^

PSN Showbiz

Sino si Dave at bakit pinag-uusapan na siya?

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Madalas marinig sa mga FM radio stations ang kantang "What Makes You Stay". Sa mga taong una pa lamang nakarinig, naitatanong nila ang "Simeon?". Ibig sabihin, "sino ‘yon?"

Kahit kasi pamilyar na sa kanila ang "What Makes You Stay" at isa na sa kanilang mga paborito, hindi pa rin nila matandaan ang pangalan ng singer. Kahit sabihin pang simpleng Dave lang ang showbiz monicker niya.

Nagtatalo pa ang iba kung sino talaga ang kumanta ng "What Makes You Stay".

Siya nga si Dave, wala talagang apelyido, na mula pa sa General Santos City, na siya ring pinanggalingan ni Manny Pacquiao.

Walong taon gulang pa lamang si Dave, hinangaan na siya sa kanyang pagkanta ng "Bridge Over Troubled Water" sa isang family affair. Simula noon, nag-ambisyon na si Dave na maging isang sikat na mang-aawit.

Naging mahirap para kay Dave na makumbinsi ang kanyang ama na payagan siyang pasukin ang showbiz. Upang mapagbigyan ang tatay, nagtrabaho sa kanilang family business si Dave ng dalawang taon, pagkatapos sa unibersidad. Nasa shipping business ang pamilya ni Dave. Sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Henry S. Tan, na may-ari ng isang production company, nakumbinse ni Dave ang kanyang ama na payagan siyang pasukin na ang showbiz.

Habang nagtatrabaho as video editor sa production house ng kanyang uncle si Dave, nakapag-record din siya ng mga commercial jingle. Mula sa mga jingle, nag-produced na rin si Dave ng mga live concerts. Ngayong nasa showbiz na siya ng dalawang taon, nagpasya na si Dave na mabigyan ng katuparan ang kanyang pangarap.

Nakapag-record na siya ng isang CD-lite na "What Makes You Stay? Dave" sa tulong ng kanyang Uncle Henry.

Bukod sa carrier single na "What Makes You Stay?", kasama sa CD ang original composition ni Richard Marx na "With These Eyes". Kilala natin si Marx na nagpasikat at may likha ng "Right Here Waiting". Nagkaroon din ng mga collaborations si Marx with pop superstar Elton John.

Bigatin pala si Dave para mabigyan ng kanta nina Richard Marx at iba pang foreign composers.

Kasama pa sa album ang isang Dan Hill revival, "I Fall All Over Again". Tiyak maiibigan ng karamihan ang Tagalog song sa album na "Sa Bawat Sandali" na sinulat ni Arnee Mendanos.

Sabi ni Dave ang kanyang lola ang No. 1 fan niya. Aba, very rich ang angkan ni Dave. Kapag pinakyaw ng lola niya ang kanyang CD Lite, tiyak na platinum agad ito!

Biro lang! Alam naman natin na ang isang very talented musician tulad ni Dave ay madaling maibigan ng publiko.

Ang kanyang self-titled album, produced ng Pro-Ads Marketing at release ng Galaxy Records.

Masayang-masaya na ngayon si Dave dahil natupad din ang kanyang ambisyon na magkaroon ng sariling CD.

"I’m just a simple person," wika ni Dave. "As long as I’m happy with what I’m doing, I’ll continue doing it. Singing will always be in my heart."

Mako-contact si Dave sa kanyang manager na si Heinz Ngo, 0915-9079998.

ARNEE MENDANOS

BRIDGE OVER TROUBLED WATER

DAN HILL

DAVE

ELTON JOHN

GALAXY RECORDS

KANYANG

RICHARD MARX

WHAT MAKES YOU STAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with