^

PSN Showbiz

Sexbomb, lahat sasabihin sa fans!

-
Kararating lang ni Joy Cancio, manager ng Sexbomb galing ng US. Tinupad nito ang pangako sa anak na sina Jara at Jiro na ipapasyal ito, pagkatapos ng graduation ng una sa elementary.

Balik-trabaho kaagad siya dahil sa ika-31 ng May, may fans day ang Sexbomb sa UP Theater, Diliman sa ganap na ika-4NH. Dadalo ang ilan sa mga artistang lumabas sa Daisy Siete na nasa ika 11 season na. Tulad nina Juan Rodrigo, Dexter Doria, Biboy Ramirez at Steven Goyong. Magkakaroon ng parlor games sa mga dadalong fans.

Sasagutin ng Sexbomb na sina Rochelle, Jopay, Izzy, Sunshine, Weng, Evette, Johlan, Aira, Mia, Cynthia at iba pa ang mga katanungan ng mga fans tungkol sa mga isyu sa kanila. Nangako silang sasagot, kahit na ang pinaka-controversial sa mga ito.

Last year, ang Fans Day nila ay sa Star City ginanap. Riot sa dami ng mga tagahangang dumalo. Free admission naman kasi. Pwede rin silang makipag-pictorial sa Sexbomb girls.

Noong April 22, may show naman sila sa Metro Comedy Bar. Sa May 15, sa Panilao, Pilar, Bataan sila may show, June 1 sa Sta. Rita, Calapan, Oriental Mindoro at June 4, Paco Romansa. Sunud-sunod talaga ang raket ng grupo.

Every Wednesday at Thursday, nasa Punchline Comedy Bar at tuwing Sabado sa Comiclub sa Malate, Manila. Tuloy din sa pagtaas ay rating ang Daisy Siete. — Vir Gonzales

vuukle comment

BIBOY RAMIREZ

DAISY SIETE

DEXTER DORIA

EVERY WEDNESDAY

FANS DAY

JOY CANCIO

JUAN RODRIGO

METRO COMEDY BAR

SEXBOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with