Usapang lalaki nina Mon at Allan K.
May 7, 2006 | 12:00am
Ninerbyos si Mon Confiado nang mabalitaan niyang balak ni Allan K na magtayo ng isa pang branch ng Zirkoh sa lugar na kung saan ay nakatayo ang 22nd St. Comedy Bar sa Marcos Highway sa Antipolo na pag-aari ni Mon at ng kanyang kapatid na si Kai. Pero, matinding pasasalamat ang nadama niya nang personal siyang tawagan ni Allan para i-assure na hindi na nito itutuloy ang kanyang balak.
"Nawala ang nerbyos ko dahil alam naman nating malakas ang Klownz. Kahit pioneer kami sa lugar na yon, still, kapag dalawang comedy bars ang nakatayo dun, mahahati ang crowd. Hindi naman ganun kalaki ang market dun based sa experience namin.
"Sabi ni Allan, usapang lalaki yan! Basta sinabi ko, ginagawa ko. Para kaming nabunutan ng tinik sa pahayag niyang yun," ani Mon.
"Sa ngayon ay ongoing ang renovation ng 22nd St. Comedy Bar sa Marcos Highway dahil sa pagkakasunog nito. Pinalakihan namin ito, binigyan ng ibang dekorasyon, kaya higit na maraming tao ang magi-enjoy sa nightly entertainment dito," dagdag pa ng aktor.
Bukod sa Marcos Highway, meron din itong branch sa Las Piñas City at sa Cebu City. Sa May 16 at 17 ay si Keanna Reeves ang guest dito. Gusto rin nilang makuha yung cast ng Eat Bulaga gaya nina Jose, Wally, atbp.
Kahit abala sa kanyang negosyo, may oras pa rin si Mon sa kanyang showbiz career. Tapos na niya ang Sukob with Kris Aquino at Claudine Barretto under Chito Rono. Kasama rin siya sa Manay Po ni Joel Lamangan at sa Pacquiao Story kasama ni Jericho Rosales. Nakatakda rin niyang gawin ang digital film na Faces of Love ni Eddie Romero
Ayaw nang pumalaot pang muli sa pulitika ni Precious Hipolito. Tama na yung may isang pulitiko sa pamilya niya, ang kanyang asawang si Councilor Winnie Castelo na sa ngayon ay may isinusulong na programa sa palupa sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP) para ipamahagi sa maralitang taga-QC.
"Masaya na ako sa pagiging isang newscaster. Asikasuhin ko na lang muna ang pamilya ko pero, kung kailangan ng asawa ko ang suporta, andito lang ako," sabi ng dating artista na kontento na sa ngayon sa pag-aalaga ng kanyang asawat mga anak.
Maraming ordinansang isinusulong si Konsehal Castelo. Isa rito ang kapag mapagtibay ay pwedeng tanggalan ng permit ang mga nagmemeari ng mga computer shops na mahuling nagba-browse ng mga pornographic lines.
Katulad ng kanyang kapatid, marami ring programa na isinusulong ang kongresista sa ika-apat na distrito ng QC na si Nanette Castelo Daza. Katulad ng programang patubig sa bawat baranggay at libreng pagpapatala sa mga batang di pa rehistrado para di dumami ang bilang ng mga batang bastardo sa kanyang distrito.
"Nawala ang nerbyos ko dahil alam naman nating malakas ang Klownz. Kahit pioneer kami sa lugar na yon, still, kapag dalawang comedy bars ang nakatayo dun, mahahati ang crowd. Hindi naman ganun kalaki ang market dun based sa experience namin.
"Sabi ni Allan, usapang lalaki yan! Basta sinabi ko, ginagawa ko. Para kaming nabunutan ng tinik sa pahayag niyang yun," ani Mon.
"Sa ngayon ay ongoing ang renovation ng 22nd St. Comedy Bar sa Marcos Highway dahil sa pagkakasunog nito. Pinalakihan namin ito, binigyan ng ibang dekorasyon, kaya higit na maraming tao ang magi-enjoy sa nightly entertainment dito," dagdag pa ng aktor.
Bukod sa Marcos Highway, meron din itong branch sa Las Piñas City at sa Cebu City. Sa May 16 at 17 ay si Keanna Reeves ang guest dito. Gusto rin nilang makuha yung cast ng Eat Bulaga gaya nina Jose, Wally, atbp.
Kahit abala sa kanyang negosyo, may oras pa rin si Mon sa kanyang showbiz career. Tapos na niya ang Sukob with Kris Aquino at Claudine Barretto under Chito Rono. Kasama rin siya sa Manay Po ni Joel Lamangan at sa Pacquiao Story kasama ni Jericho Rosales. Nakatakda rin niyang gawin ang digital film na Faces of Love ni Eddie Romero
"Masaya na ako sa pagiging isang newscaster. Asikasuhin ko na lang muna ang pamilya ko pero, kung kailangan ng asawa ko ang suporta, andito lang ako," sabi ng dating artista na kontento na sa ngayon sa pag-aalaga ng kanyang asawat mga anak.
Maraming ordinansang isinusulong si Konsehal Castelo. Isa rito ang kapag mapagtibay ay pwedeng tanggalan ng permit ang mga nagmemeari ng mga computer shops na mahuling nagba-browse ng mga pornographic lines.
Katulad ng kanyang kapatid, marami ring programa na isinusulong ang kongresista sa ika-apat na distrito ng QC na si Nanette Castelo Daza. Katulad ng programang patubig sa bawat baranggay at libreng pagpapatala sa mga batang di pa rehistrado para di dumami ang bilang ng mga batang bastardo sa kanyang distrito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended