EB, tinatalo na si Kris!
May 26, 2006 | 12:00am
Isa marahil sa dahilan kung bakit ire-reformat ang Pilipinas Game KNB ni Kris Aquino ay tinatalo na itong madalas ng kalabang Eat Bulaga. Sa huling survey, 14.5% lamang ang rating nito kumpara sa 26.8% ng EB.
Maliban sa nakakaaliw na mga host nito, maraming patok na portions ang EB, tulad ng "Bulagaan Flush/Room" na dalawang dekada nang umeere pero, kinasasabikan pa rin ng manonood. Nariyan din ang EB Babes 2006 na kung di ako nagkakamali ang mga mananalo rito ay siyang papalit sa mga umalis na Sexbomb. Syempre, nakakatulong ng malaki sa mga mahihirap ang "Laban o Bawi" na marami na rin ang naging milyonaryo.
Ang maganda pa sa EB, ay yung Sabadong pagtatanghal na kung saan ay naghahanda talaga ang mga host dahil sumasabak sila sa mga mahihirap na challenges na sila-sila rin ang naglalaban-laban. Peter Ledesma

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended