Muntik nang maging lola!
May 20, 2006 | 12:00am
Si Toni Gonzaga marahil ang isa sa pinaka-busy among our TV and movie personalities. Mula Lunes hanggang Biyernes ay napapanood siya sa news comedy program na Wazzup Wazzup ng Studio 23 kung saan niya mga kasama sina Vhong Navarro at Archie Alemania. Kasama rin sa programa ang ex-PBB housemate na si Say Alonzo, si Jaja Kikiam Boliver at Vincent Paulo Liwanag bilang mga tadjocks.
Kung Biyernes naman ng gabi ay nasa Gudtaym siya ng ABS-CBN Channel 2 ganundin ang ASAP tuwing linggo ng tanghali. Naisisingit pa ni Toni ang mga out of town shows at paggawa ng pelikula.
Nakatakda rin siyang magkaroon ng sarili niyang teleserye na pagtatambalan nila ni Sam Milby o di kaya si Luis Manzano.
Sa Mayo 26 ay ise-celebrate ng Wazzup Wazzup ang kanilang ikalawang anibersaryo at maraming mga pagbabago ang nakatakdang maganap sa programa at kasama na rito ang kanilang bagong set at ibang mga kasamahan sa programa.
Nang mawala sa programa si Drew Arellano para mag-concentrate sa kanyang daily hosting job sa Unang Hirit ng GMA-7, ipinalit sa kanya ang live-in boyfriend ni Mickey Ferriols na si Archie Alemania. Bagong karagdagan din sa programa si Say Alonzo na nagsimula nung nakaraang Enero habang sina Jaja at Vincent Paulo ay mga datihan na sa programa.
Ayon sa executive producer ng Wazzup Wazzup na si Ferry Trinidad, may mga pagbabago na sa programa na patuloy na tinatangkilik ng mga manonood.
Samantala, isasabay sa 2nd anniversary celebration ng Wazzup Wazzup ang finals ng 2006 Wazzup Wazzup Beach Bums kung saan dalawa at apat na finalists ang mapapabilang sa pinakabagong Tadjocks ng programa. Ang apat na finalists ay binubuo nina Drew Escobar (21), Eri Neeman (19), Dianne Medina at Christine Findly (18).
Ang Wazzup Wazzup ay napapanood gabi-gabi sa ganap na ika-7 mula Lunes hanggang Biyernes sa Studio 23 na pinamamahalaan ni Leo Katigbak, ang managing director ng Studio 23.
Gandang-ganda kami kay Gina Alajar nang huli namin itong makita over dinner sa Wok n Stix sa may Tomas Morato, Quezon City nung isang linggo. Tingin nga namin sa kanya ay hindi siya tumatanda considering na kamuntik na siyang maging lola na hindi nga lamang natuloy dahil nakunan ang non-showbiz girlfriend ng kanyang panganay na si Ryan Eigenmann.
Matagal nang hiwalay si Gina sa kanyang actor-director husband na si Michael de Mesa na may bago nang karelasyon ngayon. Pero hanggang ngayon, nananatili pa ring loveless ang actress-director.
"Uso na ngayon ang batang boyfriend. Bat hindi mo gayahin sina Aiai (delas Alas), Aiko (Melendez), Snooky (Serna) at Madam Auring," pabirong advise sa kanya ng ating kaibigan at kasamahan sa panulat na si Ronald Constantino.
"Parang hindi ko ma-imagine na mas bata sa akin ang magiging boyfriend ko. Ano na lamang ang sasabihin sa akin ng mga anak ko?" natatawang tugon ni Gina.
Busy si Gina bilang actress-director at kasama siya sa cast ng fantaseryeng Majika na pinagbibidahan nina Angel Locsin at Dennis Trillo.
May dinirek din siyang dalawang digital films, ang Mainit Na Tubig na pinagbibidahan ni Phillip Salvador at ang Battad na entry sa Cinemalaya Film Festival.
