Barkada ni Aiai ang mother ng boyfriend niya!
May 5, 2006 | 12:00am
Masisisi mo ba si Aiai delas Alas kung ayaw na niyang ipagmakaingay pa ang kanyang latest love affair with a 23 year old badminton trainor dahil bukod sa very private ang guy ay takot na si Aiai na baka mabulilyaso pa ito na tulad nang nangyari sa kanyang past love affairs.
Pinasyalan namin si Aiai sa set ng pelikula nila ni Bong Revilla sa Imus Productions na pinamagatang Kapag tumibok Ang Puso (Not Once But Twice) at obvious sa kanyang glow na in love na in love siya.
"Na-freak out siya nung sunud-sunod na maglabasan ang mga write-ups. Sabi ko na lang sa kanya i-enjoy na lang niya ang privacy niya habang meron pa siya nito dahil artista ako, hindi namin maiiwasan ang mapag-usapan. Basta hanggat makakaya ko, di kami magpapa-interview. Ayaw din naman ng manager ko na si Boy Abunda.
"Iba siya sa iba (mga past relationships niya). Napaka-simple niyang tao pero, rough. Di siya mahilig gumimik.
"Actually three months na kaming magkakilala. Nung una ko siyang ma-meet may ka-relasyon pa ako. Mga five months na ang relasyon namin. Okay naman siya sa mga anak ko, tanggap nila.
"Pero, ang talagang nagpatunay na mahal niya ako ay ang pagpayag niya sa isang pre-nuptial agreement. Sabi ko sa kanya para sa proteksyon ng mga anak ko. Walang problema, agad siyang pumirma. Dun mas lalong tumibay ang pagmamahal ko sa kanya," anang komedyana, na umamin na bago sa kanyang bf na nagngangalang Jun Hinahon ay naging kaibigan niyat kabarkada ang ina nito.
"Isa rin siyang badminton player," ani Aiai who is made happy by the fact na boto sa kanya ang pamilya ni Jun.
Bagaman at may 19 taon ang pagitan ng edad nila, sinabi ni Aiai na wala silang problema.
"May mga adjustment kaming ginagawa pareho. Ako dati, di pasensyoso pero hindi na ngayon. At kahit na anong gawin kong pagpapasaway, di niya ako pinapatulan, ang bait.
"Swerte siya, buhat nang kami na nadagdagan ang mga shows ko, pati sa abroad, nagkasunud-sunod ang offer.
"Mga early nex year, magpapakasal na kami. Ayaw ko nang patagalin pa, may edad na ako noh! Tutal wala na naman kaming hinihintay," sabi niya.
After the interview, excited nang nagpa-pictorial si Aiai with her leading man Bong and Precious Lara Quigaman. Hinihintay na niyang makunan ang sinasabing kissing scene nila ni Bong.
In fairness, di ko naman feel na napagiwanan si Angelika dela Cruz ng mga kasamahan niyang sina Zsazsa Padilla at Sarah Geronimo sa musical launching ng Bituing Walang Ningning sa Music Museum.
Akala ko dahil champion singers sina Zsazsa at Sarah at maraming pumapalakpak sa kanila ay mai-intimidate siya pero, she pulled it through, maski na dun sa mga may matataas na nota. Pati sa damit ay di naman siya napag-iwanan ng dalawa.
Isa lang siguro ang kailangan niyang i-improve, ang pag-arte niya. Pinasok niya ang character acting. To be effective kailangang maging salbahe siya. Medyo malambot ang atake niya sa kanyang role. She should remember na ang original na gumanap ng role niya ay si Cherie Gil. Di maiiwasang i-compare siya rito.
Palabas na ang Bituing Walang Ningning sa May 15, sa ABS CBN.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended