^

PSN Showbiz

Aga, niregaluhan ng ibon ni Kris

-
Maswerte si Aga Muhlach. Kahit wala siyang gaanong pelikulang ginagawa, still markado siya sa mga tagahanga. Sa rami ng malalaking commercials ng actor, talo pa niya ang isang nag-aartistang nag-iingay para mapansing may ginagawang pelikula. Hindi nga ba’t may iba’t ibang gimik ngayon ang mga artista para mapansin. Naroong i-link ke ganire, ke ganoon, basta mapag-usapan lang.

But in the case of Aga, sa mga commercial niyang almost everyday at every minute ay nakikita sa telebisyon at may print ads pa, talagang superstar ang dating niya sa paningin ng masa. At take note, mga commercials niya ay pang-wholesome, walang beer o sigarilyo kaya.

"Ayaw ko ng hard drinks talaga. Noon pa man, hindi talaga ako umiinom o nagyoyosi," sey ni Aga sa break ng taping ng Ok Fine Whatever kasama si Bayani Agbayani. Maingat siya sa katawan. Tumaba lang ng konti, worried na kaagad siya. At hindi naman maiiwasang tumaba, dahil masarap magluto ang lovely wife niyang si Charlene Gonzales. Taglay ni Charlene ang katangiang hinahanap ni Aga, ang pagiging mahusay magluto.

Hindi nga ba, may bakery shop pa sina Charlene at mommy niya, Elvie Gonzales noon. Bale ba, matakaw si Aga at talagang hilig ay kumain. Kaya lang, mismong si Charlene na ang umaawat sa asawa kapag nasosobrahan na. Baka nga naman tumaba si Aga, magkaproblema pa sa figure. Mabuti na lang, may katulong sila sa pagkain ng mga putaheng niluluto ni Charlene, ang kambal nilang sina Andres at Atasha. Malilikot na raw pareho ang kambal at makukulit na sa bahay. Katulad din niyang mapagmahal sa mga alagang ibon at aso sa bahay ang kambal nila. Mamahaling aso po ang mga alaga ni Aga at hindi yung mga asong askal lang.

Minsan nga, nasorpresa si Aga, noong dumating sa bahay nila ang isang mamahaling love birds na paborito niya na bigay ni Kris Aquino. Nalaman pala ni Kris na marami siyang alagang ibon kaya’t binigyan siya nito noong last birthday niya.

Close sina Aga at Kris, kaya’t happy si Aga na happy si Kris sa love niyang basketbolistang si James Yap. Nagkatambal na kasi noong araw sina Aga at Kris sa pelikula.

Ngayon, may gagawing movie uli sina Aga at Sharon Cuneta sa Star Cinema. Pinaghahandaan din ito ng mabuti ng actor. Matagal-tagal na ring hindi sila nagkakapareha after Kung Ako Na Lang Sana.

Tungkol sa pagdagsa ng mga baguhan, walang space ang anumang insecurities sa actor. Maganda nga raw at may bagong nabibigyan ng break. Hindi naman kasi forever sila sa showbiz.

Pana-panahon din yan. Ang maipapayo lang ni Aga, sana mahalin ng mga kabataang artista ang swerteng dumarating sa kanila. Katulad ng ginagawa niya ngayon. Kung hindi raw niya minahal ito, marahil, matagal na siyang wala sa showbiz. — Vir Gonzales

AGA

AGA MUHLACH

BAYANI AGBAYANI

CHARLENE

CHARLENE GONZALES

ELVIE GONZALES

JAMES YAP

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with