^

PSN Showbiz

Nakatira na sa condo’t may sinasakyan nang kotse

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Maligayang-maligaya ngayon si Mother Lily Monteverde dahil kumita sa takilya ang Pamahiin starring Dennis Trillo, Marian Rivera and Iya Villania. Aba, in fairness, naka-P5.5 million ang suspense thriller movie nang mag-open ito sa mga sinehan last Wednesday at siguradong lalo itong kumita last weekend.

Magandang balita ito not only for Regal kundi sa buong industry dahil lately ay halos lahat ng pelikulang Tagalog ay kumikita kahit na nga pailan-ilan na lang ang ipinalalabas.

Kumita rin ang D’Lucky Ones nina Sandara Park and Joseph Bitangcol kaya parang maganda ang pasok ng taon sa movie industry. Bago ang D’Lucky Ones, maligaya rin ang GMA Films dahil kumita ang Moments of Love.

At dahil maganda ang kita ng Pamahiin, tuluy-tuloy ang paggawa ng pelikula ng Regal Films.
* * *
Speaking of first shooting day, nagsimula na ring mag-shooting ng kanyang first movie ang dancer turned actor na si Timm Espinosa na alaga ng beauty expert na si Bambbi Fuentes.

Swerte si Timm dahil unexpected ang pagiging instant actor niya sa pelikulang Jupit. Kwento ni Bambbi, minsang nagmi-meeting sila sa isang restaurant sa Quezon City nang makita si Timm ng producer ng Jupit and right there and then, pinag-audition si Timm na member ng D’Freemales dancers. Nag-try mag-audition si Timm sa producer ng pelikula. True enough, katipo pala niya ang hinahanap ng produ.

Isang balikbayan ang role ni Timm sa movie. Eh in real life, balikbayan talaga siya. Almost a year pa lang siyang nasa bansa.

Pero kahit may launching movie na si Timm, ayon kay Bambbi, hindi nito iiwan ang D’Freemales.

Sa local actors, idol ni Timm si Cesar Montano at parang type niyang ligawan si Maja Salvador.
* * *
Bait na bait si Jayson Gainza, PBB talent kay Piolo Pascual. Magkasama sa PBB Big Four, pinapa-feel ni Piolo na hindi siya malaking artista kaya hindi niya (Jayson) kailangang ma-intimidate. "Saka marami kang matututuhan kay Piolo. Tinuturuan niya talaga ako," sabi ni Jayson na kasama sa April birthday celebrator ng Star Magic.

Isa si Jayson sa mga original talent ng unang PBB na in demand. Bukod sa Sa Piling Mo, regular din siya sa Gudtaym.

Natural comedian siya kaya naman kahit sa pelikula, in demand si Jayson. Right now, sino-shooting niya ang Agent X44 starring Vhong Navarro. So panay ang playtime ni Tito Mario Bautista na kanino siya mas favor for Juday, kay Piolo or Ryan. Laugh lang ang sagot ni Jayson.

Kidding aside, very thankful si Jayson dahil kung hindi sa PBB, hindi siguro aasenso nang madalian ang kanilang buhay.

Nakabili na siya ngayon ng kotse. Second hand lang naman daw pero at least, may car pa rin.

Nasa condo na rin siya nakatira kasama ang kanyang pamilya. "Seven thousand ang rent namin. Same building kami ni Franzen (Fajardo)," sabi ni Jayson.
* * *
Katuwa ‘yung e-mail ng isang reader. Tinatanong niya kasi kung nagbayad ng royalty si Bong Revilla para sa movie nila ni AiAi delas Alas na Kapag Tumibok ang Puso, Not Once But Twice.

Famous kasi ang Not Once, But Twice na line kay Ms. Susan Roces nang magpa-presscon siya tungkol sa issue kay PGMA.

Dapat daw yatang maningil si Ms. Susan dahil sa kanya nag-start ‘yun.

"E yung sinungaling ay kapatid ng magnanakaw" kailan naman gagawing movie?" tanong ng reader.
* * *
Salve V. Asis’e-mail - [email protected]

BAMBBI

BAMBBI FUENTES

CENTER

JAYSON

LUCKY ONES

PIOLO

SIYA

TIMM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with