Mark at Jennylyn muli? Paano na si Marian?
May 10, 2006 | 12:00am
Remember Annie Brazil, ang tinaguriang Queen of Philippine Jazz at ina ng magkakapatid na Richard Merk, Rachel Anne at Ronnel Wolfe?
Si Annie (72) ay nasa pangangalaga ngayon ni Rachel Anne at pamilya nito na naka-base sa New Jersey, USA. Magda-dalawang linggo na itong nakaratay sa banig ng karamdaman matapos ma-diagnose ng mga doctor na meron itong malignant tumor sa kanyang lungs. Bukod sa tumor, meron din itong emphysema, pneumonia at bronchitis. Gusto sanang operahin ng mga doktor ang kanyang tumor pero magkakaroon ito ng kumplikasyon dahil sa kanyang emphysema at mahinang-mahina ang kanyang katawan.
Umiiyak na tinawagan ni Rachel Anne ang kanyang Kuya Richard para ibalita ang kalagayan ng kanilang ina at hinahanap umano siya nito. Nakatakdang umalis si Richard sa Hunyo 1 patungong New Jersey para dalawin ang kanyang maysakit na ina. Hindi naman makakasama ang kanilang bunsong kapatid na si Ronnel dahil wala itong US visa.
Umaasa ang magkakapatid na Richard, Rachel Anne at Ronnel na maka-recover ang kanilang ina at hinihiling nila sa kanilang mga kaibigan at mambabasa na tulungan silang magdasal sa maagang paggaling nito.
Napakabilis talaga ng panahon. Parang kelan lang nang isilang ng sikat na mang-aawit na si Eva Eugenio ang kanyang unica hija na si Evangeline Nora Mae (Meg-Meg). Ngayon ay magi-18 na ito sa darating na Mayo 21 at ang kanyang debut party ay nakatakdang ganapin a day earlier (May 20) sa Sampaguita Hall ng Manila Hotel.
Baby pa halos si Meg-Meg nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang at mag-isa siyang iginapang ni Eva. Palibhasay mag-isang anak, napapag-aral ni Eva si Meg-Meg sa Brent International School mula elementary hanggang high school at ngayon naman ay sophomore college student ito sa La Salle University kung saan siya kumukuha ng AB-Literature. Kumuha rin si Meg-Meg ng modeling class sa John Robert Powers at namana naman niya sa kanyang ina ang husay sa pagkanta. Given the chance, gusto ring subukan ni Meg-Meg ang showbiz at pagmu-model.
Samantala, dalawang magkahiwalay na gown ang nakatakdang isuot ni Meg-Meg sa kanyang kaarawan na siyang birthday gift sa kanya ng kilalang fashion designer na si Gener Gozum, ninong niya at matalik na kaibigan ng kanyang ina.
Nakapagsilang na ang singer-actress na si Tootsie Guevarra ng kanilang first baby ng husband niyang si Jansen Cunanan nung nakaraang Abril 28. Isa itong malusog na baby boy na kanilang pinangalanang Ethan Joshua. Si Ethan ay isinilang sa pamamagitan ng Caesarian section sa San Antonio Hospital, California. Ang bata ay tumitimbang ng 7.15 lbs. at 21 pulgada naman ang haba.
Although dito sa Pilipinas ikinasal sina Tootsie at Jansen, sa Amerika na naka-base ang mag-asawa.
Ayon kay Tootsie, magkatulong umano sila ng husband niyang si Jansen sa pag-aalaga kay Ethan.
"Ang sarap pala talaga ng may anak. Nagpupuyat kaming mag-asawa to feed him at magpalit ng diapers," kuwento ni Tootsie sa kanyang e-mail sa amin.
Hindi talaga pumayag si Sen. Bong Revilla na wala silang kissing scene ng 2005 Miss International-turned actress na si Precious Lara Quigaman sa pelikulang pinagtatambalan nila (kasama si Aiai delas Alas) sa ilalim ng Imus Productions, ang Kapag Tumibok ang Puso (Not Once But Twice). Noong una ay tila asiwa si Lara na magkaroon sila ng kissing scene sila ng mister ni Lani Mercado pero ipinaliwanag naman sa kanya ni Direk Wenn Deramas na kailangan ito sa eksena lalo pat mag-asawa ang papel nila sa pelikula pero sa kalaunan ay napapayag din ito kaya tuwang-tuwa si Bong.
Ngayong pinasok na rin ni Lara ang showbiz, nakahanda na rin kaya siya sa mga intrigang ipupukol sa kanya?
"Hindi ko pa alam. But I just hope na makayanan ko," simple niyang tugon.
>Marami ang nakapuna kay Mark Herras sa presscon ng I Luv NY na very attentive ito sa kanyang kapareha at ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Mukhang totoo ang mga balitang nakarating sa amin na tila nagkabalikan ang dating magkasintahan nung silay nagte-taping sa New York, USA. Ano naman kaya ang magiging reaction ni Marian Rivera, ang bagong nililigawan ni Mark matapos silang mag-break ni Jennylyn?
[email protected]
Si Annie (72) ay nasa pangangalaga ngayon ni Rachel Anne at pamilya nito na naka-base sa New Jersey, USA. Magda-dalawang linggo na itong nakaratay sa banig ng karamdaman matapos ma-diagnose ng mga doctor na meron itong malignant tumor sa kanyang lungs. Bukod sa tumor, meron din itong emphysema, pneumonia at bronchitis. Gusto sanang operahin ng mga doktor ang kanyang tumor pero magkakaroon ito ng kumplikasyon dahil sa kanyang emphysema at mahinang-mahina ang kanyang katawan.
Umiiyak na tinawagan ni Rachel Anne ang kanyang Kuya Richard para ibalita ang kalagayan ng kanilang ina at hinahanap umano siya nito. Nakatakdang umalis si Richard sa Hunyo 1 patungong New Jersey para dalawin ang kanyang maysakit na ina. Hindi naman makakasama ang kanilang bunsong kapatid na si Ronnel dahil wala itong US visa.
Umaasa ang magkakapatid na Richard, Rachel Anne at Ronnel na maka-recover ang kanilang ina at hinihiling nila sa kanilang mga kaibigan at mambabasa na tulungan silang magdasal sa maagang paggaling nito.
Baby pa halos si Meg-Meg nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang at mag-isa siyang iginapang ni Eva. Palibhasay mag-isang anak, napapag-aral ni Eva si Meg-Meg sa Brent International School mula elementary hanggang high school at ngayon naman ay sophomore college student ito sa La Salle University kung saan siya kumukuha ng AB-Literature. Kumuha rin si Meg-Meg ng modeling class sa John Robert Powers at namana naman niya sa kanyang ina ang husay sa pagkanta. Given the chance, gusto ring subukan ni Meg-Meg ang showbiz at pagmu-model.
Samantala, dalawang magkahiwalay na gown ang nakatakdang isuot ni Meg-Meg sa kanyang kaarawan na siyang birthday gift sa kanya ng kilalang fashion designer na si Gener Gozum, ninong niya at matalik na kaibigan ng kanyang ina.
Although dito sa Pilipinas ikinasal sina Tootsie at Jansen, sa Amerika na naka-base ang mag-asawa.
Ayon kay Tootsie, magkatulong umano sila ng husband niyang si Jansen sa pag-aalaga kay Ethan.
"Ang sarap pala talaga ng may anak. Nagpupuyat kaming mag-asawa to feed him at magpalit ng diapers," kuwento ni Tootsie sa kanyang e-mail sa amin.
Ngayong pinasok na rin ni Lara ang showbiz, nakahanda na rin kaya siya sa mga intrigang ipupukol sa kanya?
"Hindi ko pa alam. But I just hope na makayanan ko," simple niyang tugon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended