Life story ni Jasmine Trias, GMA ang gagawa
May 20, 2006 | 12:00am
Nagulat kami na sa Magpakailanman ng GMA-7 gagawin ang life story ni Jasmine Trias dahil mas identified siya sa ABS-CBN. In fact, tuwing nasa bansa ang Fil-Am singer, mas madalas siyang mag-guest sa mga show ng Ch. 2 kesa Ch. 7. Correct me if Im wrong pero, parang sa Eat Bulaga palang sa mga show ng Siete nakapag-guest si Jasmine.
Pero, hetot sa halip na sa Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos-Concio ay sa drama anthology ni Ms. Mel Tiangco natin mapapanood ang kanyang life story. Si Jolina Magdangal ang gaganap na Jasmine na very excited sa pagkakapili sa kanya. Wala pang schedule ng airing nitot di rin tuloy ang taping this Friday.
Nagka-kilalat nagka-tsikahan na sina Jolina at Jasmine sa taping ng I Luv NY dahil nag-cameo role ang huli as herself.
Kasama ni Precious Lara Quigaman sa presscon ng Kapag Tumibok Ang Puso (Not Once But Twice) ang ina at kid brother na nakita naming tuwang-tuwa sa pagkakasali ng anak at kapatid sa pelikula. Panay kasi ang palakpak nila tuwing nagsasalita ang dalaga at tutok din sila sa trailer ng movie.
On vacation lang ang ina at sibling ni Lara ritot babalik din ng England. Sa Bristol nag-aaral ang 11-year-old na si Gabriel na kahit matagal na sa UK, marunong pa ring mag-Tagalog. Sabi ni Mrs. Quigaman, si Lara ang magde-decide kung ipu-push through nito ang showbis career at siyay naka-suporta lang.
Si Lara, di pa makapag-decide sa ngayon dahil maraming trips abroad. May fashion show sa USA, pupunta ng Japan at a-attend ng Miss International sa China. Mabutit, after the showing ng movie nila ni Bong Revilla ang kanyang mga lakad kaya, makakapag-promote siyat makakadalo sa premiere night sa June 12.
Sa isang TV interview, sinabi ni Lara na gusto nilang magkakapatid na muling mag-asawa ang kanilang ina. Hiningi namin ang reaction ni Mrs. Quigaman dito.
"Iniisip ko rin yan kaya lang, ibig sabihin magpapalit ako ng apelyido. Gusto ko, Mrs. Quigaman pa rin ako. Sabi ko nga sa mga anak ko, magagalit ang daddy nila sa kanilat pinipilit nila akong mag-asawa uli. Ang sagot sa akin magagalit dahil ako ang mag-aasawa. Nakita nilang, maganda ang naging relationship namin with their dad kaya gusto nila akong mag-asawa uli," wika ni Mrs. Quigaman. Nitz Miralles
Pero, hetot sa halip na sa Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos-Concio ay sa drama anthology ni Ms. Mel Tiangco natin mapapanood ang kanyang life story. Si Jolina Magdangal ang gaganap na Jasmine na very excited sa pagkakapili sa kanya. Wala pang schedule ng airing nitot di rin tuloy ang taping this Friday.
Nagka-kilalat nagka-tsikahan na sina Jolina at Jasmine sa taping ng I Luv NY dahil nag-cameo role ang huli as herself.
On vacation lang ang ina at sibling ni Lara ritot babalik din ng England. Sa Bristol nag-aaral ang 11-year-old na si Gabriel na kahit matagal na sa UK, marunong pa ring mag-Tagalog. Sabi ni Mrs. Quigaman, si Lara ang magde-decide kung ipu-push through nito ang showbis career at siyay naka-suporta lang.
Si Lara, di pa makapag-decide sa ngayon dahil maraming trips abroad. May fashion show sa USA, pupunta ng Japan at a-attend ng Miss International sa China. Mabutit, after the showing ng movie nila ni Bong Revilla ang kanyang mga lakad kaya, makakapag-promote siyat makakadalo sa premiere night sa June 12.
Sa isang TV interview, sinabi ni Lara na gusto nilang magkakapatid na muling mag-asawa ang kanilang ina. Hiningi namin ang reaction ni Mrs. Quigaman dito.
"Iniisip ko rin yan kaya lang, ibig sabihin magpapalit ako ng apelyido. Gusto ko, Mrs. Quigaman pa rin ako. Sabi ko nga sa mga anak ko, magagalit ang daddy nila sa kanilat pinipilit nila akong mag-asawa uli. Ang sagot sa akin magagalit dahil ako ang mag-aasawa. Nakita nilang, maganda ang naging relationship namin with their dad kaya gusto nila akong mag-asawa uli," wika ni Mrs. Quigaman. Nitz Miralles
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended