Head on collision ng I Luv NY at Bituing Walang Ningning
May 14, 2006 | 12:00am
Pukpukan ang promo ng ABS-CBN at GMA 7 para sa magkasabay na airing ng programang Bituing Walang Ningning at I Luv NY na parehong bukas, Lunes, ang start ng airing.
As of this writing ay hindi pa rin nire-reveal ng dalawang network ang timeslot ng dalawang programa at sabi nga ng staff ng dalawang network, "Naghihintayan kami, bulagaan ito."
Nataon namang parehong tig 18-weeks o limang buwan tatakbo sa ere ang BWN at ILNY na ayon din mismo sa mga staff na involved sa dalawang programa ay wala itong extension dahil nakahanda na ang programang isusunod na ieere.
Gaano katotoo na tinalakan daw ng isang program manager ng isang kilalang network ang isang showbiz beauty specialist dahil hanggang ngayon pala ay hindi pa rin naibibigay ang premyong ipinangako sa grand winner na produkto ng reality show.
Ilang buwan na raw ang nakakalipas simula nung tanghaling grand winner ang bagets, pero ni ha, ni ho ay walang naririnig sa nag-sponsor na beauty specialist kung kailan at paano maki-claim ang premyo nito.
Kayat ang naturang program manager na mismo ang tumawag sa showbiz beauty specialist para alamin kung ano ang plano sa pangakong premyo ng bata.
Tila may problema yata at nangako namang ibibigay sa madaling panahon, yun nga lang, kung puwede raw "hulugan."
"Kaloka, ang yabang-yabang mag-sponsor, hulugan naman pala," sambit sa amin ng staff ng naturang program manager.
Kwentong showbiz beauty specialist pa rin na mahilig mamigay ng mga regalo sa mga ka-tsikang entertainment media at artista.
Sumakit ang tiyan sa katatawa ang kilalang tv personality dahil nung matanggap niya ang mamahaling regalo buhat sa showbiz beauty specialist.
"Hindi naman name ko ang nakasulat, para sa ibang tao at ang funny thing, instead na happy birthday since its my birthday, Merry Christmas, so last year pa dapat ito?" umiiling na kwento sa amin ng tv personality.
Tinawagan naman daw ng tv personality ang opisina ng showbiz beauty specialist para i-inform ang natanggap na regalo at imbes na humingi ng dispensa ay sinabi raw ng staff ng showbiz beauty specialist na nakasagot ay, "Naku, para sa inyo talaga yan, nadikit lang yung card." Reggee Bonoan
As of this writing ay hindi pa rin nire-reveal ng dalawang network ang timeslot ng dalawang programa at sabi nga ng staff ng dalawang network, "Naghihintayan kami, bulagaan ito."
Nataon namang parehong tig 18-weeks o limang buwan tatakbo sa ere ang BWN at ILNY na ayon din mismo sa mga staff na involved sa dalawang programa ay wala itong extension dahil nakahanda na ang programang isusunod na ieere.
Ilang buwan na raw ang nakakalipas simula nung tanghaling grand winner ang bagets, pero ni ha, ni ho ay walang naririnig sa nag-sponsor na beauty specialist kung kailan at paano maki-claim ang premyo nito.
Kayat ang naturang program manager na mismo ang tumawag sa showbiz beauty specialist para alamin kung ano ang plano sa pangakong premyo ng bata.
Tila may problema yata at nangako namang ibibigay sa madaling panahon, yun nga lang, kung puwede raw "hulugan."
"Kaloka, ang yabang-yabang mag-sponsor, hulugan naman pala," sambit sa amin ng staff ng naturang program manager.
Sumakit ang tiyan sa katatawa ang kilalang tv personality dahil nung matanggap niya ang mamahaling regalo buhat sa showbiz beauty specialist.
"Hindi naman name ko ang nakasulat, para sa ibang tao at ang funny thing, instead na happy birthday since its my birthday, Merry Christmas, so last year pa dapat ito?" umiiling na kwento sa amin ng tv personality.
Tinawagan naman daw ng tv personality ang opisina ng showbiz beauty specialist para i-inform ang natanggap na regalo at imbes na humingi ng dispensa ay sinabi raw ng staff ng showbiz beauty specialist na nakasagot ay, "Naku, para sa inyo talaga yan, nadikit lang yung card." Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended