Actor, nakikipag-one night sa Bora
May 8, 2006 | 12:00am
First time magpunta ng Boracay ang sikat na singer at hanga siya sa ganda ng lugar. May ilan na ring mga kababaihan na dumarayo sa naturang lugar kung saan puntirya ng mga ito ang ilang madadatung na lalaking foreigner. Magaganda naman sila at sexy kung saan may nagbubugaw sa kanila.
Natipuhan ng singer ang isa sa kanila kaya nakipag-one night stand ito pero nalaman ito ng kasamahang aktor na kasama niya sa Bora. Kaso kiss and tell din pala ang young actor at naikwento ang sex escapades ng sikat na singer.
Ang singer ay magaling sa isang klase ng musika at commercial model din. Nakalabas na rin ito sa pelikula.
Naghahanda nang mabuti si Jennylyn Mercado sa kanyang unang birthday concert na gagawin sa Mayo 15 sa Music Museum.
Ayon sa manager nitong si Becky Aguila magiging daring si Jenny sa kanyang concert dahil sa mga sexy outfit at magkakaroon sila ng dirty dancing ng ex-boyfriend na si Mark Herras sa opening number.
Mag-aala-Jennifer Lo ang magandang aktres kung saan bukod sa pagkanta ay maaasahan din ito sa pagsasayaw.
Saan naman mapupunta ang ilang bahagi ng kikitain sa concert?
Mayroong BATA Foundation ang aktres at dito partly mapupunta ang kikitain dahil gusto niyang tulungan ang mga battered children na gaya nang mapait na karanasan din ng aktres noong kanyang kabataan.
Pumasok na rin sa negosyo ang aktres kung saan siya ang producer ng concert. May itatayo rin itong boutique sa may Star Mall na tinawag niyang Miss Jenny.
Number one fan pala si Rudy Fernandez ni Tom Cruise kaya kahit kagagaling lang nito sa ospital at nagpapagaling pa ay nanood ito ng Mission Impossible 3 sa Powerplant.
Nagkagulo ang mga tao at iisa ang kanilang feedback, "Parang hindi siya tumatanda. Ang gwapo pa rin niya," sey nila.
Kasama ni Daboy ang mga kaibigang lalaki at wala si Lorna Tolentino na tinatanong din ng mga tao.
Sa kabilang banda, maganda ang ambiance ngayon sa Solar-UIP dahil rumatsada sa takilya ang M.I.3 sa opening day kung saan naka-P12.5 milyon ito. Batay sa mga nakapanood ng pelikula, ito ang pinakamaganda sa lahat ng nagawa ni Tom Cruise dahil bukod sa non-stop ang action ay maganda rin ang istorya nito, ang special effects ng mga pagsabog at may twist ang ilang bahagi ng istorya. Ang ganda ng kanyang leading lady na kahawig ni Katie Holmes at maganda rin ang location lalo na sa Shanghai China.
Napasyal ang tatlong hayop ng Over The Hedge sa Riverbank Marikina na sina Hammy, RJ at Verne kung saan pinagkaguluhan sila ng mga bata.
Naroon din sina Chairman Bayani Fernando at Mayor Marides para makisaya sa racoon na si RJ, turtle Verne at squirrel na si Hammy. Bukod sa nakakaaliw ang pelikula na pambata ay kapupulutan din ng mahalagang mensahe ang movie.
Sabi nga ni Chairman Bayani Fernando, "Very timely ang movie. Its about environmental protection dahil kapag wala nang makain ang mga hayop ay mga basura na lang ang kanilang kakainin laluna nat nakakalat ito sa ating mga bakuran," anang chairman.
Kung naibigan ang Shrek 2 at Madagascar ay higit na maiibigan ang Over The Hedge.
Tinatampukan ito ng all-star voice cast na sina Bruce Willis sa tinig ng racoon na si RJ; Garry Shanding sa pagong na si Verne at Steve Carell bilang hyperactive squirrel na si Hammy.
Palabas na ito sa May 19 mula sa Solar-UIP.
Natipuhan ng singer ang isa sa kanila kaya nakipag-one night stand ito pero nalaman ito ng kasamahang aktor na kasama niya sa Bora. Kaso kiss and tell din pala ang young actor at naikwento ang sex escapades ng sikat na singer.
Ang singer ay magaling sa isang klase ng musika at commercial model din. Nakalabas na rin ito sa pelikula.
Ayon sa manager nitong si Becky Aguila magiging daring si Jenny sa kanyang concert dahil sa mga sexy outfit at magkakaroon sila ng dirty dancing ng ex-boyfriend na si Mark Herras sa opening number.
Mag-aala-Jennifer Lo ang magandang aktres kung saan bukod sa pagkanta ay maaasahan din ito sa pagsasayaw.
Saan naman mapupunta ang ilang bahagi ng kikitain sa concert?
Mayroong BATA Foundation ang aktres at dito partly mapupunta ang kikitain dahil gusto niyang tulungan ang mga battered children na gaya nang mapait na karanasan din ng aktres noong kanyang kabataan.
Pumasok na rin sa negosyo ang aktres kung saan siya ang producer ng concert. May itatayo rin itong boutique sa may Star Mall na tinawag niyang Miss Jenny.
Nagkagulo ang mga tao at iisa ang kanilang feedback, "Parang hindi siya tumatanda. Ang gwapo pa rin niya," sey nila.
Kasama ni Daboy ang mga kaibigang lalaki at wala si Lorna Tolentino na tinatanong din ng mga tao.
Sa kabilang banda, maganda ang ambiance ngayon sa Solar-UIP dahil rumatsada sa takilya ang M.I.3 sa opening day kung saan naka-P12.5 milyon ito. Batay sa mga nakapanood ng pelikula, ito ang pinakamaganda sa lahat ng nagawa ni Tom Cruise dahil bukod sa non-stop ang action ay maganda rin ang istorya nito, ang special effects ng mga pagsabog at may twist ang ilang bahagi ng istorya. Ang ganda ng kanyang leading lady na kahawig ni Katie Holmes at maganda rin ang location lalo na sa Shanghai China.
Naroon din sina Chairman Bayani Fernando at Mayor Marides para makisaya sa racoon na si RJ, turtle Verne at squirrel na si Hammy. Bukod sa nakakaaliw ang pelikula na pambata ay kapupulutan din ng mahalagang mensahe ang movie.
Sabi nga ni Chairman Bayani Fernando, "Very timely ang movie. Its about environmental protection dahil kapag wala nang makain ang mga hayop ay mga basura na lang ang kanilang kakainin laluna nat nakakalat ito sa ating mga bakuran," anang chairman.
Kung naibigan ang Shrek 2 at Madagascar ay higit na maiibigan ang Over The Hedge.
Tinatampukan ito ng all-star voice cast na sina Bruce Willis sa tinig ng racoon na si RJ; Garry Shanding sa pagong na si Verne at Steve Carell bilang hyperactive squirrel na si Hammy.
Palabas na ito sa May 19 mula sa Solar-UIP.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended