Eh ano kung ayaw ng mommy ni Ara Mina kay Polo?!
April 25, 2006 | 12:00am
First choice si Donita Rose na maging endorser ng isang high-end mall. Hindi lang natuloy dahil nagbuntis ito at hindi na siya nahintay makapanganak.
Sa iba napunta ang trabahong dapat kay Donita and in fairness, carry ng celebrity na ipinalit sa kanya ang ilapit sa consumers ang mall sa rami nang pumupunta rito. "Wa na clue at tiyak na marami ang magri-react.
Si Donita rin ang pansamantalang pumalit kay Christine Jacobs-Sandejas to host Mobile Kusina dahil malapit nang manganak ang TV host. Buong season, si Donita ang makakasama ng celebrity guest na magluluto.
Marami na ang curious na makilala ng husto si Rhean Ramos, ang isa sa dalawang leading ladies ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell. Taga-Ayala Alabang daw itot willing pasukin ang mainstream showbis. Ibig sabihin, pwede siya sa pelikula.
Malaki ang hawig ni Rhean kay Anne Curtis, ex-girlfriend ni Richard at may mga nagsasabing kung wala lang Georgina Wilson sa buhay ni Richard, posibleng mag-fall siya sa bagong kapareha.
May mga reklamo nga pala ang viewers dahil mula nang masulat na si Rhean ang bagong leading lady ni Richard, madalang nang ipalabas ang kanyang McDonalds TV commercial. Ang feeling ng mga nagrereklamoy ipinatigil ng GMA-7 ang TVC para di muna ma-expose sa tao ang dalaga. Si Rhean yung magandat long-hair sa TVC na tumangkad nang may makasalubong na gwaping sa loob ng McDo.
Inabangan ang pagpapakilala at pagpasok sa Bahay ni Kuya ng 12 housemates ng Pinoy Big Brother Teen Edition noong Linggo. "Katuwat may fans na ang ilan sa kanila at may dalang placards bilang suporta sa kanilang bet.
Beautiful bunch ang napiling maging housemates mula sa 30,000 na nag-audition. Ibabagay sa kanilang edad ang task na ibibigay ni Kuya at pati ang theme song na "Kabataang Pinoy" ng Itchyworms ay bagay sa kanilang edad.
Hula ni Director Laurenti Dyogi, babae ang mananalo at malalaman kung tama siya after six weeks. Maiksi ang takbo ng contest at bukas ngay may nomination na for eviction at sa Saturday, may magpapaalam na sa kanila.
Tumutok na lang kung sino kina Bam Romana (kapatid ng actress na si Dimples Romana), Clare Cabiguin, Aldred Gatchalian, Olyn Membian, Kim Chiu, Jamilla Obispo (teenage mother siya), Mickey Arceo, Matthew Evans, Mikee Lee (from Ateneo), Nina Atienza (from Assumption), Fred Payawan (from Colegio de San Agustin), & Gerald Anderson ang mananalo sa June 3.
Condo from Chateu de Valenzuela, P1M cash, business package from Red Fox at travel package for three ang mapapanalunan. Tama lang ito dahil napansin naming majority sa sumaliy para magka-perat mag-artista.
Nakita namin ang magandang mother nina Ara Mina at Cristine Reyes sa presscon ng Apoy sa Dibdib ng Samar, pelikula nina Cristine at Pampanga Governor Mark Lapid. Mommy Klenk ang tawag sa kanya ni Pilar Mateo at gumaya na rin kami.
Sabi namin, kontrobersyal siya dahil sa pahayag na ayaw niya kay Polo Ravales para kay Ara. Itinanggi nitong nagsalita siya nang ganoon at gusto lang makapili ang anak ng tunay na magmamahal. Pero, sa interview niya sa Startalk, tuwirang sinabing hindi siya pabor kay Polo. "Ayaw ko," ang wika nito.
Hindi namin ito natanong kung gusto niya si Mark para naman kay Cristine dahil sobrang gulo ang presscon. Ang nalaman lang namin, sa May 10 ang showing ng sinasabing environmental action movie.
Sa iba napunta ang trabahong dapat kay Donita and in fairness, carry ng celebrity na ipinalit sa kanya ang ilapit sa consumers ang mall sa rami nang pumupunta rito. "Wa na clue at tiyak na marami ang magri-react.
Si Donita rin ang pansamantalang pumalit kay Christine Jacobs-Sandejas to host Mobile Kusina dahil malapit nang manganak ang TV host. Buong season, si Donita ang makakasama ng celebrity guest na magluluto.
Malaki ang hawig ni Rhean kay Anne Curtis, ex-girlfriend ni Richard at may mga nagsasabing kung wala lang Georgina Wilson sa buhay ni Richard, posibleng mag-fall siya sa bagong kapareha.
May mga reklamo nga pala ang viewers dahil mula nang masulat na si Rhean ang bagong leading lady ni Richard, madalang nang ipalabas ang kanyang McDonalds TV commercial. Ang feeling ng mga nagrereklamoy ipinatigil ng GMA-7 ang TVC para di muna ma-expose sa tao ang dalaga. Si Rhean yung magandat long-hair sa TVC na tumangkad nang may makasalubong na gwaping sa loob ng McDo.
Beautiful bunch ang napiling maging housemates mula sa 30,000 na nag-audition. Ibabagay sa kanilang edad ang task na ibibigay ni Kuya at pati ang theme song na "Kabataang Pinoy" ng Itchyworms ay bagay sa kanilang edad.
Hula ni Director Laurenti Dyogi, babae ang mananalo at malalaman kung tama siya after six weeks. Maiksi ang takbo ng contest at bukas ngay may nomination na for eviction at sa Saturday, may magpapaalam na sa kanila.
Tumutok na lang kung sino kina Bam Romana (kapatid ng actress na si Dimples Romana), Clare Cabiguin, Aldred Gatchalian, Olyn Membian, Kim Chiu, Jamilla Obispo (teenage mother siya), Mickey Arceo, Matthew Evans, Mikee Lee (from Ateneo), Nina Atienza (from Assumption), Fred Payawan (from Colegio de San Agustin), & Gerald Anderson ang mananalo sa June 3.
Condo from Chateu de Valenzuela, P1M cash, business package from Red Fox at travel package for three ang mapapanalunan. Tama lang ito dahil napansin naming majority sa sumaliy para magka-perat mag-artista.
Sabi namin, kontrobersyal siya dahil sa pahayag na ayaw niya kay Polo Ravales para kay Ara. Itinanggi nitong nagsalita siya nang ganoon at gusto lang makapili ang anak ng tunay na magmamahal. Pero, sa interview niya sa Startalk, tuwirang sinabing hindi siya pabor kay Polo. "Ayaw ko," ang wika nito.
Hindi namin ito natanong kung gusto niya si Mark para naman kay Cristine dahil sobrang gulo ang presscon. Ang nalaman lang namin, sa May 10 ang showing ng sinasabing environmental action movie.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am