^

PSN Showbiz

Anak ni Melanie, kinukuhang modelo ng Levi’s sa US!

- Veronica R. Samio -
Very proud si Melanie Marquez sa panganay niyang si Manuelito, anak niya kay Sen. Lito Lapid, dahil kahit isang senador ang ama nito at artista naman ang kanyang ina ay talagang dala-dalawang trabaho ang hinahawakan nito sa US para lamang masuportahan niya ang kanyang sarili at ang pag-aaral niya. Sa paunti-unti ay baka matupad din nito ang pangarap niyang maging isang doktor. Sa kasalukuyan ay kumukuha ito ng isang pre-med course.

Twenty four years old na si Manuelito at may taas na 6’4". Pinoy na Pinoy ito sa kanyang kulay, di tulad ng lima niyang nakababatang mga kapatid na may mestizo features. Ayon kay Melanie ay inalok na itong maging modelo ng Levi’s at ipinagdarasal niyang magtuluy-tuloy ito.

"Para magkaro’n siya ng pera. Very independent ang anak ko, ayaw niyang nanghihingi at kahit magkahiwalay sila ng ama niya ay mahal na mahal niya ito. Kabibili lamang nito ng kanyang kotse," pagmamalaki ni Melanie sa launching ng New Placenta ng Psalmstre, isang skin whitening at anti-ageing soap na kahit anim na taon lamang ay nagunguna na sa market ngayon. Gawa ito mula sa mga bulaklak at fruit extracts. May bagong chemist na kinuha ang kumpanya from Germany para ma-improve ang bisa ng sabon at iba pang produkto ng Psalmstre.

"Hindi ko ito iiendorso kung di ko nakita ang magandang resulta nito sa akin. Kita n’yo naman ang face at skin ko, di ba parang sa bata?" pagmamalaki ng dating Miss International at ina ng lima pang anak bukod kay Manuelito sina Mazeemene, 16, 6’1"; Maxine, 14, 5’5"; Michelle, 11; Adam, 4 at Abraham, 2 yrs old.
* * *
Pinakamahalagang premyo na tinanggap ng 20 taong gulang na winner ng Ginoong Pilipinass ’06 na si Alvien Cano, bukod sa P50,000 cash prize na ang kalahati ay tinanggap na niya at ang natitira pa ay sa pagtatapos na ng kanyang reign makukuha, ay ang katuparan ng kanyang pangarap na maging artista.

Dalawang pelikula ang nakatakda niyang gawin sa Journey Pictures Productions ni Mr. Rei Diaz Yumol, ang digital movie na Sikil at ang Saddiq kasama sina Dinna Bonnevie Jay Manalo at Allen Dizon sa direksyon ni Mel Chionglo at istorya ni Ricky Lee. Aktibistang kapatid ni Allen ang role ni Alvien.

32 na kalalakihan ang tinalo ni Alvien para makuha ang titulo. Nakuha rin niya ang mga titulong "Mr. Photogenic", "Best In Barong" at "Chairman’s Choice Award".

Nag-iisang lalaki si Alvien sa tatlong magkakapatid, nasa gitna siya. Magiging representative siya ng bansa sa Mr. Asia Universe 2006 na magaganap sa Istanbul, Turkey sa buwan ng Setyembre.
* * *
Gaganapin naman ang Bikini Frenzy 2006 finals ngayong araw na ito sa Golden Sunset Resort and Spa, isang 8-hectare resort sa Calatagan, Batangas. Ito ay isang paligsahan ng mga superbodies of summer na nagtatampok sa 32 babae at lalaki na may edad 17-24 taong gulang. P15,000 ang makakamit ng mananalo, P10,000 para sa 2nd prize at P5,000 para sa 3rd prize.

ALLEN DIZON

ALVIEN

ALVIEN CANO

BEST IN BARONG

BIKINI FRENZY

CHOICE AWARD

DINNA BONNEVIE JAY MANALO

MANUELITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with