Myles, nakapundar ng bahay sa pagpapaseksi!
May 7, 2006 | 12:00am
Isa kami sa natutuwa kay Myles Hernandez, isa sa original Viva Hot Babes dahil maski na hindi na sila gaanong sikat ay nakapag-pundar na siya ngayon ng sarili niyang bahay sa Las Piñas kasama ang pamilya niya.
Tanda pa namin noong unang makausap namin ang dalaga na napilitang pasukin ang pagpapa-sexy dahil kailangan niyang tulungan ang kanyang inang nagtatrabaho sa munisipyo ng Cavite na magkano lang ang kinikita para buhayin silang magkakapatid na iniwan ng kanilang ama.
At hanggang sa ibalita niyang nakabili na siya ng bagong cellphone at target niya ay sasakyan para hindi na siya mag-MRT pauwi ng Cavite noon.
Sa launching ng art video nilang tatlo nina Gwen Garci at Zarra Lopez na may titulong Striptease, nakwento ang mga pundar niya.
Niliwanag din ni Myles ang isyung nakipag-live in siya noon, tsismis lang daw yun at inamin niyang may boyfriend siya ngayon na hindi taga-showbiz.
Samantala, nakakaloka pala ang naturang video nang tatlong Viva Hot Babes dahil bukod sa stripteasing, may lap dancing at pole dancing na tuturuan ni Gwen kung paano ilalabas ang sensual spirit ng ka-partner ng isang babae.
Available na ang naturang sex video sa lahat ng video shops sa malls mula sa Viva Video, Inc.
Gaano katotoo na nahihirapan daw ang mga taga-Marketing at Sales department ng GMA 7 na ibenta ang I Luv New York sa mga advertiser dahil mas gusto raw nila ang Bituing Walang Ningning?
Nabanggit sa amin ng kakilala naming taga-marketing department na, "Bagsak presyo kasi ang ABS ngayon sa rates ng ads kaya hirap kami, tapos hinihintay din nila kung anong oras ang Bituing Walang Ningning dahil kung tapat daw ng I Luv New York don sila maglalagay ng ads sa ABS.
"Kaya nga isa-suggest namin na baka puwede rin kaming magbaba ng presyo sa placement ng ads, nahihirapan kami tapos hindi rin daw nakakasiguro na gusto pa ng tao yung loveteam nina Marvin (Agustin) at Jolina (Magdangal) kasi alam namang hindi na sila. Unlike sina Mark (Herras) at Jennylyn (Mercado), may kilig factor pa," detalyadong say sa amin.
In fairness naman to I Luv New York ay maganda ang materyales, glossy at mukhang maganda ang istorya at pagkaka-direk ni Louie Ignacio.
Nagtataka kami kung bakit recently lang lumabas ang album ng 1st batch ng Pinoy Pop Superstar na sina Brenan, Charmaine at Michael o tinawag na BCM gayung isang taon na ang nakakaraan simula nung i-launch sila?
Ayaw naming isiping pinagbigyan na lang sila ng GMA Records para hindi masabing mga "laos" na.
Naaliw lang kami sa initials nila na BCM, parang pangalan ng sandwich na bacon, cheese and mayonaise sana lang hindi sila mapanis kapag hindi nabenta.
Anyway, say naman ng taga-GMA 7 na, "For sure itong 2nd batch, igagawa kaagad ng album yung mga talunan kasi mas magaganda ang mga boses nila kumpara sa 1st batch." Reggee Bonoan
Tanda pa namin noong unang makausap namin ang dalaga na napilitang pasukin ang pagpapa-sexy dahil kailangan niyang tulungan ang kanyang inang nagtatrabaho sa munisipyo ng Cavite na magkano lang ang kinikita para buhayin silang magkakapatid na iniwan ng kanilang ama.
At hanggang sa ibalita niyang nakabili na siya ng bagong cellphone at target niya ay sasakyan para hindi na siya mag-MRT pauwi ng Cavite noon.
Sa launching ng art video nilang tatlo nina Gwen Garci at Zarra Lopez na may titulong Striptease, nakwento ang mga pundar niya.
Niliwanag din ni Myles ang isyung nakipag-live in siya noon, tsismis lang daw yun at inamin niyang may boyfriend siya ngayon na hindi taga-showbiz.
Samantala, nakakaloka pala ang naturang video nang tatlong Viva Hot Babes dahil bukod sa stripteasing, may lap dancing at pole dancing na tuturuan ni Gwen kung paano ilalabas ang sensual spirit ng ka-partner ng isang babae.
Available na ang naturang sex video sa lahat ng video shops sa malls mula sa Viva Video, Inc.
Nabanggit sa amin ng kakilala naming taga-marketing department na, "Bagsak presyo kasi ang ABS ngayon sa rates ng ads kaya hirap kami, tapos hinihintay din nila kung anong oras ang Bituing Walang Ningning dahil kung tapat daw ng I Luv New York don sila maglalagay ng ads sa ABS.
"Kaya nga isa-suggest namin na baka puwede rin kaming magbaba ng presyo sa placement ng ads, nahihirapan kami tapos hindi rin daw nakakasiguro na gusto pa ng tao yung loveteam nina Marvin (Agustin) at Jolina (Magdangal) kasi alam namang hindi na sila. Unlike sina Mark (Herras) at Jennylyn (Mercado), may kilig factor pa," detalyadong say sa amin.
In fairness naman to I Luv New York ay maganda ang materyales, glossy at mukhang maganda ang istorya at pagkaka-direk ni Louie Ignacio.
Ayaw naming isiping pinagbigyan na lang sila ng GMA Records para hindi masabing mga "laos" na.
Naaliw lang kami sa initials nila na BCM, parang pangalan ng sandwich na bacon, cheese and mayonaise sana lang hindi sila mapanis kapag hindi nabenta.
Anyway, say naman ng taga-GMA 7 na, "For sure itong 2nd batch, igagawa kaagad ng album yung mga talunan kasi mas magaganda ang mga boses nila kumpara sa 1st batch." Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended