Bahay para sa pamilya ang wish ni Judy Ann!
May 14, 2006 | 12:00am
Maituturing na mabait na anak si Judy Ann Santos ni Mommy Carol para silang magkaibigan at magkabarkada nito. Maasikaso naman si Mommy Carol sa anak bilang ganti sa kabutihan nito.
Ang birthday wish ni Juday ay maibili ng malaking bahay ang kanyang ina. Yung bahay nila sa Antipolo ay resthouse lang ng pamilya.
Ano ang regalo niya sa ina sa Mothers Day?
"Isa rin pong bahay na hinuhulugan ko pa rin pero, malapit nang matapos, aniya.
Iniisip nito kung ano ang ibibigay na regalo sa future mother in law sa araw na ito ng mga ina.
Kung close kami ng aking ina na si Lydia Abuan noon, ngayong wala na ang aking ama, lagi itong umiiyak kapag naaalala si itay. Lagi kong iniisip kung ano ang magagawa ko para gumaan ang kanyang pakiramdam.
Ayaw ko siyang malulungkot kaya lagi lang akong nasa tabi niya para makipagkuwentuhan. Kung ano ang gusto niya sinusunod ko gaya nang pagdalaw sa libingan ni itay regularly. Alaga ko siya sa gamot at ipinakikita naming magkakapatid na mahal namin siya.
Tuwing Sabado ay nagmo-malling kami at nanonood ng sine na di namin ginawa noon para malibang ito. Kasama ko siya sa pagsisimba tuwing Linggo. Kahit sa parlor ay kasama ko pa rin siya.
Masarap ang may isang ina na lagi mong karamay at laging nagaalala sa iyo. Kahit makulit sa pagtatanong ng saan ako pupunta, anong oras ako darating, kumain na ba ako masarap pa rin ang pakiramdam ko. Kaya habang buhay pa ang mga ina natin ay dapat patunayan kung gaano natin sila kamahal. Binabati ko ang lahat ng ina ng tahanan. Happy Mothers Day!
Mothers Day ngayon kaya ang tema namin ay tungkol sa isang magandang aktres na ang trato noon sa ina ay di gaanong maganda. Lagi itong nakasinghal at parang bale wala lang yun sa kanya lalo na kapag tensyonado kung may shows, taping o siyuting.
Pero nang magkaanak ito ay nagbago ang pakikitungo sa ina, bumait ito at nagkaroon ng malaking malasakit sa ina. Ibinili niya ito ng bahay at alagang-alaga ang kanyang kalusugan.
Totoo nga ang sinasabi ng karamihang ina na kapag nagkaroon na ng anak ang kanilang mga supling ay dun nila mari-realize ang paghihirap ng kanilang ina kaya gumaganda na ang kanilang pakikitungo dito.
Ang birthday wish ni Juday ay maibili ng malaking bahay ang kanyang ina. Yung bahay nila sa Antipolo ay resthouse lang ng pamilya.
Ano ang regalo niya sa ina sa Mothers Day?
"Isa rin pong bahay na hinuhulugan ko pa rin pero, malapit nang matapos, aniya.
Iniisip nito kung ano ang ibibigay na regalo sa future mother in law sa araw na ito ng mga ina.
Ayaw ko siyang malulungkot kaya lagi lang akong nasa tabi niya para makipagkuwentuhan. Kung ano ang gusto niya sinusunod ko gaya nang pagdalaw sa libingan ni itay regularly. Alaga ko siya sa gamot at ipinakikita naming magkakapatid na mahal namin siya.
Tuwing Sabado ay nagmo-malling kami at nanonood ng sine na di namin ginawa noon para malibang ito. Kasama ko siya sa pagsisimba tuwing Linggo. Kahit sa parlor ay kasama ko pa rin siya.
Masarap ang may isang ina na lagi mong karamay at laging nagaalala sa iyo. Kahit makulit sa pagtatanong ng saan ako pupunta, anong oras ako darating, kumain na ba ako masarap pa rin ang pakiramdam ko. Kaya habang buhay pa ang mga ina natin ay dapat patunayan kung gaano natin sila kamahal. Binabati ko ang lahat ng ina ng tahanan. Happy Mothers Day!
Pero nang magkaanak ito ay nagbago ang pakikitungo sa ina, bumait ito at nagkaroon ng malaking malasakit sa ina. Ibinili niya ito ng bahay at alagang-alaga ang kanyang kalusugan.
Totoo nga ang sinasabi ng karamihang ina na kapag nagkaroon na ng anak ang kanilang mga supling ay dun nila mari-realize ang paghihirap ng kanilang ina kaya gumaganda na ang kanilang pakikitungo dito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended