^

PSN Showbiz

Relasyong Rochelle-Kier, di tumuloy!

-
Tatapatan ang shows ng former Sexbomb girl na si Sugar Mercado kasama si Monique na dating Sexbomb sa Zirkoh Comedy Bar at ang grupong Sexbomb sa Laffline along Timog QC tuwing Miyerkules.

Say nga ng manager ng Sexbomb na si Joy Cancio ay, "Walang kaso sa amin kung magkakasabay ang shows nila, ang mahalaga, pare-parehong kumikita ang mga show ng mga bata. Hindi ko na iniisip ang mga intriga dahil hindi naman ito makakatulong sa amin, ang magandang gawin, e, pagbutihin na lang ang trabaho para lahat masaya."

Maging ang ibang myembrong tulad nina Jopay Paguia, Rochelle Pangilinan, Izzy Trazona, Sunshine Garcia, Mia Pangyarihan at iba pa ay hindi na rin apektado kung sakaling makasalubong nila si Sugar dahil katwiran nila, napatawad na nila ito sa ginawa sa grupo nila.

"Hindi na maibabalik yung nawala kaya dedma na lang kami and besides, alam ni Sugar ang totoo," pahayag ni Rochelle.
* * *
And speaking of Rochelle Pangilinan ay inamin nitong loveless siya ngayon dahil mas gusto muna niyang mag-concentrate sa trabaho niya dahil hindi biro ang hirap ng buhay ngayon, lalo’t dalawang pamilya ang binubuhay niya

"Magkahiwalay kasi ang magulang ko, so magkaiba sila ng sustento, e, yung tatay ko, for life ko siyang susustentuhan kasi may sakit siya, marami siyang gamot na dapat i-maintain para mabuhay, tapos magkasama naman kami ng nanay ko, kaya magastos kasi dalawang bahay yung sinusustentuhan ko.

"Buti nga sila, na-ipundar ko na ng tig-isang bahay, ako ang walang bahay, kotse lang ang meron ako na wala naman sina tatay at nanay," natatawang kuwento ni Rochelle.

Marahil blessing na rin na hindi natuloy sa seryosong relasyon yung magadang samahan nila ni Kier Legaspi dahil nga baka hindi rin mag-work out. Although aminado ang seksing dancer/singer na may na-develop na siyang feelings para kay Kier noon at biglang nawala na ngayon. "Hindi kasi siya nagsasalita, e, gusto ko yung pormal na nagsasabi, ,e tahimik, kaya walang nangyari hanggang sa nawalan na kami ng komunikasyon," paliwanag ng dalaga.

Maging si Alfred Vargas din noon na gusto ring ligawan si Rochelle ay hindi rin nagtagumpay dahil kapareho ni Kier, hindi rin daw marunong manligaw si Alfred, sayang, type pa naman siya ni Rochelle noon dahil mabait, super sweet at gentleman at walang excess baggage.
* * *
May nakapagsabi sa aming taga-News department ng ABS-CBN na hindi nag-resign si Doris Bigornia bilang reporter ng TV Patrol kundi tinerminate for violations of company rules and regulations.

Last Friday daw iniabot kay Doris ang termination letter niya at nalungkot ang mga kasamahan ni Doris sa newsroom ng ABS-CBN dahil matagal din nilang nakasama ito sa hirap at ginhawa.

Binanggit sa amin kung ano ang na-violate ni Doris pero hindi na namin isusulat pa dahil baka ang nag-feed naman sa amin ng information na ito ang isunod na tsugihin dahil balita namin ay may kakaibang pamamaraan ang pinuno ng nabanggit na departamento para hulihin ang mga staff niyang nagli-leak ng info sa taga-print media.

Ang naging running joke nga raw sa newsroom ng Dos ay, "Kung nabuking ang link ng Al Queda sa Saudi, walang dahilan para hindi rin malaman dito sa ABS kung sino ang naglalabas ng infos."
* * *
May mga naka-post sa internet na ang regalo raw ni Judy Ann Santos kay Ryan Agoncillo nung birthday nito ay isang mamahaling motorsiklo na nagkakahalaga ng almost P1M.

Nagulat ang mga nakabasang fans ng dalawa sa internet dahil hindi raw trulili, alam daw nila kung ano ang gift ng aktres sa kanyang papa Ryan.

Bale ba, timing naman dahil may bagong motor nga ang tv host/actor pero trade-in niya ito sa luma niyang motorsiklo na kung hindi kami nagkakamali ang tatak ng bago niyang motor ay Ducati.

Anyway, say ng taong malapit kay Juday, "Bago siguro siya gumastos ng mamahaling regalo, e, babayaran muna niya ang BIR no para matapos na ang kaso."— Reggee Bonoan

vuukle comment

AL QUEDA

ALFRED VARGAS

DAHIL

DORIS BIGORNIA

IZZY TRAZONA

JOPAY PAGUIA

ROCHELLE PANGILINAN

SEXBOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with