^

PSN Showbiz

Ynez Veneracion, suicide queen!

- Veronica R. Samio -
Hindi gumigimik si Ynez Veneracion kapag nababalitang nag-suicide siya. Talaga lamang na kapag nadi-depress siya ay pumapasok sa kanyang isipan na wakasan na ang kanyang buhay. Di lamang naman miminsan niyang ginawa ito. Ilang ulit na rin. Kaya nga madalas siyang biruin ng kanyang mga kaibigan na para siyang pusa na may maraming buhay. Kundi dahil dito, marahil ay patay na siya ngayon!

Sa kabila ng maraming kontrobersya na kinasasangkutan niya, mas gustong bilangin ni Ynez ang kanyang mga blessing kaysa ang ilang ulit niyang pagtatangka sa kanyang buhay.

"Gusto kong isipin na nagbago na ako. Bakit ko nga naman kikitlin ang buhay ko gayong napakabait sa akin ng Diyos," pagtatapat ni Ynez sa isang interview.

"May bahay na ako na talagang binuno ko sa pamamagitan ng araw at gabing pagtatrabaho. Milyones ang halaga nito na nabayaran ko na ang kabuuang halaga sa bangko.

"Ngayon iniintriga nila na nakuha ko raw ito sa pagbibenta ng aliw. Patunayan nga nila ito. Bibigyan ko ng pabuya ang sino mang makapagpatunay na sa ganitong paraan nga ito nanggaling.

"Ipinundar ko ito. Ayaw kong masabi ng sinuman na walang kinapuntahan ang ginawa kong pagpapaseksi. Iginapang ko ito dahil alam kong di pangmatagalan ang aking trabaho. Ngayon kapag iniintriga nila ito, pinagmamasdan ko na lamang ang bahay ko, kasama na ang kotse ko at iba pang gamit at sumasaya na ako," pahayag ni Ynez.

Pinagsisisihan na ni Ynez yung mga panahon na nag-suicide attempt siya.

"Problemado lang ako. Pero, di talaga ako suicidal dahil bakit takot ako sa sakit, kaya pinipili ko ang mga hindi masakit na kamatayan? Tulad ng pago-overdose ng gamot, pag-inom ng Zonrox, paglaslas sa aking pulso as compared to pagsasaksak ng kutsilyo o pagbabaril sa aking sarili.

"Minsan naisip ko ring magbikti pero, wala akong nakitang pagsasabitan ng sinturon na gagamitin ko. Minsan, inumpog ko na rin ang ulo ko sa dingding hanggang sa magdugo ito. Sa kabila ng lahat ng ito, buhay pa rin ako. Kaya alam ko na di ko pa oras. May silbi pa ako sa mundo.

"Ayoko ko na muling mag-try. Pero, madalas akong ma-depress, dahil sa mga kontrobersya. Pinag-aaralan ko nang maging matapang pero, nananaig pa rin minsan ang kahinaan ko kaya, nag-overdose na naman ako ng paracetamol. Ayoko na!! Buti na lang nahilo lang ako pero, lumanding pa rin ako sa hospital. Last na ito. I’m trying na kalmahin ang sarili ko at paglabanan ang kahinaan ng loob ko," sabi niya.

In fairness, dapat ay maging masaya na si Ynez dahil nabigyan na siya ng recognition sa kanyang trabaho. Marami pa rin siyang offers para kumanta at sumayaw sa ibang bansa. Nakatakda siyang gumawa ng bagong album at ng isang pelikula.
* * *
Isa lamang Tulfo ay sapat nang pagsumbungan ng publiko pero, ang pagsama-samahin sina Mon, Raffy at Erwin sa isang programang pang-serbisyo publiko ito ay higit pa sa maaari nating asahan.

Simula sa Mayo 20, sa RPN 9, 6-7NG, tatlo-tatlong magkakapatid na Tulfo ang magtatangkang harapin ang problema ng publiko sa kanilang programang Isumbong Mo (Tulfo Brothers). Lahat ng pang-aabuso ng mga nasa otoridad, mga kasong di inaaksyunan ng pamahalaan o mga serbisyong di ibinibigay agad ng mga empleyado ng gobyerno at mga investigative reports on issues of social concern, lahat nito pwedeng isumbong sa magkakapatid. Di lang naman pagsusumbong ang inaasahan ng tatlo sa kanilang mga manonood, bibigyan din nila sila ng impormasyon tungkol sa mga paraan para gawin natin ang ating share para maging responsableng mamamayan.

AKO

AYOKO

ISUMBONG MO

KAYA

MINSAN

NGAYON

YNEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with