^

PSN Showbiz

Arnee, Hidalgo, ayaw nang itago ang asawa’t mga anak!

- Veronica R. Samio -
Nagbuntis pala si Arnee Hidalgo at nanganak, kaya siya nawala sa mundo ng recording.

Hindi unang anak niya ang ipinagbuntis ng magandang singer kundi ang kanyang second child. Nang magsimula siyang mag-recording ay may-asawa’t anak (kasal siya kay Yancy Shoaf, 27, isang Fil-German at mayro’n silang isang anak, si Christian Samuel na 5 taon na ngayon) na siya pero, nagpasya ang kanyang dating recording outfit na Universal Records na palabasin siyang isang dalaga, siguro para mas mapadali ang kanyang pagsikat.

Ayaw pumayag ng asawa ni Arnee nung una pero, nanaig din ang kagustuhan nitong makitang nagtatagumpay sa kanyang career si Arnee, ito naman ay hangga’t hindi pa malaki ang pangalan nito.

Pero, nahirapan si Arnee, lalo’t hindi niya makasama ang pamilya sa publiko. Pero, nagtiis siya lalo’t gusto niyang magtagumpay.

Hindi naman siya nabigo, tagumpay ang una niyang album. Nagkaro’n lamang siya ng problema nang muli siyang magbuntis. Kaya siya nawala.

Balik nang muli si Arnee. Sa kanyang pagbabalik, mayro’n siyang bagong album, ang "You Got It All" na siya ring carrier single ng album. Isa itong hit ng The Jets nung 1986.

Kasabay nang launching ng album ang decision na huwag nang itago ang tunay niyang katayuan, na sinang-ayunan ng maraming taga-media na dumalo sa launching ng album na prodyus nila ng kapatid niyang si Jeffrey at ipamamahagi ng Star Records.

Bukod sa carrier single, meron pang siyam na revivals sa loob ng album – "What Might Have Been", "Miss You Like Crazy", "Standing Right Next To Me", "Not While I’m Around," "Mahal Kita Walang Iba", "Love Is" (isang duet kay Piolo Pascual), atbp. at dalawang originals "Life In the City "at "Kahit Minsan Lang" mula kay Gino Torres.
* * *
Dalawang singer ang magsisimulang magpakilala sa pamamagitan ng kanilang self-titled album na ipamamahagi ng Vicor Music Corp. Ito ang M2, binubuo ng dalawang magagandang magkapatid na babae na may edad 20 at 21 years old, sina Mildred at Maricel.

Dahil tatlong ulit na silang nakapag-Japan kung kaya naisip ng M2 na gumawa ng isang album na magpapakilala sa kanila sa kanilang mga kababayang Pilipino.

Ang album ay binubuo ng 10 original songs na kinompos ni Luciano Bulaluan, Jr. ("Tsope Tsong", "Huwag Na. Tama Na", "Nagbalik Ka", "Ikaw Pa Rin"), William Ganadores ("Gawin Mo", "Bakit Ka Nababahala?", "Pangarap Kitang Lagi") at Willie B. ("Kahit Kailan", "O Kay Ganda", "Halina sa Himig").

Maliliit pang mga bata ang magkapatid nang magpakita ng talino sa pagkanta. Ipinasok sila ng kanilang mga magulang sa iba’t ibang schools of music para mahasa ang kanilang talino – (Trebel, MET, Center for Pop, UP). Nagbunga naman ito dahil sa murang gulang ay kumikita na sila sa pamamagitan ng pagkanta sa mga hotel, restaurant, foreign embassies at corporate and celebrity parties.

Bisita sila ng YES FM ngayon 7:30 ng gabi sa Malabon Justice Bldg. para sa kanilang concert series.
* * *
Erratum
Humihingi kami ng paumanhin kay Alvien Cano, Ginoong Pilipinas 2006 winner na lumabas sa column na ito nung Sabado pero nabigyan ng pangalang Manuelito sa caption ng kanyang larawan.

ALBUM

ALVIEN CANO

ARNEE HIDALGO

BAKIT KA NABABAHALA

CENTER

CHRISTIAN SAMUEL

GAWIN MO

GINO TORRES

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with