Tuloy na ang kasal ni Aiai!
May 2, 2006 | 12:00am
Next year na pala itutuloy ni Aiai delas Alas ang wedding nila ng bagets niyang boyfriend. In a chance interview, hindi naman daw kasi showbiz ang boyfriend niya kaya nang mag-leak sa media ang nasabing kasalan, nag-react ang boyfriend niya na matagal na raw pala niyang kakilala.
Anyway, naka-schedule umalis si Aiai a week from now kaya tinatapos na niya ang mga eksena niya sa movie with Senator Bong Revilla, Kapag Tumibok Ang Puso, Not Once But Twice.
Dapat kasi, tapusin niyang lahat ng eksena bago siya umalis for a series of concert nila nina Regine Velasquez and Ogie Alcasid.
Sinasabay niya sa shooting ang dubbing para sa pelikula dahil pagbalik niya, one week lang ang gap at ipalalabas na ang pelikula ng Imus Production na dinirek ni Wenn Deramas.
In fairness, maraming nagi-enjoy na manood ngayon ng Pinoy Big Brother Teen Edition. May character ng mga bagets na ka-join. Proof na pinapanood ito dahil umabot sa 30 something ang rating ng bagong edition ng PBB. Yung ilan kong officemates, nag-enjoy kay Kim, yung Chinese bagets na walang care na kumanta ng Chinese song.
React nga ng isa kong officemate, tuluyan nang mawawalan ng career si Sandara Park paglabas ng Bahay Ni Kuya ng bagets na ito.
Parang mas may face pa kasi ang Chinese girl na ito kesa kay Sandara.
Although meron din namang nagri-react na bakit daw mukhang mga artista ang kinuha ng ABS-CBN. Paano na lang daw ang alagang bagets ng Star Magic, ang talent arm ng Dos paglabas ng mga teen housemates na ito? "Parang mayayaman sila at mga artistahin," say ng isa kong friend na panay pa rin naman ang panood ng PBB Teen Edition.
Nagkaroon ng instant survey si Ms. Wilma Galvante, executive in charge of production ng QTV 11 tungkol sa pwede pa nilang gawin para mas lalo pang lumakas ang QTV 11 although nasa no. 3 slot na sila. "May gap na talaga," say ni Ms. Wilma.
And base raw sa kanilang research, ang comedy shows ng QTV ang gusto ng majority ng audience nila kaya naman ito ang pinalalakas nila. Like last week, dalawang comedy show ang ni-launch nila - ang Family Zoo and Project 11. "Pagdating naman kasi sa comedy, alam naman namin ang direction namin," she explained.
Project 11 stars Wilma Doesnt, Ryan Yllana, Julia Clarete, Bearwin Meily, Boy 2 Quizon, Gwen Garci, John Feir, Vaness del Moral and Vivo Ouano.
Sa Family Zoo starring sina Ara Mina and Benjie Paras.
Magkakaroon ng pre-awarding rites ang 19th Awit Awards ng Philippine Association of Record Industries (PARI) ngayong araw May 2, 7:00 p.m. sa Ballroom B ng Crowne Plaza Hotel in Ortigas.
Ang pre-awarding which will be hosted by MTV VJs KC Montero and Cindy Kurleto, shall be giving away trophies to winners of mostly technical awards, and will officially kick-off the awards season of the music-award giving body for this year.
Bibigyan na ng trophy tonight ang winners sa Best Inspirational/Religious; Best Christmas; Best Regional, Best Musical Arrangement, Best Vocal Arrangement, Best Engineered Recording, Best Album Package, Best Novelty and Best Dance.
Malalaking musical artist ang pumayag na maging presentors sa nasabing event.
Ka-partner ng Awit Awards - ng PARI ang MTV Philippines in mounting the main Awards Night na magaganap sa June 15, 7 p.m. at the Casino Filipino Theater in Parañaque City.
For finalists or Awit Awards information, please visit www.awitawards.com.ph.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]
Anyway, naka-schedule umalis si Aiai a week from now kaya tinatapos na niya ang mga eksena niya sa movie with Senator Bong Revilla, Kapag Tumibok Ang Puso, Not Once But Twice.
Dapat kasi, tapusin niyang lahat ng eksena bago siya umalis for a series of concert nila nina Regine Velasquez and Ogie Alcasid.
Sinasabay niya sa shooting ang dubbing para sa pelikula dahil pagbalik niya, one week lang ang gap at ipalalabas na ang pelikula ng Imus Production na dinirek ni Wenn Deramas.
React nga ng isa kong officemate, tuluyan nang mawawalan ng career si Sandara Park paglabas ng Bahay Ni Kuya ng bagets na ito.
Parang mas may face pa kasi ang Chinese girl na ito kesa kay Sandara.
Although meron din namang nagri-react na bakit daw mukhang mga artista ang kinuha ng ABS-CBN. Paano na lang daw ang alagang bagets ng Star Magic, ang talent arm ng Dos paglabas ng mga teen housemates na ito? "Parang mayayaman sila at mga artistahin," say ng isa kong friend na panay pa rin naman ang panood ng PBB Teen Edition.
And base raw sa kanilang research, ang comedy shows ng QTV ang gusto ng majority ng audience nila kaya naman ito ang pinalalakas nila. Like last week, dalawang comedy show ang ni-launch nila - ang Family Zoo and Project 11. "Pagdating naman kasi sa comedy, alam naman namin ang direction namin," she explained.
Project 11 stars Wilma Doesnt, Ryan Yllana, Julia Clarete, Bearwin Meily, Boy 2 Quizon, Gwen Garci, John Feir, Vaness del Moral and Vivo Ouano.
Sa Family Zoo starring sina Ara Mina and Benjie Paras.
Ang pre-awarding which will be hosted by MTV VJs KC Montero and Cindy Kurleto, shall be giving away trophies to winners of mostly technical awards, and will officially kick-off the awards season of the music-award giving body for this year.
Bibigyan na ng trophy tonight ang winners sa Best Inspirational/Religious; Best Christmas; Best Regional, Best Musical Arrangement, Best Vocal Arrangement, Best Engineered Recording, Best Album Package, Best Novelty and Best Dance.
Malalaking musical artist ang pumayag na maging presentors sa nasabing event.
Ka-partner ng Awit Awards - ng PARI ang MTV Philippines in mounting the main Awards Night na magaganap sa June 15, 7 p.m. at the Casino Filipino Theater in Parañaque City.
For finalists or Awit Awards information, please visit www.awitawards.com.ph.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended