Jennylyn, ayaw ng Kano!
May 17, 2006 | 12:00am
Hindi na ipinagpatuloy ng American actor na kasama sa I Luv NY ang panliligaw kay Jennylyn Mercado dahil hindi interesado ang aktres sa kanya. Feeling ng Kano ay wala siyang pag-asa sa magandang aktres.
Inamin ng aktres na mas gusto pa rin niya ang mga Pinoy dahil malambing ang mga ito.
Hindi rin totoong nagkabalikan na sila ni Mark Herras dahil ayon kay Jen, prioridad niya ngayon ang career.
Nakausap namin si Carmi Martin sa presscon ng I Luv NY at isa sa tanong namin sa kanya ay kung payag ba siyang magkaroon ng karelasyon na higit na mas bata sa kanya.
"Its fun na bata ang maging love mo pero, I want to learn something from the relationship. Darating ang panahon na mawawala na ang ganda ko pero, bata pa rin siya," aniya.
Isang basketbolista ang nobyo ngayon ni Danica Sotto. Natatawa ito sa intrigang buntis siya.
Handa na sa paglulunsad ng kanyang album si Danica under Dyna Records kung saan naka-cover ang kanyang seksing katawan pero may lumilitaw na tattoo sa kaliwang bahagi ng puson niya.
Isa sa mga paboritong pulitiko na may concern sa movie industry si Konsehal Ariel Inton ng 4th District ng Quezon City. Katunayan, nagpasa ito ng ordinansa para masugpo ang film piracy.
Gusto rin niyang matuloy ang Human Rights Film Festival sa Quezon City sa taong ito na magpapamalas ng mga pelikulang nag-aangat sa karapatan at dignidad ng bawat tao. Umaasa ito na sanay matuloy ang pangarap niya sa pekikipagtulungan sa Human Rights Commission.
Lahat ng kanyang proyekto ay naglalayon na mailayo ang mga kabataan sa ipinagbabawal na gamot at isa siya sa tagapagtaguyod ng pangangalaga sa ating kapaligiran.
Pinakahuli niyang proyekto ang All-Star Basketball Exhibition, Basketball ng mga Artista, Alay sa Pabahay ng Maralita na idinaos noong Mayo 6.
Nangangamba ang isang batikang director sa magiging resulta ng pelikula dahil hindi maganda ang resulta ng show na dinidirihe niya para sa isang aktor ngayon. Hindi ito nagri-rate. Negatibo ang dating ng kanyang lead actor dahil sa naugnay ito sa magandang young actress na rebelde sa magulang.
Inamin ng aktres na mas gusto pa rin niya ang mga Pinoy dahil malambing ang mga ito.
Hindi rin totoong nagkabalikan na sila ni Mark Herras dahil ayon kay Jen, prioridad niya ngayon ang career.
"Its fun na bata ang maging love mo pero, I want to learn something from the relationship. Darating ang panahon na mawawala na ang ganda ko pero, bata pa rin siya," aniya.
Handa na sa paglulunsad ng kanyang album si Danica under Dyna Records kung saan naka-cover ang kanyang seksing katawan pero may lumilitaw na tattoo sa kaliwang bahagi ng puson niya.
Gusto rin niyang matuloy ang Human Rights Film Festival sa Quezon City sa taong ito na magpapamalas ng mga pelikulang nag-aangat sa karapatan at dignidad ng bawat tao. Umaasa ito na sanay matuloy ang pangarap niya sa pekikipagtulungan sa Human Rights Commission.
Lahat ng kanyang proyekto ay naglalayon na mailayo ang mga kabataan sa ipinagbabawal na gamot at isa siya sa tagapagtaguyod ng pangangalaga sa ating kapaligiran.
Pinakahuli niyang proyekto ang All-Star Basketball Exhibition, Basketball ng mga Artista, Alay sa Pabahay ng Maralita na idinaos noong Mayo 6.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended