John, nanlamig kay Nancy!
May 24, 2006 | 12:00am
Nagtataka ang ilang kasamahan sa panulat kung bakit biglaang nanlamig at dumistansiya si John Prats kay Nancy Castiglione. Kaya maagang nagtapos ang kanilang relasyon.
Tinanong ang aktor tungkol kay Nancy at ito ang kanyang naging sagot, "Gusto ko munang mag-concentrate sa trabaho. Magiging unfair naman kung kami na nga pero wala naman akong time sa kanya. Kaya nag-decide kaming pareho na sa trabaho muna kami ngayon. Naniniwala ako na kung kami talaga ang para sa isat isa, kami pa rin," sey nito.
Nang tanungin kung babalikan pa rin niya ang aktres sakaling may time na siya, ang sagot niya, "Depende."
Hindi kaya na-turn off si John kay Nancy dahil sa pagiging playgirl nito?
Ipinamalas ni Senator Bong Revilla Jr. na isa rin siyang magaling na dancer sa pelikulang Kapag Tumibok Ang Puso, Not Once But Twice.
Katunayan, may eksena siyang sumasayaw ng break dancing.
Ayon kay Direk Wenn Deramas, hanga siya kay Bong dahil versatille ito.
"Kaya niyang magpa-cute sa movie dahil bagay sa kanya. Kahit di siya magpatawa, nakakatuwa siya. Magaang katrabaho," sabi ni Direk.
"Marunong siyang umarte at kahit anong instruction ang ibigay ni Direk ay nakakuha agad nito. Yun nga lang, masyadong bungisngis," sabi naman ng leading lady niya na si Precious Lara Quigaman.
Inamin ni Deejay Durano na close talaga sila ni Direk Wenn Deramas. Katunayan, halos lahat ng lakaran ay magkasama sila.
"Mabait kasi si Direk kaya madali siyang mahalin. Kulang na lang nga na maging mag-syota kami," sey nito.
Ten years na sa showbiz si Deejay kaya lang on and off ito dahil nagbanda ito sa States. Nagkaroon ito ng chance na makilala si Direk Wenn kaya isinama siya sa Marina at Kampanerang Kuba.
Naging regular din ito sa ASAP. Bukod sa pelikulang Kapag Tumibok Ang Puso, Not Once But Twice ay may CD Lite album ito na binubuo ng apat na awitin mula sa Holiday Records. Ang carrier single nito ay "Paano Na?"
Masamang-masama ang loob ng sikat na aktor ayon sa nagsyete sa akin kung saan binalewala ng kompanya ang kahusayan nito sa pag-arte. Kasama sana ito sa isang soap opera pero, pinag-audition pa.
Siyempre, nainsulto ang aktor dahil magaling siyang artista kung saan nakakuha na ito ng acting award. Pero kailangang sumunod sa patakaran ng kompanya kaya nag-audition din.
Kaso, pinaghintay siya ng matagal gayung may mahalaga siyang lakad sa araw na yun. Ang ending, lumipat na lang siya sa ibang network.
Muling nabuhay ang career nito dahil alaga siya ngayon ng kompanyang nilipatan nito.
Tinanong ang aktor tungkol kay Nancy at ito ang kanyang naging sagot, "Gusto ko munang mag-concentrate sa trabaho. Magiging unfair naman kung kami na nga pero wala naman akong time sa kanya. Kaya nag-decide kaming pareho na sa trabaho muna kami ngayon. Naniniwala ako na kung kami talaga ang para sa isat isa, kami pa rin," sey nito.
Nang tanungin kung babalikan pa rin niya ang aktres sakaling may time na siya, ang sagot niya, "Depende."
Hindi kaya na-turn off si John kay Nancy dahil sa pagiging playgirl nito?
Katunayan, may eksena siyang sumasayaw ng break dancing.
Ayon kay Direk Wenn Deramas, hanga siya kay Bong dahil versatille ito.
"Kaya niyang magpa-cute sa movie dahil bagay sa kanya. Kahit di siya magpatawa, nakakatuwa siya. Magaang katrabaho," sabi ni Direk.
"Marunong siyang umarte at kahit anong instruction ang ibigay ni Direk ay nakakuha agad nito. Yun nga lang, masyadong bungisngis," sabi naman ng leading lady niya na si Precious Lara Quigaman.
"Mabait kasi si Direk kaya madali siyang mahalin. Kulang na lang nga na maging mag-syota kami," sey nito.
Ten years na sa showbiz si Deejay kaya lang on and off ito dahil nagbanda ito sa States. Nagkaroon ito ng chance na makilala si Direk Wenn kaya isinama siya sa Marina at Kampanerang Kuba.
Naging regular din ito sa ASAP. Bukod sa pelikulang Kapag Tumibok Ang Puso, Not Once But Twice ay may CD Lite album ito na binubuo ng apat na awitin mula sa Holiday Records. Ang carrier single nito ay "Paano Na?"
Siyempre, nainsulto ang aktor dahil magaling siyang artista kung saan nakakuha na ito ng acting award. Pero kailangang sumunod sa patakaran ng kompanya kaya nag-audition din.
Kaso, pinaghintay siya ng matagal gayung may mahalaga siyang lakad sa araw na yun. Ang ending, lumipat na lang siya sa ibang network.
Muling nabuhay ang career nito dahil alaga siya ngayon ng kompanyang nilipatan nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended