Rustom Padilla, P2 million ang hinihinging TF
April 17, 2006 | 12:00am
Ayaw ipasulat pero, lumabas din na P2M ang asking talent fee ni Rustom Padilla sa mga movie offer sa kanya, kasama ang Zsa Zsa Zaturnah ng Regal. Mataas ang hinihinging tf ng actor considering na nagbaba ng presyo ang malalaking artista sa industry.
Ang nadinig namin, P1M ang in-offer ng Regal kay Rustom for three movies. Kung pumayag, P300,000 ang ibabayad sa kanya sa two movies at P400,000 sa third movie kaso, di ito pumayag kaya, bulilyaso ang pagbabalik-pelikula niya.
Sa kanya in-offer ang role ni Ada sa Zsa Zsa Zaturnah, flamboyant bading na nagdadamit babae bagay, na hindi tinanggap ni Rustom. May rason naman ito kung bakit serious gay movie in the likes of Brokeback Mountain at TV show na Will and Grace ang kanyang hinahanap.
Mamayang 12 midnight na ang alis nina LJ Reyes at kapatid na si Lorraine for New York. Ia-acknowledge ng magkapatid ang kanilang petition na matagal ding pina-follow-up ng kanilang ina.
Sa May 2 ang balik ni LJ at magpapaiwan naman ang kapatid ng ilang linggo. Kailangang bumalik ng young actress dahil magda-dubbing siya para sa Manay Po. Noong Sabado, tinapos niya ang mga eksena sa nabanggit na pelikula para walang problema ang Regal at si Director Joel Lamangan sa showing nito sa May 10.
More than two weeks ding wala sa bansa si LJ, ma-miss kaya siya ni Alfred Vargas? Natawa pala kami sa male poster sa thread ng dalaga sa Internet. Pinayuhan nito si LJ na wag magpapaligaw kay Alfred dahil malulungkot daw siya. As if naman, may magagawa siya kung manliligaw nga ang actor. Pero sabi nito, torpe siya at di marunong manligaw. Naniniwala kayo?
Walang kontrata sa GMA-7 si JC de Vera pero, di siya nababakantet laging may show. Kasama siya sa Captain Barbell at bida-kontrabida ang role as Boris na half-brother ni Richard Gutierrez. Excited na itong magsimula ng taping at kung paano aatakihin ang ibinigay na role sa kanya.
Magiging busy din si JC sa shooting ng White Lady ng Regal. Launching movie niya ito kaya, normal lang na kabahan. Pero, sa nakitang suporta ni Mother Lily at ganda ng project na ididirehe ni Jeff Tan, kampante itong panonoorin ng moviegoers.
Kapareha rito ni JC ang ex-girlfriend na si Pauleen Luna at tiniyak na ng dalawang walang balikang mangyayari sa kanila. Trabaho raw ang kanilang aasikasuhin at hindi ang muling magka-inlaban.
Super lamig sa Tagaytay, sa location ng taping ng Now & Forever (Duyan) at doble ang lamig pag gabi. Kaya, ang mga artista, director Mac Alejandre at production staff ay naka-jacket.
Ang yabang nga namin, dumating kaming walang dalang jacket, ayun, dusa kami sa ginaw. Mabuti na lang at nag-stay kami kung saan naka-puwesto si Direk Mac, covered yun at less ang lamig. Pero, paglabas, parang may bagyo sa lakas ng hangin.
Pinaka-malamig sa set nina Dawn Zulueta, Ella Cruz, Jana Roxas at Alicia Alonzo. May eksenang naka-ilang takes si Jana dahil sa lamig (hindi namin sasabihin kung bakit at baka magalit ang bagets). Mabutit inalalayan siya nina Dawn at Direk Mac.
This Monday na, 3:30 pm, ang pilot ng bagong season ng afternoon drama. Tumutok at tiyak na iiyak kayo sa mangyayari sa mga character.
Bagong episodes ng Moms ng QTV 11 ang mapapanood starting today. Guests sina Isko Moreno, Ramil Sison, Faye Martel at Jiggy Manicad sa episode na University o Life. Tema ng usapan ang kahalagahan ng edukasyon at ikukuwento ng apat ang hirap na dinanas, lalo na si Isko, bago makatapos ng pag-aaral.
Bukas, sa episode na Sapagkat Sila ay Tao Lamang, ipapakitang walang perfect parents, only imperfect people na ginagawa ang lahat na makakaya para sa kanilang mga anak. Guests sina Vandolph, Biboy Ramirez, Gene Cervantes at Jordan Herrera.
Ang nadinig namin, P1M ang in-offer ng Regal kay Rustom for three movies. Kung pumayag, P300,000 ang ibabayad sa kanya sa two movies at P400,000 sa third movie kaso, di ito pumayag kaya, bulilyaso ang pagbabalik-pelikula niya.
Sa kanya in-offer ang role ni Ada sa Zsa Zsa Zaturnah, flamboyant bading na nagdadamit babae bagay, na hindi tinanggap ni Rustom. May rason naman ito kung bakit serious gay movie in the likes of Brokeback Mountain at TV show na Will and Grace ang kanyang hinahanap.
Sa May 2 ang balik ni LJ at magpapaiwan naman ang kapatid ng ilang linggo. Kailangang bumalik ng young actress dahil magda-dubbing siya para sa Manay Po. Noong Sabado, tinapos niya ang mga eksena sa nabanggit na pelikula para walang problema ang Regal at si Director Joel Lamangan sa showing nito sa May 10.
More than two weeks ding wala sa bansa si LJ, ma-miss kaya siya ni Alfred Vargas? Natawa pala kami sa male poster sa thread ng dalaga sa Internet. Pinayuhan nito si LJ na wag magpapaligaw kay Alfred dahil malulungkot daw siya. As if naman, may magagawa siya kung manliligaw nga ang actor. Pero sabi nito, torpe siya at di marunong manligaw. Naniniwala kayo?
Magiging busy din si JC sa shooting ng White Lady ng Regal. Launching movie niya ito kaya, normal lang na kabahan. Pero, sa nakitang suporta ni Mother Lily at ganda ng project na ididirehe ni Jeff Tan, kampante itong panonoorin ng moviegoers.
Kapareha rito ni JC ang ex-girlfriend na si Pauleen Luna at tiniyak na ng dalawang walang balikang mangyayari sa kanila. Trabaho raw ang kanilang aasikasuhin at hindi ang muling magka-inlaban.
Ang yabang nga namin, dumating kaming walang dalang jacket, ayun, dusa kami sa ginaw. Mabuti na lang at nag-stay kami kung saan naka-puwesto si Direk Mac, covered yun at less ang lamig. Pero, paglabas, parang may bagyo sa lakas ng hangin.
Pinaka-malamig sa set nina Dawn Zulueta, Ella Cruz, Jana Roxas at Alicia Alonzo. May eksenang naka-ilang takes si Jana dahil sa lamig (hindi namin sasabihin kung bakit at baka magalit ang bagets). Mabutit inalalayan siya nina Dawn at Direk Mac.
This Monday na, 3:30 pm, ang pilot ng bagong season ng afternoon drama. Tumutok at tiyak na iiyak kayo sa mangyayari sa mga character.
Bukas, sa episode na Sapagkat Sila ay Tao Lamang, ipapakitang walang perfect parents, only imperfect people na ginagawa ang lahat na makakaya para sa kanilang mga anak. Guests sina Vandolph, Biboy Ramirez, Gene Cervantes at Jordan Herrera.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended