Herbert at mga kapatid, nagpo-produce ng digi film
May 2, 2006 | 12:00am
Nung 1991 pa itinatag ng magkakapatid na Bautista, Vice Herbert, Harlene at Hero ang kumpanyang Heavens Best Entertainment, Inc. pero pawang mga shows ang ipinoprodyus nito. Ngayon lamang nila naisipang mag-prodyus ng isang digital film (di pa nila kaya ang isang full length movie) na may pamagat na Umaaraw, Umuulan mula sa script ni Adolf Alix, Jr., sa direksyon ni Richard Arellano.
Tampok dito sina Vice Herbert at Ryan Agoncillo at Lara Precious Quigaman na magkatambal sa unang pagkakataon. Kasama nila sina Joel Torre, Chanda Romero, Mariel Rodriguez at ang mga kaibigan ng magkakapatid sa showbiz tulad ng mag-asawang William at Yayo, Ramon Christopher, Susan Henson, ang mister ni Harlene na si Romnick at marami pang iba.
Isang simpleng istorya ng pag-ibig nina Ryan at Lara ang Umaaraw, Umuulan. Si Vice bale ang nagsisilbing narrator ng istorya, gumaganap siya ng role bilang driver/friend ni Ryan, pipi pero di bingi. Siya ang saksi sa naging pag-ibig ni Ryan sa isang misteryosang babae. Huling pelikula niya ay yung Ping Lacson story nung 2001.
Celebrity premiere ng pelikula ni Tom Cruise ngayong 7NG sa Cinema 5 ng Gateway Cineplex sa Araneta Coliseum ng pelikulang Mission Impossible III. Ang maningning na gabi ay mula sa pagpupunyagi ng United International Pictures at Solar Entertainment Corp.
Makakalaban ni Cruise sa movie bilang secret agent si Ethen Hunt si Owen Davian (Phillip Seymour Hoffman, kapapanalo lang ng Oscar para sa pelikulang Capote), isang intl at information trader na tatangkaing patayin ang asawa ni Hunt.
Hanggang kailan kaya magtatagal ang balitang balikan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado na balitang nagbalikan habang ginagawa nila ang serye ng GMA7 na I Luv NY sa US. Ayon kay Lhar Santiago, lubhang napakalamig habang nagpi-pictorial ang dalawa sa Central Park. Hindi nila ito alam kaya wala silang dalang pananggalang sa lamig.
Nung una raw ay dedma pa ang dalawa, hindi nagpapansinan, may kanya-kanyang ginagawa habang naghihintay na tawagin sila. Laking gulat daw ng lahat nilang mga kasama dahil kinabukasang mag-resume sila ng taping ay holding hands na raw ang dalawa. Katunayan, lovebirds na ang tawag sa kanila ni Marvin Agustin.
E-mail: [email protected]
Tampok dito sina Vice Herbert at Ryan Agoncillo at Lara Precious Quigaman na magkatambal sa unang pagkakataon. Kasama nila sina Joel Torre, Chanda Romero, Mariel Rodriguez at ang mga kaibigan ng magkakapatid sa showbiz tulad ng mag-asawang William at Yayo, Ramon Christopher, Susan Henson, ang mister ni Harlene na si Romnick at marami pang iba.
Isang simpleng istorya ng pag-ibig nina Ryan at Lara ang Umaaraw, Umuulan. Si Vice bale ang nagsisilbing narrator ng istorya, gumaganap siya ng role bilang driver/friend ni Ryan, pipi pero di bingi. Siya ang saksi sa naging pag-ibig ni Ryan sa isang misteryosang babae. Huling pelikula niya ay yung Ping Lacson story nung 2001.
Makakalaban ni Cruise sa movie bilang secret agent si Ethen Hunt si Owen Davian (Phillip Seymour Hoffman, kapapanalo lang ng Oscar para sa pelikulang Capote), isang intl at information trader na tatangkaing patayin ang asawa ni Hunt.
Nung una raw ay dedma pa ang dalawa, hindi nagpapansinan, may kanya-kanyang ginagawa habang naghihintay na tawagin sila. Laking gulat daw ng lahat nilang mga kasama dahil kinabukasang mag-resume sila ng taping ay holding hands na raw ang dalawa. Katunayan, lovebirds na ang tawag sa kanila ni Marvin Agustin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended