^

PSN Showbiz

Make-up artist, diring-diri sa hininga ng sexy star

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Sukang-suka ang isang make-up artist sa hininga ng isang sexy star (don’t know how to label her kasi hindi na masyadong naririnig ang name niya) dahil grabe raw ang bad breath nito. As in halos hindi raw niya makayanan ang bawat hinga nito habang inaayusan niya para sa isang show. "At hingi pa siya nang hingi ng candy ng lagay na ‘yun sa alalay. Ayaw ko na nga halos tingnan. Pero talagang grabe, hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang amoy na ‘yun," kuwento ng vaklah na make-up artist.

Feeling nga ng vaklah hindi na lang simpleng bad breath ‘yun, kundi halitosis na, isang sakit.

Pasayaw-sayaw pa rin naman ang nasabing sexy star pero bibihira nang makita sa TV man o pelikula. Hindi kaya ang masangsang na amoy ng hininga niya ang rason kaya hindi na siya masyadong ‘in’ sa showbiz? Malamang. Kasi kahit sino naman siguro ay magre-reklamo pag ganu’n ang katrabaho mo.
* * *
Mapapanood din sa pelikula ng buhay ng world boxing champion na si Manny Pacquiao simply titled Pacquiao ang ilang weaknesses niya. Mismong si Jericho Rosales ang nagsabi na hindi naman lahat ng part ng buhay ni Manny ay tagumpay. Pero ayaw niyang sabihin kung ano ‘yun.

Anyway, nakunan na last week ang first fight scene sa Pacquiao movie at admitted si Echo na na-excite at the same time challenged siya sa role as boxing champion.

"Had to lose weight," say ni Jericho. At least 10 lbs. daw ang nabawas sa timbang niya.

Si Boboy Hernandez (trainor talaga ni Pacquiao) ang nag-train sa kanya para mas ma-justify niya ang character ng boksingero. Nagpalagay din ng tattoo si Jericho for his role. Teka nasaan nga ba ang tattoo ni Manny bakit parang hindi masyadong visible?

Anyway, ang dami nga kasi naman niyang kailangang gawin para ma-absorb ang character ni Manny. Una na ang physical appearance. Laging puna sa kanya, paano niya na-adjust ang hitsura niyang urbanized sa pagiging probinsiyano ang hitsura. "Binalikan ko ‘yung panahon na nasa Bicol ako. ‘Yung mga ginagawa ko at kilos at kung paano uli ang ginagawa ng isang probinsiyano. Hindi naman ako nahirapan dahil by heart, probinsiyano naman ako," sabi ni Echo in an interview.

Kailangan pa nilang magpunta sa Gen. Santos, ang bayan ni Pacquiao, at sa Las Vegas kung saan nakikipaglaban si Manny para sa mga importanteng eksena sa pelikula.

So far, happy si Direk Joel Lamangan sa mga eksenang nakunan na nila. Sabi pa nga niya, award winning role ito for Jericho.

Almost 30 to 40% ang fight scene sa movie and the rest ay drama and a bit of comedy na natural kay Manny.

Sa June 14 ang showing ng movie, bago ang fight ni Manny kay Oscar Larios ng Mexico na gaganapin sa Araneta Coliseum.
* * *
Makaka-relate ba tayo sa concert ni Paul Anka? Tanong ko sa friend ko when I asked her kung type niyang manood ng show ni Paul Anka sa Araneta Coliseum on May 14 and 15 (Sunday and Monday).

"I doubt," sagot niya. "Pero sure ako na makaka-relate ang parents natin," sagot uli niya.

Right. Mas makaka-relate ang parents namin. Panahon nila no’ng sumikat si Paul Anka as a singer and song writer although naririnig pa rin natin ang mga kanta ni Anka like "My Way," "All of a Sudden, You Are My Destiny," "Puppy Love" and "Diana," among others na madalas i-request sa mga karaoke bars at kantahin sa mga pro and amateur singing contest. Sino nga ba ang makakalimot sa kanyang mga kanta di ba?

Kaya nga ang daming gustong manood ng Anka concert.

Sabi ni Mr. Vic and Vincent del Rosario, producer ng show, maganda ang ticket sales.

Kung sabagay ang mga parents natin na nagi-enjoy na lang sa buhay ang gustong manood ng ganitong concert.
* * *
Kakaiba ang bagong programa sa IBC 13, ang Ano Ba’ng Hanap Mo. Kakaiba kasi, magiging venue ang programa na ala-buy and sell sa TV. Halimbawa meron kang gustong ibenta or marenta ng house or something, ito ang programan n’yo.

Hosted by Mikey Ferriols, Hyubs and Maoi Roca under the direction of Earl Ignacio, Ano Ba’ng Hanap Mo, bukod sa public service, may combination ng comedy.

Anyway, maraming nag-akala na hiwalay na si Earl sa kanyang asawang si Cookie Chua ng Color It Red. Pero hindi pa pala. In fact, mag-iisang taon na ang anak nila.

Bukod sa Ano Ba’ng Hanap Mo, magsusulat na rin ng script si Earl for ABS-CBN, Let’s Go.

Matagal-tagal na ring hindi nago-on cam si Earl kasi pala more on directing ang ginagawa niya.

Maging si Mickey Ferriols na dating nasa ABS-CBN ay nasa ibang channel na mapapanood. Ibig sabihin ba nito, wala na sa kanyang maibigay na programa ang Dos kaya nasa ibang programa siya ngayon ng IBC although blocktimer naman ang programa?

Samantala, tinatawanan na lang ni Mickey ang kuwentong naghihirap na sila ng live in partner niyang si Archie Alemania.

Magsisimula itong mapanood sa Sunday, May 28, 3 to 4 p.m sa IBC 13.
* * *
Belated happy birthday to Ms. Grace Foronda, Ad and Promo Manager of MCA Music. Birthday niya last May 8. Greetings from her friend, Ms. Maridol Bismark, assistant entertainment editor of The Philippine Star.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

ANO BA

CENTER

HANAP MO

NIYA

PACQUIAO

PAUL ANKA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with