^

PSN Showbiz

After Extra Challenge, Paolo, Miriam binigyan ng bagong show!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Matagal naming nakakwentuhan si Paolo Bediones sa presscon ng Captain Barbell kung saan gagampanan nito ang papel ni Captain B na asawa ni Snooky Serna.

Naghanda si Paolo sa karakter na gagampanan, nag-workout ito. Hindi siya tumatawa sa telefantasya at kailangang magmemorya ng mahabang linya.

"Saan ka nahirapan sa telefantasya?" tanong namin.

"Sa mga fight scenes kung saan manu-mano ang labanan. Puro pasa ang naranasan ko habang tinuturuan ako ng mga fight instructors. At least, napatunayan ko na hindi lang ako isang TV host kundi maaasahan din sa aksyon," aniya.

Sinabi pa rin ng actor-TV host na kaya siguro siya napili sa role ay dahil pwede siyang maging tatay, maging authoritive, gentle at may asawa.

Mula sa direksyon ni Mike Tuviera at Dominic Zapata, magsisimula ang maaksyong kwento ni Captain Barbell.

Sa kabilang banda, sinabi ni Paolo na hindi naman natsugi ang Extra Challenge. Pahinga muna sila. May bagong show siya sa GMA pero, hindi ito daily gaya ng EC kundi every Sunday titled Pinoy Meets World. Isa itong travelogue kung saan makakasama niya si Miriam Quiambao.
Aiza, Inili-Link Kina Barbie, Stella!
Nakausap ko sandali si Aiza Seguerra sa birthday concert ni Jennylyn Mercado at tinanong ko kung bakit nali-link ito sa iba’t ibang babae.

"Nagtataka nga ako kung bakit may balita na inili-link ako kay Barbie Almalbis. Hindi naman kami close sa isa’t isa at di ko pa siya nakakasama sa trabaho. Kahit nga kay Stella Ruiz ay inili-link din ako. Hindi totoo ang mga yan," anang singer.

Masaya si Aiza sa kanyang mahal ngayon na lagi niyang kasa-kasama sa kanyang mga shows. Maganda ang girl at ito ang nagbabantay sa kanya ngayon lalo na at iba ang pinagkakaabalahan ni Mommy Caring.
Cartoons Ang Pinagkakaabalahan
Maraming nagtatanong kung nasaan na ang FAMAS Child Actor na si Bryan Homecillo ng Munting Tinig. Abala ngayon ang magaling na aktor sa pagda-dubbing ng cartoons at commercials.

Kasama ito sa pelikulang All About Love ng Star Cinema bilang kapatid ni Jason Abalos gayundin sa Manny Pacquiao Movie.

Ilan sa cartoons na nai-dub nito ay Herkarian, Inuyasha at Machine Robo. Nagpunta siya ng Japan last year as official delegate sa Children’s World Summit for the Environment.

Fourteen years old na si Bryan at high school student sa La Salle Greenhills.
BLIND ITEM: Chainsmoker Ang Aktres!
Wholesome ang image ng sikat na aktres pero, chainsmoker pala ito at maya-maya ay panay ang buga ng sigarilyo. Para raw chiminea ang bunganga nito.

Hindi mo aakalain na sa likod ng napaka-sweet na imahe nito ay may masama siyang bisyo!

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALL ABOUT LOVE

BARBIE ALMALBIS

BRYAN HOMECILLO

CAPTAIN B

CAPTAIN BARBELL

CARTOONS ANG PINAGKAKAABALAHAN

CHAINSMOKER ANG AKTRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with