Dennis, Angel, may movie sa Paris!
April 20, 2006 | 12:00am
Nakakwentuhan namin si Popoy Caritativo at masayang ibinalita na bukod sa teleseryeng Majika ay may pelikulang pagtatambalan sina Dennis Trillo at Angel Locsin sa Paris titled I Love Paris.
Tinanong din namin ito tungkol sa pagsasatinig ng Voltes 5 kung saan nakaapekto ba ito sa pagiging contract star niya ng GMA?
"Hindi naman ito sa Channel 2 kundi under Hero Channel (Cartoon Channels) kung saan hindi apektado ang pagiging loyalista niya sa Siete.
"Lahat ng desisyon namin ay ipinaaalam din namin sa GMA 7," sey ni Popoy.
Kung may role na gustong gampanan si Dennis Trillo sa pelikula ito ay ang pagiging boksingero. Sana raw ay mabigyan siya ng project na ganito ang papel na gagampanan.
Sa kabilang banda, sa nakaraang premiere night ng Pamahiin ay pinuri ang acting ni Dennis. Magaling nitong nailarawan ang papel ni Noah.
Hanga rin siya sa kaparehang si Iya Villania dahil naging epektibo ang kanyang pag-arte bilang si Eileen na may third eye. "Isang rebelasyon si Iya sa pelikula at natuwa kami dahil na-practice na nito ang Tagalog kaya mas lalong convincing ang kanyang pag-arte," aniya.
Sa pagtatapos ng Encantadia ay di mapigilan ni Jennylyn Mercado na mapaiyak dahil napamahal sa kanya ang telefantasya.
"Dito kasi nahasa ang acting ko at nagkaroon ako ng isang pamilya dahil naging kaibigan ko sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Diana Zubiri at Karylle. Para kaming magkakapatid na nagsasabihan ng problema kaya mami-miss ko silang lahat. Iba talaga ang bonding na nabuo namin para sa isat isa," aniya.
Kilig na kilig ang mga fans habang pinakikinggan ang pag-awit ng isang poging aktor sa isang mall.
Nang bumaba ito ay nagtakbuhan ang mga fans para magpakuha ng litrato. Pawisang-pawisan ang aktor at di naiwasang nakadikit sa kanya ang mga fans.
"Bakit ganun ang amoy niya para siyang may BO," sey ng ilang fans. "Siguro pag pinapawisan lang siya," depensa ng dalawang fans.
"Laki kasi ito sa Amerika kaya siguro di sanay maligo araw-araw.
Di gaya ng mga Pinoy na naliligo araw-araw. Sa Tate kasi ay di siya pinagpapawisan kahit di maligo araw-araw. Kailangan siguro niyang gumamit ng deodorant dahil kapag pinagpapawisan pala ito ay may kakaiba siyang amoy," giit naman ng reporter na narun sa show nito.
Tinanong din namin ito tungkol sa pagsasatinig ng Voltes 5 kung saan nakaapekto ba ito sa pagiging contract star niya ng GMA?
"Hindi naman ito sa Channel 2 kundi under Hero Channel (Cartoon Channels) kung saan hindi apektado ang pagiging loyalista niya sa Siete.
"Lahat ng desisyon namin ay ipinaaalam din namin sa GMA 7," sey ni Popoy.
Sa kabilang banda, sa nakaraang premiere night ng Pamahiin ay pinuri ang acting ni Dennis. Magaling nitong nailarawan ang papel ni Noah.
Hanga rin siya sa kaparehang si Iya Villania dahil naging epektibo ang kanyang pag-arte bilang si Eileen na may third eye. "Isang rebelasyon si Iya sa pelikula at natuwa kami dahil na-practice na nito ang Tagalog kaya mas lalong convincing ang kanyang pag-arte," aniya.
"Dito kasi nahasa ang acting ko at nagkaroon ako ng isang pamilya dahil naging kaibigan ko sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Diana Zubiri at Karylle. Para kaming magkakapatid na nagsasabihan ng problema kaya mami-miss ko silang lahat. Iba talaga ang bonding na nabuo namin para sa isat isa," aniya.
Nang bumaba ito ay nagtakbuhan ang mga fans para magpakuha ng litrato. Pawisang-pawisan ang aktor at di naiwasang nakadikit sa kanya ang mga fans.
"Bakit ganun ang amoy niya para siyang may BO," sey ng ilang fans. "Siguro pag pinapawisan lang siya," depensa ng dalawang fans.
"Laki kasi ito sa Amerika kaya siguro di sanay maligo araw-araw.
Di gaya ng mga Pinoy na naliligo araw-araw. Sa Tate kasi ay di siya pinagpapawisan kahit di maligo araw-araw. Kailangan siguro niyang gumamit ng deodorant dahil kapag pinagpapawisan pala ito ay may kakaiba siyang amoy," giit naman ng reporter na narun sa show nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended