^

PSN Showbiz

Patrick, dinedma sa Siete!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Napagkumpara ng isang kaibigang reporter ang reception ng mga taga-GMA 7 nang magkasunod na dumating sina Claudine Barretto at Patrick Garcia.

Naunang nakita sa Siete si Patrick nang pumirma ng kontrata para sa Captain Barbell. Wala raw pumapansin sa young actor at parang walang nakitang ibang mukha ang mga tao roon.

Kabaligtaran daw nang pumunta si Claudine last April 26 kasama ng asawang si Raymart Santiago. Sinundan daw ng tingin ang actress kahit saan magpunta at pinag-usapan ang presence niya sa network.

Ayaw maniwala ng nagkwento nito na baka nanibago lang ang tao kay Patrick pero, masasanay din sila ‘pag nagsimula na ang taping ng Pinoy super hero dahil madalas na siyang makikita.

Aminin nating bigger star si Claudine kay Patrick at natural lang na mas interesting pagtsismisan ang pagdating niya sa Siete.

Anyway, nalaman naming kaya nasa istasyon ang actress ay para ipagpaalam na hindi sila matutuloy ni Raymart na mag-guest sa Extra Challenge. Hindi raw ito pinayagan ng ABS-CBN na mag-guest dahil may bagong soap na kino-conceptualize para sa kanya.
* * *
Ayaw tanggapin ni Marky Cielo na mabilis siyang naging showbiz gaya nang sinasabi ng press sa presscon ng Fantastikids. Hindi raw siya nagbabago at never magbabago kahit sumikat pa ng husto. Inalam nito kung bakit ganoon ang tingin sa kanya but, unfortunately, nag-walkout na ang columnist na nagsabi nito.

Ang idinahilan ni Marky kung bakit ngarag siya’y dahil kagagaling lang niya sa guesting sa Sis at wala pa siyang maayos na tulog. Bisi-bisihan daw sila ni Jackie Rice na kasama niya sa lahat ng shows niya sa GMA-7. Sila rin ang bagong endorser ng Crimson t-shirts at inaming malaking tulong ang talent fee na tatanggapin dito.

Sina Marky, BJ "Tolits" Forbes at Isabella de Leon ang mga bida sa bagong show na ipapalit sa ‘Wag Kukurap. Inamin nitong naiilang siya at kinakabahan but, at the same time, flattered sa malaking tiwala sa kanya ng management.
* * *
Nahuli naming nakatingin si Vivo Ouano kay Jana Roxas habang sinasabi ng dalagita na sila ni Chuck Allie ang magka-loveteam sa Family Zoo. Ang alibi ng binata’y nakinig lang siya sa sinasabi ng dating ka-MU at hindi siya nagseselos.

Sayang at hindi pinagsama-sama ng QTV 11 sa isang show sina Vivo, Jana at Chuck Allie at maganda sanang paglaruan ang kanilang triangle. Si Vivo ay sa Project 11 kasama with Vaness del Moral at sina Jana at Chuck ay sa Family Zoo nga.

Five days nag-MU sina Vivo at Jana at kaya lang naghiwalay dahil sabi ni Vivo, pangit tingnan na marami siyang kasabay na ka-MU ng dalagita. Inamin din nitong nag-away sila ni Jeric Rizalado dahil din kay Jana at nag-away naman sina Jeric at Bugz Daigo dahil pa rin kay Jana (flawless at mahaba ang hair ng hitad!).

"Nagkaayos lang kami nang sabihin ko sa kanilang ‘di kami dapat nag-aaway at babae lang ‘yun. Sinunod nila ako at kinalimutan na namin si Jana," sabi nito.
* * *
Totoo ba ito? Hindi raw ang hectic schedule ng isang actress ang rason kung bakit hindi siya natuloy sa isang pelikula. Ang mas tamang dahilan daw ay ang demand ng kanyang manager ng above the title billing.

Bukod sa billing, marami pa raw demand ang manager ng actress na ikinayamot ng mga taong involved sa pelikula. Sa halip na pagbigyan ang maraming hiling, pinalitan na lang ang actress. Ngayon, malapit nang matapos ang pelikula at mukhang kikita ito’t kakaiba ang tema. Kapag nangyari ‘yun, magsisisi ang manager sa pagiging demanding.

Sana lang, alam ng actress ang real reason kung bakit siya napalitan sa pelikula. Baka, iba ang sinabi sa kanya ng manager.

AYAW

BUGZ DAIGO

CAPTAIN BARBELL

CHUCK ALLIE

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

FAMILY ZOO

JANA

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with