Humahabol na rin si Michael V. kay Manny Pacquiao sa rami ng kanyang tumatakbong TV commercials. Nariyan ang Globe, Joy Liquid Soap, Bear Brand at iba pa. Hindi man gaanong aktibo si Bitoy (Michael V.) sa paggawa ng pelikula, very visible naman siya sa telebisyon.
Tatlong beses sa loob ng isang linggo kung siyay mapanood sa Eat Bulaga. Mahigit sampung taon na ring namamayagpag ang kanyang no. 1 gag show na Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi at hindi rin siyempre magpapahuli ang kanyang Bitoys Funniest Videos na napapanood naman tuwing Sabado ng gabi.
[email protected]
Kung Biyernes naman ng gabi ay nasa Gudtaym siya ng ABS-CBN Channel 2 ganundin ang ASAP tuwing linggo ng tanghali. Naisisingit pa ni Toni ang mga out of town shows at paggawa ng pelikula.
Nakatakda rin siyang magkaroon ng sarili niyang teleserye na pagtatambalan nila ni Sam Milby o di kaya si Luis Manzano.
Sa Mayo 26 ay ise-celebrate ng Wazzup Wazzup ang kanilang ikalawang anibersaryo at maraming mga pagbabago ang nakatakdang maganap sa programa at kasama na rito ang kanilang bagong set at ibang mga kasamahan sa programa.
Nang mawala sa programa si Drew Arellano para mag-concentrate sa kanyang daily hosting job sa Unang Hirit ng GMA-7, ipinalit sa kanya ang live-in boyfriend ni Mickey Ferriols na si Archie Alemania. Bagong karagdagan din sa programa si Say Alonzo na nagsimula nung nakaraang Enero habang sina Jaja at Vincent Paulo ay mga datihan na sa programa.
Ayon sa executive producer ng Wazzup Wazzup na si Ferry Trinidad, may mga pagbabago na sa programa na patuloy na tinatangkilik ng mga manonood.
Samantala, isasabay sa 2nd anniversary celebration ng Wazzup Wazzup ang finals ng 2006 Wazzup Wazzup Beach Bums kung saan dalawa at apat na finalists ang mapapabilang sa pinakabagong Tadjocks ng programa. Ang apat na finalists ay binubuo nina Drew Escobar (21), Eri Neeman (19), Dianne Medina at Christine Findly (18).
Ang Wazzup Wazzup ay napapanood gabi-gabi sa ganap na ika-7 mula Lunes hanggang Biyernes sa Studio 23 na pinamamahalaan ni Leo Katigbak, ang managing director ng Studio 23.
Matagal nang hiwalay si Gina sa kanyang actor-director husband na si Michael de Mesa na may bago nang karelasyon ngayon. Pero hanggang ngayon, nananatili pa ring loveless ang actress-director.
"Uso na ngayon ang batang boyfriend. Bat hindi mo gayahin sina Aiai (delas Alas), Aiko (Melendez), Snooky (Serna) at Madam Auring," pabirong advise sa kanya ng ating kaibigan at kasamahan sa panulat na si Ronald Constantino.
"Parang hindi ko ma-imagine na mas bata sa akin ang magiging boyfriend ko. Ano na lamang ang sasabihin sa akin ng mga anak ko?" natatawang tugon ni Gina.
Busy si Gina bilang actress-director at kasama siya sa cast ng fantaseryeng Majika na pinagbibidahan nina Angel Locsin at Dennis Trillo.
May dinirek din siyang dalawang digital films, ang Mainit Na Tubig na pinagbibidahan ni Phillip Salvador at ang Battad na entry sa Cinemalaya Film Festival.
Tatlong beses sa loob ng isang linggo kung siyay mapanood sa Eat Bulaga. Mahigit sampung taon na ring namamayagpag ang kanyang no. 1 gag show na Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi at hindi rin siyempre magpapahuli ang kanyang Bitoys Funniest Videos na napapanood naman tuwing Sabado ng gabi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended