^

PSN Showbiz

Pati recording, pinasok na ni Dennis!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Malapit talaga sa isa’t isa sina Angel Locsin at Dennis Trillo kaya kamuntik na silang magkatuluyan noon. Pero hindi naman nawawala ang pagiging close ng dalawa kaya maganda ang working relationship nila kahit hindi naging sila.

Noong birthday celebration ni Angel ay si Dennis ang naging ispesyal na panauhin nito sa ilang TV shows at noong Biyernes naman ng gabi ay ang magandang aktres naman ang ispesyal na panauhin ni Dennis sa kanyang concert sa Zirkoh, kahit mga senior citizens na dapat tulog na ay nanood pa rin sa concert ng paboritong aktor.

Bata pa ay hilig na ni Dennis ang musika at naging band member ito noong high school kaya magaling tumugtog ng drums.

Isang magandang regalo para sa magaling na aktor ang pagiging recording artist nito ng GMA Records. Makikipagsabayan na rin ito sa pagkanta sa ibang magagaling na singers ng SOP kung saan magiging mainstay siya.
Naiintindihan Ang GF
Nagtataka si Oyo Boy Sotto kung saan nanggagaling ang balitang nasasakal sa kanilang relasyon si Angel Locsin dahil super higpit daw siya (Oyo Boy).

Ayon sa isang staff ng GMA na malapit sa aktor ay hindi ganito ang ugali ni Oyo dahil naiintindihan nito ang trabaho ng nobya.

Sa kabilang banda, super dami pa rin ng commitment ni Angel.

"Kaya kahit hirap ako at wala na halos pahinga ay tinitiis ko para makaipon para sa matatag na kinabukasan. Alam kong pana-panahon lang ang pag-aartista kaya minamahal ko ang aking trabaho," paliwanag ni Angel.
Pambato Sa Japan
Masasabing versatile ang singer na si Jos Garcia dahil bukod sa magaling itong kumanta ay mahusay pa ring sumayaw. Kaya naman nang ilunsad nito ang kanyang "Jos Garcia: Versatile" CD ay maraming humanga sa kanya. Hindi naman ito kataka-taka dahil kahit sa Japan ay marami itong tagahanga.

Regular itong nagpi-perform sa Club Repos sa Japan kung saan lumabas na rin sina Madonna, Michael Jackson, Britney Spears at Julio Iglesia.

Karamihan sa kanyang mga awiting nakapaloob sa CD ay original compositions ng mga bigating composers gaya nina Jose Mari Chan ("I Remember The Boy"), Vehnee Saturno ("Di Na Muling Mag-iisa"), Nonoy Tan ("So Close To Being Close To You") at marami pang iba.
Blind Item: Ibang Klaseng Maglampungan
Nang magkabalikan ang kontrobersyal na celebrities ay naging sweet silang lalo. Pero nang magselos minsan ang actress-TV host ay nagtatalak na naman ito sa nobyo dahil umuwi ito ng madaling araw na.

Sa galit niya ay pinagkakalmot niya sa mukha ang nobyo at nang makita ng bf na may dugo ang kanyang mukha ay kumuha ito ng baso at pinukpok sa ulo sabay dialogue ng "Gusto mo palang makakita ng dugo kaya ayan! Na-shock ang TV host sa nobyo.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BLIND ITEM

BRITNEY SPEARS

CLUB REPOS

DENNIS TRILLO

DI NA MULING MAG

I REMEMBER THE BOY

IBANG KLASENG MAGLAMPUNGAN

JOS GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with