^

PSN Showbiz

May pamilya nga ba si Jake?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Pinag-uusapan ngayon ang ginawang paglantad ng kapatid at ina ng male star na si Jake Roxas, kung saan sinabi nilang lumayas ito ilang taon na ang nakararaan, tangay ang lahat ng mga ebidensiya ng kanilang pamilya, at hindi na nakipagkita pa sa kanilang ina. Ang ina ni Jake ay namamasukan daw ngayon bilang isang katulong.

Bukod sa kanyang ina at kapatid, nagpa-interview din ang kanilang mga dating kapitbahay na nagsabing na tunay niyang ina at kapatid ang mga nagpa-interview sa tv. Sinasabi pa ng isa na ang tunay daw pangalan ni Jake ay Jonjon Mumbay.

Kahit na noong nagsisimula pa lang si Jake, hindi niya binabanggit ang kanyang pamilya, at sinasabi niyang lumaki kasi siya sa kanyang lola. Sinasabi naman ngayon ng kanyang kapatid na wala na silang lola, na matagal nang namatay ito, at lumaki si Jake na kasama nila.

Hindi namin alam kung saan matatapos ang usapang ito. Hindi naman sa kinakampihan namin si Jake, pero ang ganyang klase ng usapan ay masyado nang personal at di dapat nakalantad pa sa publiko.

Walang obligasyon si Jake na ipaliwanag iyon kanino man, lalo na sa publiko.

Wala namang kinalaman ‘yan sa kanyang pagiging artista kaya, bakit naman natin pakikialaman pa?
* * *
Kung kami ang tatanungin, tama ang desisyon ni Gretchen Barretto na huwag nang gawin ang iniaalok sa kanyang pelikula bilang leading lady ni Senador Bong Revilla. Hindi pa man, ang kanilang tambalan ay pinagmumulan na ng kung anu-anong intriga, at kung talagang desidido nga siyang balikan ang showbusiness, mukhang hindi nga tamang magbalik siya ng may intriga agad.

Mahirap mo namang iwasan ang mga intriga, dahil kung natatandaan pa ninyo, noong bago tumigil si Gretchen noon, may ginawa na silang pelikula ni Senador Bong at iyon ay pinagmulan na rin ng mga intriga.
* * *
May bagong nangyayari sa simbahan ni Santo Padre Pio sa Santo Tomas, Batangas. Bukod sa sinasabing spiritual healing, o pagpapagaling sa mga may sakit na gamit ay panalangin, nagtuturo rin naman sila ng alternative medicine, o iyong gamit ng mga natural herbs, prutas at gulay bilang lunas sa maraming pang mga sakit.

‘Yang ganyang pamamaraan ay matagumpay na naisasagawa ngayon kahit na sa mauunlad na bansa kagaya ng Germany. Sa paghahangad ni Fr. Dale Anthony Barretto Ko na mas makatulong sa mga may sakit, tinipon din niya ang mga eksperto sa herbal medicine para magturo sa mga tao ng natural na lunas sa sakit. Palagay namin ok ‘yan, subukan ninyo.

BUKOD

DALE ANTHONY BARRETTO KO

GRETCHEN BARRETTO

JAKE

JAKE ROXAS

JONJON MUMBAY

SANTO PADRE PIO

SANTO TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with