Julia, puntirya ni Vic?
April 27, 2006 | 12:00am
Ang tsismis sa kanila ni Vic Sotto ang isa sa mga itinanong kay Julia Clarete sa presscon ng Project 11, ang bago niyang show sa QTV 11. Ang naiisip nitong pinagmulan ng tsismis ay nang makita silang magkatabi sa eroplano on their way to Singapore para tanggapin ang award ng Eat Bulaga sa Asian TV Awards.
Nagkasabay lang daw sila ni Vic dahil nauna na ang kanilang mga kasama. Kung may pino-project maging boyfriend si Julia, ito yong Chinese na nakilala niya sa airport noong papunta siya sa Japan for Eat Bulaga pa rin.
Ayaw nitong sabihin ang pangalan pero, sa kanyang kwento, mukhang sasagutin niya ang lalaki kung ipu-pursue ang panliligaw sa kanya. Nasa early 30s ang edad nito, malaki ang katawan, binata at walang vices. Madali rin daw silang nagkasundo na parang matagal nang magkakilala.
"Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang magkita kami sa Starbucks pagdating ko sa LA," kinikilig na kwento ni Julia.
Magpi-premiere sa May 1 ang Project 11 na ididirihe ni Uro dela Cruz. Naka-toka kay Julia ang "Star Pok," every Wednesday. Ka-back-to-back nito ang "Bak-Q (Balita at Kaalaman sa Q)."
Ang analisa ng press, kaya aalisin ang Extra Challenge ay para mapalitan lang si Ethel Booba. Ang sabi, magpapahinga lang sandali ang reality-show at ibabalik din. Siguro pagbalik nitoy iba na ang co-host ni Paolo Bediones. Sa nakaraang two episodes ng show, solo na sa pagho-host si Paolo at wala na si Ethel.
Marami na kasi ang hindi natutuwa sa mga nakikitat nasusulat na ginagawa ni Ethel lalo na pagdating sa kanyang lovelife. Hindi nga naman maganda sa isang show kung sobrang controversial ang host.
Ang nakakalungkot, dalawang show ni Ethel ang magkasunod na mawawala at nauna na nga ang Jologs. Ang natira na lang sa kanyay ang Show Ko To sa QTV 11 at sanay magtagal ito sa ere.
Marami ang nanghihinayang kay Ethel dahil hindi raw pinahalagahan ang pagtitiwalang ibinigay ng GMA-7.
Gandang-ganda kami sa suot ng dalawang TV hosts sa isang popular TV show. Agad namang inamin ni Female TV Host A kung saan niya binili ang suot at pareho raw sila nang binilhan ni Female TV Host B.
Pero, ipinakiusap nitong wag na naming isulat kung saan nila binili ang naggagandahan nilang damit ng kaibigan dahil endorser sila ng isang female clothing line. Baka raw magalit sa kanila ang ad agency na kumuha sa kanilat hindi i-renew ang kanilang kontrata.
Patunay lang ito na hindi lahat ng endorser/image model ay ginagamit ang produktong kanilang ibenebenta sa consumers.
Hindi naman yata totoo ang tsikang aalis sa ABS-CBN at lilipat sa GMA-7 ang young actor na si Nathan Lopez (si Maxi sa Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros). Kaya, hindi kami masyadong sold sa balitang ito dahil nasa cast siya ng Super Inggo na balitang sa May 29 pa magsisimulang lumipad.
Kung may pipirma man ng kontrata sa Ch. 7, baka ang kakambal ni Nathan na si Gamaliel Lopez. Kukumpirmahin pa rin namin ito dahil marami namang young talents ang network na kasing-edad ng bagets.
Maganda ang tsikahan sa Moms bukas, Friday sa episode na Berde ang Kulay ng Pag-ibig. Guests sina Betchay Espeña, Frannie Villanueva at Joyce Supnet-Beluso, mga babaing nakapag-asawa ng mga bading.
Si Bechay ang asawa ni Swarding at kanyang ipaaalam sa viewers kung bakit after six kids ay iniwan niya ang asawat nakisama sa ibang lalaki.
Ex-wife naman ni Arnell Ignacio si Frannie na akalay nakita na ang perfect husband sa katauhan nito. Kaya lang, naghiwalay din sila.
Ang success story lang sa tatlo ay si Joyce na hanggang ngayon, masaya pa rin sa marriage nila ni director Anselle Beluso. - NITZ MIRALLES
Nagkasabay lang daw sila ni Vic dahil nauna na ang kanilang mga kasama. Kung may pino-project maging boyfriend si Julia, ito yong Chinese na nakilala niya sa airport noong papunta siya sa Japan for Eat Bulaga pa rin.
Ayaw nitong sabihin ang pangalan pero, sa kanyang kwento, mukhang sasagutin niya ang lalaki kung ipu-pursue ang panliligaw sa kanya. Nasa early 30s ang edad nito, malaki ang katawan, binata at walang vices. Madali rin daw silang nagkasundo na parang matagal nang magkakilala.
"Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang magkita kami sa Starbucks pagdating ko sa LA," kinikilig na kwento ni Julia.
Magpi-premiere sa May 1 ang Project 11 na ididirihe ni Uro dela Cruz. Naka-toka kay Julia ang "Star Pok," every Wednesday. Ka-back-to-back nito ang "Bak-Q (Balita at Kaalaman sa Q)."
Marami na kasi ang hindi natutuwa sa mga nakikitat nasusulat na ginagawa ni Ethel lalo na pagdating sa kanyang lovelife. Hindi nga naman maganda sa isang show kung sobrang controversial ang host.
Ang nakakalungkot, dalawang show ni Ethel ang magkasunod na mawawala at nauna na nga ang Jologs. Ang natira na lang sa kanyay ang Show Ko To sa QTV 11 at sanay magtagal ito sa ere.
Marami ang nanghihinayang kay Ethel dahil hindi raw pinahalagahan ang pagtitiwalang ibinigay ng GMA-7.
Pero, ipinakiusap nitong wag na naming isulat kung saan nila binili ang naggagandahan nilang damit ng kaibigan dahil endorser sila ng isang female clothing line. Baka raw magalit sa kanila ang ad agency na kumuha sa kanilat hindi i-renew ang kanilang kontrata.
Patunay lang ito na hindi lahat ng endorser/image model ay ginagamit ang produktong kanilang ibenebenta sa consumers.
Kung may pipirma man ng kontrata sa Ch. 7, baka ang kakambal ni Nathan na si Gamaliel Lopez. Kukumpirmahin pa rin namin ito dahil marami namang young talents ang network na kasing-edad ng bagets.
Si Bechay ang asawa ni Swarding at kanyang ipaaalam sa viewers kung bakit after six kids ay iniwan niya ang asawat nakisama sa ibang lalaki.
Ex-wife naman ni Arnell Ignacio si Frannie na akalay nakita na ang perfect husband sa katauhan nito. Kaya lang, naghiwalay din sila.
Ang success story lang sa tatlo ay si Joyce na hanggang ngayon, masaya pa rin sa marriage nila ni director Anselle Beluso. - NITZ MIRALLES
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended