Pwedeng magsolo pero, piniling maging soloista ng banda
May 4, 2006 | 12:00am
Anim na taon nang kumakanta ang bandang DEmpire pero, di ko pa sila maririnig kung di pa sila nag-launch ng kanilang unang album sa ilalim ng Psalms Records nung Martes ng gabi sa Hard Rock Makati.
Ang galing ng grupo na binubuo ng pito katao, anim na lalaki at isang babae-Vocals: Shirley Mauleon, Joey del Rosario at Roland Futol. Rhythm section: Drumbi Cruz, Miguel Comahort, Elmer Jasmin at Edwin Santos.
Kung nun ay itinuturing kong may pinaka-magagaling na soloista ang grupong Aegis, ngayon ay may mahigpit na silang kalaban sa grupong DEmpire na di lamang mahusay bumanat ng mga cover version na siyang hanap ng mga mahilig makinig sa mga musika, local man o foreign.
Dinadayo ang mga gigs nila sa Hard Rock Makati tuwing Linggo at Bedrock Malate tuwing Huwebes di lamang para magpakitang gilas sa dancefloor kundi para marinig ang napaka-husay na lead singer ng grupo na si Shirley Mauleon na pinagtatakhan ng marami kung bakit kumakanta sa isang banda gayong kayang- kaya namang magsolo.
"Ayoko takot akong magsolo. At mas masayang kumanta ng may mga kasama," paliwanag ng magandang singer na beterano ng mga singing contests (Bagong Kampeon, Metro Manila Festival, Himig ng Pag-ibig Eat Bulaga, Metro Musika (Himig ng Kabataan) at Paligsawit (Lunchdate).
Di rin naman pahuhuli ang mga kabanda niya. Ang bassist na si Miguel Comahort ay session musician nina Lou Bonnevie at Rachel Alejandro. Nakapag-abroad na rin ito ng ilang beses.
Ang lead guitarist na si Elmer (Memeng) Jasmin ay nahasa rin sa mga gigs niya sa abroad at itinuturing na komedyante ng grupo.
Ang drummer na si Drumbi Cruz ay mula sa pamilya Cruz ng showbiz at isang artist at founding member ng DEmpire.
Si Ojee Santos ang keyboardist, si Joey del Rosario, isa sa mga vocalist ay isang magaling na dancer, naging bahagi ng Speed Dancers na sumayaw sa Eezy Dancing ng ABC5 at VIP Dancers na napanood sa VIP ni Vilma Santos.
And 3rd vocalist na si Olan Futol ay grand champion ng Bulilit Portion ng Tita Bettys Children Show, grand finalist ng Bulilit Jamboree ng Lunchdate, Bagong Kampeon, Bulilit Portion ng RPN9 at Tanghalan ng Kampeon ng Ch. 7.
Magkaka-edad ang pitong myembro (26-27 yrs. old) na mas madalas sa abroad mag-perform (Japan, South Korea, Indonesia, Malaysia, Hongkong, China, Taiwan, at Australia) kesa sa bansa pero, wala silang choice but to stay put ngayong kailangang i-promote nila ang bago nilang self-titled album na nagtataglay ng 5 cover songs at 7 original songs na sinulat ni Vehnee Saturno.
Ito ang "Ever Since the World Began", "Making Love out Of Nothing At All", "Total Eclipse of the Heart", "Tears In Heaven", "Umaasa" (Korean song na "Chindalekot"), "I Just Want To Tell You", " Kung Ako ay Iiwan Mo", "Pagkatapos ng Unos", "Kislap", "Huwag", "at "Bulag"
Executive producer ng album ay si Ms. Aira Amano na na siya ring manager nila.
Nai-release na rin ng GMA Records ang 3-in-1 album ng Pinoy Popstar finalists na sina Brenan Espartinez, Charmaine Piamonte at Michael Garcia. Tinalo man sila ni Jonalyn Viray, tinatamasa naman nilang tatlo ang pagkakaton na maging mga recording artist sa pamamaguitan ng kanilang album na "BMC".
Kasama sa album ang "Moments of Love" na inawit nilang tatlo para sa pelikula. Binigyan naman ni Brenan ng ibang flavor ang lead single na "Ikaw" tulad din ng ginawa niya sa "Careless Whisper" ni George Michael. At sa mga awiting "Mahal Na Mahal" at "Home" ni Brian McKnight. Ang single n iyang "Ikaw" ay gagamiting theme song ng Korean ovelang House Husband.
Nagpakitang gilas din si Charmaine Piamonte, sa pamamagitan ng "I Believe" ni Fantasia Barino at "Bridges".
Mala-Ogie Alcasid naman si Michael sa mga kanta niyang "Kulang Na Lang", "Wala Ka Na D on" at "Heaven Knows".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended