^

PSN Showbiz

P1M ang halaga ng Captain Barbell costume ni Richard!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ang daming nag-react sa nasulat naming reklamo sa GMA Artist Center dahil sa dami ng demands sa mga kumukuha sa hawak nilang artists. May mga unnamed sources na nag-text ng added information.

Ang nangyayari minsan, hindi na ipinapaalam sa kanila ng mga manager ng mga bata ‘pag may dumating na offers para lang hindi mabulilyaso. Isa rito’y ang pagkuha kay Jeric Rizaldo ng Nestle para sa packaging ng Nescafe. Tapos na ang negosasyon nang malaman ng Artist Center ang tungkol doon.

Hindi rin daw dumaan sa kanila ang Lucky Me TV commercial ni Jelaine Santos dahil ayaw ng ad agency na sila’y kausapin. Nakapag-shoot na raw ng TVC ang dalagita nang makarating sa kanila’t huli na ang kanilang reaction.

May nagrereklamo rin sa tila pagpabor ng Artist Center sa batch 3 ng StarStruck at napapabayaan ang Avengers batches 1 & 2. Dahil dito’y ang ibang talent ay naghihintay na lang na mag-expire ang kanilang kontrata at magpi-freelancer na lang sila.

Tinakot namin ang mga nag-text na baka i-ban ang talents nila ‘pag isinulat namin ang kanilang mga reklamo. Ang sagot ay hindi sila takot dahil sanay na silang walang ibinibigay na trabaho sa kani-kanilang mga alaga.
* * *
Sandaling lumabas si Richard Gutierrez sa SOP last Sunday, suot ang kanyang costume sa Captain Barbell. Hindi masyadong nag-zoom ang camera sa kanya pero, kita pa rin kung gaano kaganda ang yellow costume na gawa ni Miles Teves. Siya rin ang gumawa ng costumes ng Batman, Spiderman, Robocop at Hellraiser at iba pang Hollywood movie.

Sa presscon kagabi, pilit inalam ng press kung magkano ang worth ng costume in dollars and in peso. Pero, walang nakuhang sagot sa GMA-7 management at sa staff ng Pinoy Superhero. Sinabi sa amin kung magkano ang nagastos ng network kaya lang, bawal isulat pero, in-announce ni Pia Guanio na more than P1M ang worth nito. Ito na ang pinakamahal na costume ng bida sa mga ginawa nilang fantaserye. Sayang kung sa TV lang ito gagamitin kaya, possible siguro ang dream ni Richard na gawan ito ng movie version para magamit pa niya ang costume.

Sa May 29 na ang premiere ng Captain Barbell at ito ang papalit sa Extra Challenge. Kung hindi babaguhin ng ABS-CBN ang kanilang programming, ang Bituing Walang Ningning ang makakatapat nito.

Excited na si Richard sa bago niyang show at malaki ang pasasalamat niya sa Ch. 7 na sa kanya ipinagkatiwala ang project. Dream team ang tawag nito sa production staff dahil the best people raw in their craft gaya nina directors Dominic Zapata at Mike Tuviera na magaling daw sa special effects.

ARTIST CENTER

BITUING WALANG NINGNING

CAPTAIN BARBELL

DOMINIC ZAPATA

EXTRA CHALLENGE

JELAINE SANTOS

JERIC RIZALDO

LUCKY ME

MIKE TUVIERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with