Manay Po, tungkol at para sa mga bakla
May 14, 2006 | 12:00am
Ang pelikula na ito ng Regal ay tungkol sa tatlong magkakapatid (Polo Ravales, John Prats, at Jiro Manio) na pawang mga bakla. Pinagtulungang gawin ang movie nina Mother Lily, producer ng Regal, at Joel Lamangan, isang award winning direktor, na buo ang mga isipan na hindi turned off ang mga Pinoy sa mga pelikulang tungkol sa mga bakla at may temang kabaklaan. Isang malaking patunay ang matagumpay na pagpapalabas ng mga pelikulang Pusong Mamon, So Happy Together, Aishite Imasu, 1941 at Ako Legal Wife.
"Kahit pawang mga comedies ang mga gay movies na ginawa ko, ang mga characters na ginamit ko ay base sa mga totoong tao at binigyan ko sila ng mga mahihirap na sitwasyon," ani Direk Joel na ang mga characters sa pelikulang ito ay base sa mahigit sa isang pamilya na kilala niya. "The parents are my friends and their children are gay," dagdag pa niya.
Ang Manay Po ay sinulat ni Dinno Erece at nagtatampok kina Cherry Pie Picache, Giselle Sanchez, Christian Vasquez, Luis Alandy at marami pang iba. May premiere night sa Mayo 29, 7NG, SM Megamall.
Isang straight guy ang ginagampanan ni Christian Vasquez sa Manay Po. Boyfriend siya ni Cherrie Pie na may mga anak na bading.
"Pero kahit straight ako rito, may pagka-soft din ang character ko," anang Ilonggong aktor na madalas ma-miss ang dalawang anak niya na nasa kandili ng mga magulang niya sa probinsya. Sinabi niya na gusto sana niyang dito papag-aralin ang dalawa pero, lubhang napaka-mahal ng gastos dito kaya dun na lang muna sila sa probinsya, until such time na malaki na ang kita niya.
"I call them often and when Im not busy I visit them. Ang saya saya nila when they see me. Pag nandito sila isinasama ko sila sa mga lakad ko, sa gym, sa basketball games ko but we spend more time sa bahay, wala kulitan lang," dagdag pa ng aktor na sa kagustuhang makapag-ipon ng mabilis ay di na muna sumasama sa mga gimikan with his friends. "Most of the times they dont understand why I dont join them but they will, pag may anak na rin sila," sabi niya.
Biruin mo, mayrong naka-sked na first major concert si Sam Milby sa De Paul College Football Field sa Jaro, Iloilo sa June 10, 7:30 NG. Pinamagatan itong Sam In A Million at sasamahan siya ng mga Star In a Million finalists na sina Tata Villaruel, Vino Bello, Tony dela Paz at Jay Perillo, may special participation si Chokoleit.
Mahal si Sam ng mga Ilongos, katunayan, bibigyan nila siya ng "Adopted Son of Iloilo" Trophy sa pangunguna ni Lex Tupas, anak ng gobernador.
Ang producer ng concert ni Sam ay isa ring Ilonggo, ang entertainment writer at TV/radio host na si Jobert Sucaldito.
Nagkakahalaga ang tiket ng P500, P300 at P150. Ang kikitain ay mapupunta sa De Paul College Scholarship Foundation.
Nag-iimbita naman ang PRO ng S-Files na si Letty Celi para panoorin ang nasabing show ngayong hapon. Iinterviewhin si Jackie Forster na kapapanganak lamang pero nasa ICU ang kanyang sanggol at may heart condition.
Posible ring mag-live appearance si Lani Misalucha sa show at, for sure, kakausapin siya ng mga host na sina Richard, Joey, Paolo at Pia.
Guest ngayong hapon ang buong cast ng I Luv NY na magsisimula nang mapanood sa GMA7 bukas.
Watch kayo at ayon kay Letty marami pa raw maiinit na inter- views na naka-sked tungkol kina Gerald Santos, ang nag-aaway na sina Katrina Halili at Yasmien Kurdi. Marami pa.
"Kahit pawang mga comedies ang mga gay movies na ginawa ko, ang mga characters na ginamit ko ay base sa mga totoong tao at binigyan ko sila ng mga mahihirap na sitwasyon," ani Direk Joel na ang mga characters sa pelikulang ito ay base sa mahigit sa isang pamilya na kilala niya. "The parents are my friends and their children are gay," dagdag pa niya.
Ang Manay Po ay sinulat ni Dinno Erece at nagtatampok kina Cherry Pie Picache, Giselle Sanchez, Christian Vasquez, Luis Alandy at marami pang iba. May premiere night sa Mayo 29, 7NG, SM Megamall.
"Pero kahit straight ako rito, may pagka-soft din ang character ko," anang Ilonggong aktor na madalas ma-miss ang dalawang anak niya na nasa kandili ng mga magulang niya sa probinsya. Sinabi niya na gusto sana niyang dito papag-aralin ang dalawa pero, lubhang napaka-mahal ng gastos dito kaya dun na lang muna sila sa probinsya, until such time na malaki na ang kita niya.
"I call them often and when Im not busy I visit them. Ang saya saya nila when they see me. Pag nandito sila isinasama ko sila sa mga lakad ko, sa gym, sa basketball games ko but we spend more time sa bahay, wala kulitan lang," dagdag pa ng aktor na sa kagustuhang makapag-ipon ng mabilis ay di na muna sumasama sa mga gimikan with his friends. "Most of the times they dont understand why I dont join them but they will, pag may anak na rin sila," sabi niya.
Mahal si Sam ng mga Ilongos, katunayan, bibigyan nila siya ng "Adopted Son of Iloilo" Trophy sa pangunguna ni Lex Tupas, anak ng gobernador.
Ang producer ng concert ni Sam ay isa ring Ilonggo, ang entertainment writer at TV/radio host na si Jobert Sucaldito.
Nagkakahalaga ang tiket ng P500, P300 at P150. Ang kikitain ay mapupunta sa De Paul College Scholarship Foundation.
Posible ring mag-live appearance si Lani Misalucha sa show at, for sure, kakausapin siya ng mga host na sina Richard, Joey, Paolo at Pia.
Guest ngayong hapon ang buong cast ng I Luv NY na magsisimula nang mapanood sa GMA7 bukas.
Watch kayo at ayon kay Letty marami pa raw maiinit na inter- views na naka-sked tungkol kina Gerald Santos, ang nag-aaway na sina Katrina Halili at Yasmien Kurdi. Marami pa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended