Juday, Piolo, semplang ang mga palabas kapag di magkapareha!
May 17, 2006 | 12:00am
Mukhang hindi nagugustuhan ng loyal fans nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual na maitambal sila sa iba dahil sumesemplang sa rating game ang mga programang hindi sila ang magka-partner.
Sa nakaraang episode ni Piolo sa 1st season ng Komiks na may titulong Si Piolo at Si Lorrelie na ang katambal ay si Angelica Panganiban ay natalo siya ng katapat na programa ng GMA 7.
At sa pilot episode uli ng 2nd season ng Komiks last week na si Juday uli ang nagbukas with James Blanco para sa episode na Inday sa Balitaw ay semplang na naman sa rating sa katapat nitong Fantastikids ng Siete.
Say mismo ng taga-Dos, "Hindi yata tanggap si Juday na sa iba siya naila-loveteam," pero bakit ang Inday Bote na si Ryan Agoncillo ang partner ang siyang may pinakamataas na ratings.
"Iba naman yun kasi boyfriend naman niya si Ryan, sila lang talaga ni Piolo ang gusto ng fans," katwiran ng aming kausap.
Sabagay, ang soap drama nina Piolo at Juday na Sa Piling Mo na malapit-lapit na ring mamaalam sa ere ay maganda ang ratings.
Samantala, dalawang magkasunod na linggo ay ni-replay ang naturang serye na sponsor ng Globe without commercial break na hindi lang dito sa Pilipinas mapapanood kundi sa lahat ng bansang may TFC.
Nasulat namin dito sa PSN ang pagbagsak sa ratings ng 11th season ng Daisy Siete at ang tinukoy namin ay ang pagiging "ngarag" marahil ng headwriter nitong si Gina Marissa Tagasa-Gil na sa pagkakaalam namin ay iisa lang ang hawak na show.
Tinawagan kami ni Gina at sinabing tatlo ang hawak niyang shows, ang Mahiwagang Baul (headwriter), Bahay Mo Ba To (writer) at itong DS.
Say niya sa nakaraang week 1 hanggang 3 episodes ng Season 11 ng Daisy Siete ay hindi consistent ang ratings nito, bumagsak ito sa 17.4% at 17.8% pero nakabawi ito last week sa 20% plus.
Nasa ibang bansa raw ang producer ng DS na si Joy Cancio kayat hindi niya knows na bumababa ang ratings ng programa niya dahil hindi na raw ito ipinaalam pa ng staff niya para hindi masira ang pagbabakasyon niya.
Inamin ni Gina na hindi niya natutukan ang first few episodes ng Nasaan Ka at ipinagkatiwala raw niya ito sa kinuha niyang writers dahil, "I was busy sa pagtatapos ng season 10 ng DS kaya hindi ko natutukan. Pero hindi naman kami totally mababa," katwiran sa amin ni Gina.
Paki ng katotong Roldan Castro kasama ang ibang kasamahan sa panulat na may pakontes sila sa mga kalalakihan at kababaihan para sa kauna-unahang Hataw Super Bodies Bikini Open.
Ang talent search night ay gaganapin sa Mugen Bar sa Metrowalk, Meralco Ave, Ortigas sa Mayo 18 Entrance Fee: P150.00 at ang grand night naman, sa Metro Bar sa Mayo 29. Entrance Fee: P300 & 500. Ito ay sa direksyon ni Mak De Leon with guests nina Ara Mina, Hot Tsikz, Mystica at ni Ronnie Liang.
Ginanap ang pictorial kamakailan sa isang swimming pool sa Forbes Park, Makati City, at pinagpistahan ng mga potograpo ang kagandahan at kaguwapuhan ng mga kandidato.
Ang mga mananalo ay may gantimpalang cash, produkto at travel sa Hongkong. Pipiliin din sa mga kandidato ang para sa special award na Body and Face by Dr. Joel Mendez. Reggee Bonoan
Sa nakaraang episode ni Piolo sa 1st season ng Komiks na may titulong Si Piolo at Si Lorrelie na ang katambal ay si Angelica Panganiban ay natalo siya ng katapat na programa ng GMA 7.
At sa pilot episode uli ng 2nd season ng Komiks last week na si Juday uli ang nagbukas with James Blanco para sa episode na Inday sa Balitaw ay semplang na naman sa rating sa katapat nitong Fantastikids ng Siete.
Say mismo ng taga-Dos, "Hindi yata tanggap si Juday na sa iba siya naila-loveteam," pero bakit ang Inday Bote na si Ryan Agoncillo ang partner ang siyang may pinakamataas na ratings.
"Iba naman yun kasi boyfriend naman niya si Ryan, sila lang talaga ni Piolo ang gusto ng fans," katwiran ng aming kausap.
Sabagay, ang soap drama nina Piolo at Juday na Sa Piling Mo na malapit-lapit na ring mamaalam sa ere ay maganda ang ratings.
Samantala, dalawang magkasunod na linggo ay ni-replay ang naturang serye na sponsor ng Globe without commercial break na hindi lang dito sa Pilipinas mapapanood kundi sa lahat ng bansang may TFC.
Tinawagan kami ni Gina at sinabing tatlo ang hawak niyang shows, ang Mahiwagang Baul (headwriter), Bahay Mo Ba To (writer) at itong DS.
Say niya sa nakaraang week 1 hanggang 3 episodes ng Season 11 ng Daisy Siete ay hindi consistent ang ratings nito, bumagsak ito sa 17.4% at 17.8% pero nakabawi ito last week sa 20% plus.
Nasa ibang bansa raw ang producer ng DS na si Joy Cancio kayat hindi niya knows na bumababa ang ratings ng programa niya dahil hindi na raw ito ipinaalam pa ng staff niya para hindi masira ang pagbabakasyon niya.
Inamin ni Gina na hindi niya natutukan ang first few episodes ng Nasaan Ka at ipinagkatiwala raw niya ito sa kinuha niyang writers dahil, "I was busy sa pagtatapos ng season 10 ng DS kaya hindi ko natutukan. Pero hindi naman kami totally mababa," katwiran sa amin ni Gina.
Ang talent search night ay gaganapin sa Mugen Bar sa Metrowalk, Meralco Ave, Ortigas sa Mayo 18 Entrance Fee: P150.00 at ang grand night naman, sa Metro Bar sa Mayo 29. Entrance Fee: P300 & 500. Ito ay sa direksyon ni Mak De Leon with guests nina Ara Mina, Hot Tsikz, Mystica at ni Ronnie Liang.
Ginanap ang pictorial kamakailan sa isang swimming pool sa Forbes Park, Makati City, at pinagpistahan ng mga potograpo ang kagandahan at kaguwapuhan ng mga kandidato.
Ang mga mananalo ay may gantimpalang cash, produkto at travel sa Hongkong. Pipiliin din sa mga kandidato ang para sa special award na Body and Face by Dr. Joel Mendez. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended