^

PSN Showbiz

Fans ng Sexbomb na Curimao Boys, banned din sa Eat Bulaga!

-
Hindi na pala nakakatuntong daw ngayon sa Eat Bulaga ang grupong Curimao Boys dahil ‘binu-boo’ nila si Sugar Mercado na naging dahilan kung bakit nawala ang grupong Sexbomb sa naturang programa.

Say mismo ng isa sa Curimao Boys ay pinagsabihan daw sila nung una ng staff ng EB na huwag ibu-boo si Sugar, pero hindi raw sumusunod ‘yung iba kaya pina-ban na raw sila sa pantanghaling show.

Samantala, loyal pa rin pala ang naturang grupo sa mga alaga ni Joy Cancio dahil sa nakaraang concert ng Sexbomb Singers sa Metro Bar kamakailan ay naroon ang ilang myembro at nagbayad pa sila, huh, hindi raw libre ang pagpasok nila.

Kaya naman teary-eyed ang grupo dahil hindi nila sukat akalain na suportado pa rin sila ng Curimao Boys maski na wala na sila sa Eat Bulaga.

Tinatayang nasa 70% ang taong nanood ng ‘Sumayaw, Sumunod sa Metro’ concert nina Rochelle, Weng, Izzy, Yvette at Jopay at maganda ang naturang show dahil bumagay sa kanila ang repertoire nila.

Nakakatuwa rin kasi hindi naman sila talaga masasabing certified na singers kung ikukumpara sa mga divas ng music industry at sa mga produkto ng singing contest, pero never na sumablay ang mga boses at sina Yvette at Izzy ang nangingibabaw sa lima. Special guests din sina Alfred Vargas, Sexbomb dancers at ang pinakamagandang singer nu’ng gabi, si Michael Cruz na mas makapal pa ang make-up kesa sa mga alaga ni Joy.

Anyway, may Fans Day ang Sexbomb sa UP Theater sa Miyerkules, May 31 4 NH at marami raw silang give-aways say mismo ng manager nilang si Joy.
* * *
And speaking of Eat Bulaga ay tsinugi raw ni Ms Malou Choa-Fagar, ang isa sa talent coordinator niya dahil may ginawa itong ‘milagro’ sa loob ng dressing room ng mga camera man.

Kwento naman ng staff ng EB ay hindi yata naalala ng nabanggit na talent coordinator na may camera sa buong studio ng EB sa Broadway Centrum at lahat ‘yun ay nakikita sa monitor na nasa loob ng opisina ni Malou sa Broadway.

At dahil mabigat daw ang ginawang kasalanan ng naturang talent coordinator ay kinausap na lang daw ito ng over-all chairman ng programa na umalis na lang bago pa raw malaman ni Mr. Tony Tuviera, producer ng TAPE, Inc.

At say pa sa amin ng taga-GMA 7, "Ah, kaya pala nasa 8th floor siya nung isang araw dahil naga-apply sa shows ng Siete."

Tinext naman namin si Ms. Malou tungkol sa isyung ito, pero hindi ma-reach ang cellphone niya.
* * *
Tawa kami nang tawa sa kwento sa amin ng taong malapit kay Cherry Pie Picache dahil birthday daw pala nito at tamang-tama may guesting ang cast ng Manay Po sa taping ng Sis nung, Miyerkules.

Dinig ng nagkwento sa amin ay nagpapa-greet daw si Cherry Pie ng happy birthday sa hosts na sina Carmina Villaroel at magkapatid na Janice at Gelli de Belen.

At dito kami napahalakhak, bibili raw si Cherry Pie ng sarili niyang cake para kunwari surprise birthday present sa kanya ng Sis, aliw, huh di kaya kasama pa rin ito sa eksena sa Manay Po at dala-dala ni Cherry Pie?

Anyway, babatiin ka na rin namin, Happy Birthday Manay Cherry. — Reggee Bonoan

ALFRED VARGAS

BROADWAY CENTRUM

CARMINA VILLAROEL

CHERRY PIE

CURIMAO BOYS

DAHIL

EAT BULAGA

MANAY PO

SEXBOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with