Las Vegas para mag-promote ng kanyang pelikulang All About Love na kung saan tatlong kwento ng pag-ibig at tatlong mga popular na loveteam ang pinagsama-sama ng Star Cinema sa pelikua, sina Anne Curtis at Luis Manzano, Angelica Panganiban at Jason Abalos at sina Bea nga at John Lloyd Cruz.
Dream role ni Bea ang makaganap sa isang period musical. "Gustung-gusto ko yung itsura ng mga tao nung 50s, lalo na yung mga babae. Kumakanta rin akot sumasayaw, gusto ko ring magamit ang mga talento kong ito sa pelikula," dagdag pa niya.
Bukod sa pakikipag-lips-to-lips sa pelikula sa kapwa niya lalaki, tulad nang ginawa nila ni Luis Alandy sa Manay Po na nagkaron ng matagumpay na premiere night kagabi sa Megamall, payag din si Polo Ravales na magpakita ng pwet (butt exposure) sa pelikula. "Basta sa pelikula lamang, ayaw ko sa mga pictorials."
Medyo disappointed siya na di nakarating si Ara Mina sa nasabing premiere night pero, naintindihan niya na mayron itong trabaho na dapat unahin at tapusin.
E-mail: [email protected]
Bagaman at di matatawaran ang kasikatan ng ating world boxing champion at maituturing na may pinaka-maraming product endorsement among our local celebrities, marami ang nag-aalala dahil makakasabay ng pagpapalabas ng Pacquiao ang foreign film na Superman na ginampanan ni Christopher Reeves bago ito namatay pero, isang baguhang aktor ang gumaganap sa pinaka-huling adventure ng flying superhero. Syempre, excited ang Pinoy kung sino ba itong bagong aktor na binigyan ng ganito kalaking oportunidad, kaya na bang pantayan si Reeves sa akting at sa physique?
Marami ang takot makipagsabayan sa foreign film na ito pero, hindi si Manny o ang mga producers niya who are pushing thru with the showing of Pacquiao. Kaya si Manny, dalawang malalaking laban ang sasagupain, ang isa, laban kay Superman at ang ikalawa, laban sa Meksikanong si Oscar Larios para sa isang world title. Ang mga ito ang dapat abangan.
Dream role ni Bea ang makaganap sa isang period musical. "Gustung-gusto ko yung itsura ng mga tao nung 50s, lalo na yung mga babae. Kumakanta rin akot sumasayaw, gusto ko ring magamit ang mga talento kong ito sa pelikula," dagdag pa niya.
Medyo disappointed siya na di nakarating si Ara Mina sa nasabing premiere night pero, naintindihan niya na mayron itong trabaho na dapat unahin at tapusin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended