Polo, ini-order ng aso si Ara Mina sa abroad!
May 16, 2006 | 12:00am
Limang teen housemates na lahat ang lumabas sa Bahay ni Kuya, sina Aldred, Bam, Niña, Joaqui at Fred, pero hanggang ngayon ay hindi pa sila inihaharap sa entertainment press for interview dahil tinatantiya raw ng staff ng PBB kung ready na bang humarap sa media ang mga bagets.
"Mga bata kasi, baka kung anong ipagkukwento sa press pag iniharap na sila, kaya kailangang i-brief muna sila at saka baka may trauma pa sila, kaya pinagpapahinga muna, especially Aldred," katwiran sa amin ng taga-Dos.
At kung hindi babaguhin ang plano ay bago mag-big night sa June 3 ay ipapa-interview ang 10 evicted at susunod ang big winner.
Maraming nanghinayang sa paglabas ni Fred, ang disiplinado (raw) among the teen housemates, pero obviously, hindi nga siya ganun dahil siya ang 4th evictee.
Kayat ang hula ng loyal viewers ng PBBTE ay isa kina Jamilla, Kim, Matt at Mikee ang mananalo, pero mas maraming may gustong si Jamilla para raw maipagamot ang anak.
Samantala, may kumalat namang balita na may mayamang boyfriend si Jamilla at ito raw ang nagsu-sustento sa kanya at tsika lang daw na mahirap siya, in fact sa isang condo rin daw sila nakatirang mag-ina kasama pa ang yaya.
Hindi naman deretsahang sinabi ni Ara Mina na "na turn-off" siya kay Polo Ravales sa pakikipaghalikan nito sa kapwa lalaki sa pelikulang Manay Po, pero ang sagot niya sa naturang isyu nung tanungin siya ng reporters ay, "Wala lang, bahala siya, siya naman yun."
Wala raw nabanggit si Polo sa kanya tungkol sa naturang kissing scene at sa ibang tao pa raw nabalitaan ni Ara kaya biniro raw niya ang actor ng, "O, balita ko may kissing scene ka raw sa lalaki?"
At tumawa lang daw si Polo.
"Trabaho naman yun kaya naiintindihan ko, hindi nga lang niya ipinaalam sa akin. Sabagay ako rin naman noon ay nakipaghalikan din kay Rita Avila sa isang movie, okey lang," katwiran ni Ara.
As of now ay mutual understanding pa rin daw ang relasyon nina Ara at Polo dahil hindi pa ready ang una sa isang malalim na relasyon.
"Pareho kasi kaming busy, kaya tama na muna ang MU, tulad niyan, kasagsagan ng bar tour ko para sa album ko, tapos siya (Polo) marami ring ginagawa, kaya okey na kami sa MU," katwiran pa ng aktres.
Bukod dito ay ini-endorse rin ni Ara ang latest na Dickies teen underwear na parati niyang sponsor sa bar tours niya.
At kung si Polo ay hinihintay ang opisyal na pag-oo ni Ara ay hinihintay naman ni Ara ang regalong mamahaling aso sa kanya ng actor na in-order pa sa ibang bansa.
Hindi namin nakuha ang breed ng asong regalo ni Polo, pero ang paglalarawan ng singer/actress ay, "Kapag ginu-groom siya, parang cotton candy ang balahibo."
Uunahan na namin ang balitang magkakasama ang buong pamilya nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na nag-dinner nung Mothers Day, May 14 sa Makati Shangri-La Restaurant.
Ka-join sa naturang dinner sina Mommy Carol, Juday, Jeffrey Santos and family, Jackie Santos and family, mga pamangking sina Honey at Nino at family friends na sina Father Caluag at Connie.
Sa family naman ni Ryan ay ka-join ang kanyang Mommy Nina, Daddy Chito, at ang kuya ni Ryan with his family.
Ang future husband ni Juday ang nag-blow out sa naturang dinner na kwento sa amin ay isang long table sila na pinagtitinginan daw ng ibang pami-pamilyang nagdi-dinner din.
Nagkabiruan nga raw sa table nina Ryan at Juday na dahil maraming taga-showbiz din ang nakakita, baka raw palabasing nagpa-reserve na ang dalawa para sa wedding reception nila.
"It was a very nice dinner, seeing both families, ang ganda ng bonding," sabi ng mga nakakita.
Samantala, nung launching ng Profile Magazine ng Forever Flawless ay inamin ni Mommy Carol na hindi na siya mabibigla kapag isang araw ay hihingiin na ni Ryan ang kamay ng kanyang bunsong si Budaday, "Matagal ko nang pinaghandaan para hindi na ako mabigla, hinihintay ko na ang araw na yun," say niya.
Ang tanong, si tito Alfie Lorenzo kaya ay inihanda na rin ang sarili na isang araw ay mag-aasawa na ang kanyang alaga na kaliwat kanan pa ang projects? REGGEE BONOAN
"Mga bata kasi, baka kung anong ipagkukwento sa press pag iniharap na sila, kaya kailangang i-brief muna sila at saka baka may trauma pa sila, kaya pinagpapahinga muna, especially Aldred," katwiran sa amin ng taga-Dos.
At kung hindi babaguhin ang plano ay bago mag-big night sa June 3 ay ipapa-interview ang 10 evicted at susunod ang big winner.
Maraming nanghinayang sa paglabas ni Fred, ang disiplinado (raw) among the teen housemates, pero obviously, hindi nga siya ganun dahil siya ang 4th evictee.
Kayat ang hula ng loyal viewers ng PBBTE ay isa kina Jamilla, Kim, Matt at Mikee ang mananalo, pero mas maraming may gustong si Jamilla para raw maipagamot ang anak.
Samantala, may kumalat namang balita na may mayamang boyfriend si Jamilla at ito raw ang nagsu-sustento sa kanya at tsika lang daw na mahirap siya, in fact sa isang condo rin daw sila nakatirang mag-ina kasama pa ang yaya.
Wala raw nabanggit si Polo sa kanya tungkol sa naturang kissing scene at sa ibang tao pa raw nabalitaan ni Ara kaya biniro raw niya ang actor ng, "O, balita ko may kissing scene ka raw sa lalaki?"
At tumawa lang daw si Polo.
"Trabaho naman yun kaya naiintindihan ko, hindi nga lang niya ipinaalam sa akin. Sabagay ako rin naman noon ay nakipaghalikan din kay Rita Avila sa isang movie, okey lang," katwiran ni Ara.
As of now ay mutual understanding pa rin daw ang relasyon nina Ara at Polo dahil hindi pa ready ang una sa isang malalim na relasyon.
"Pareho kasi kaming busy, kaya tama na muna ang MU, tulad niyan, kasagsagan ng bar tour ko para sa album ko, tapos siya (Polo) marami ring ginagawa, kaya okey na kami sa MU," katwiran pa ng aktres.
Bukod dito ay ini-endorse rin ni Ara ang latest na Dickies teen underwear na parati niyang sponsor sa bar tours niya.
At kung si Polo ay hinihintay ang opisyal na pag-oo ni Ara ay hinihintay naman ni Ara ang regalong mamahaling aso sa kanya ng actor na in-order pa sa ibang bansa.
Hindi namin nakuha ang breed ng asong regalo ni Polo, pero ang paglalarawan ng singer/actress ay, "Kapag ginu-groom siya, parang cotton candy ang balahibo."
Ka-join sa naturang dinner sina Mommy Carol, Juday, Jeffrey Santos and family, Jackie Santos and family, mga pamangking sina Honey at Nino at family friends na sina Father Caluag at Connie.
Sa family naman ni Ryan ay ka-join ang kanyang Mommy Nina, Daddy Chito, at ang kuya ni Ryan with his family.
Ang future husband ni Juday ang nag-blow out sa naturang dinner na kwento sa amin ay isang long table sila na pinagtitinginan daw ng ibang pami-pamilyang nagdi-dinner din.
Nagkabiruan nga raw sa table nina Ryan at Juday na dahil maraming taga-showbiz din ang nakakita, baka raw palabasing nagpa-reserve na ang dalawa para sa wedding reception nila.
"It was a very nice dinner, seeing both families, ang ganda ng bonding," sabi ng mga nakakita.
Samantala, nung launching ng Profile Magazine ng Forever Flawless ay inamin ni Mommy Carol na hindi na siya mabibigla kapag isang araw ay hihingiin na ni Ryan ang kamay ng kanyang bunsong si Budaday, "Matagal ko nang pinaghandaan para hindi na ako mabigla, hinihintay ko na ang araw na yun," say niya.
Ang tanong, si tito Alfie Lorenzo kaya ay inihanda na rin ang sarili na isang araw ay mag-aasawa na ang kanyang alaga na kaliwat kanan pa ang projects? REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended