^

PSN Showbiz

Kina-career ang pagiging kontrabida

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Excited na si Melanie Marquez dahil sa kanyang character role sa bago nitong programa sa telebisyon Fantastikids.

"Kina-career ko talaga ang pagiging kontrabida kaya nagpa-botox pa ako kay Dra. Javellano ng dalawang kilay sa bandang noo para madali kong mapagalaw ang mata ko. I’m really bad and greedy sa show bilang si Lucila na auntie ng mga bata. Dahil sa pagpapa-botox ay tumapang ang aking mukha. Nagalit nga ang aking asawa nang makitang tumataas agad ang aking mga kilay kapag ginagalaw ko ang aking mata. Sabi nga niya, "What are you doing to your face?" pero sa dakong huli ay naunawaan naman nito ang aking ginawa," aniya.

Isang mormon si Melanie kaya habang bakante noon sa showbiz commitment ay abala ito sa pastoral services ng kanilang simbahan. Siya ang Relief President kaya abala din sa enrichment activity at iba pang mahalagang gawain.

Sa kabilang banda, ikinuwento nito ang kalagayan ng mga anak. Si Manuelito ay 24 years old na at naninirahan sa isang luxury condo sa Las Vegas. Isa na itong medical assistant at cash registrar sa isang duty free shop. Maganda naman ang sahod nito kaya tuluy-tuloy sa kanyang pag-aaral sa Las Vegas University.

Ang isa niyang anak na Arabo ay autistic child at 16 years old na kaya inaasikaso rin niya ito. Dalawa ang anak niyang Chinese at 2 sa asawa niya ngayong Amerikano. English ang usapan nilang lahat sa bahay at natutuwa si Melanie dahil magkakasundo lahat ang kanyang mga anak.
Kwentong Chat Silayan
Naluha si Melanie Marquez habang nagkukwento tungkol sa namayapang kaibigang matalik na si Chat Silayan. Last month lang niya nalaman na may colon cancer ito kaya madalas na ang pagdalaw niya sa ospital. Bago ito malagutan ng hininga last Sunday ay nakausap pa niya ito around 6PM at sinabihan silang "Let’s pray" kabilang ang mga taong nasa tabi niya bago tuluyang ipinikit ang mga mata.

"Pareho kaming modelo noong 70’s kaya parang magkapatid na ang turingan namin sa isa’t isa. Ang wish nito ay di siya makita kaya isinara ang kabaong. Ako ang naghanap ng lugar na pagbuburulan at nadama kong nagparamdam ito sa pamamagitan ng pagyakap niya sa akin bilang pasasalamat.

"Nabigyan ko rin pala siya ng mga tapes kung saan may isa dung titled "I’m a child of God." Pinapalitan ko ang kanyang suot na Maria Clara gown ng white gown with long sleeves courtesy ni Renee Salud para magmukha siyang anghel at mula sa pagkapusod ng buhok ay ipinalugay ko ito para magmukha talaga siyang reyna. Alam namin na kapiling na niya si Lord ngayon," mahabang kwento ni Melanie.

CHAT SILAYAN

KAYA

KWENTONG CHAT SILAYAN

LAS VEGAS

LAS VEGAS UNIVERSITY

MELANIE

MELANIE MARQUEZ

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with