Ika-18 Martir sa Golgota
April 13, 2006 | 12:00am
Aba, at asensado na talaga ang resort/spa ni Mother Ricky Reyes, ang sprawling eight-hectare Golden Sunset Resort and Spa sa Calatagan, Batangas dahil kung nung una ay ginanap dito ang remote telecast ng SOP ng GMA7 at bago ito ay nagdaos dito ng isang international beauty pageant, ngayon naman ay mayron ditong gaganaping isang search for men and women with "bodies to die for," ang Bikini Frenzy 2006.
May screening sa Lunes, Abril 17, 2-5NH sa Traders Hotel sa Roxas Blvd. Magdala lamang ng biodata at sariling bikini. Maaring tawagan si Jun sa 6722159/ 6722160.
Nagsimula na nung Lunes Santo ang senakulong Martir sa Golgota, isang taunang pagtatanghal ng Tanghalang Sta. Ana, isang community theater group na itinatag ni Lou Veloso bilang kontribusyon niya sa komunidad. Ang mga gumaganap dito, maging yung mga sikat na artista, ay walang bayad ang serbisyo. Ang gumaganap ng Kristo sa taong ito ay ang company member na si Russel Sorillo. Kasama pa rin sina Tommy Abuel as Pilate, Ivy Violan as Mary, Jenine Desiderio as Magdalene, Bodjie Pascua as John the Baptist, Miguel Castro as Angel and Juan dela Cruz, Allan Mirasol as Judas at marami pang iba.
Ngayong Huwebes Santo, Abril 13, mapapanood ang Martir sa Golgota sa San Juan Plaza under Mayor JV Ejercito.
May pinrodyus na TV movie si Coney Reyes para sa CBN Asia. Pinamagatang Sa Ngalan ng Anak, mapapanood ito bukas Biyernes Santo, 7-8:30 NG sa GMA7 at nagtatampok kina Dennis Trillo, Victor Neri, Romnick Sarmenta, Robert Arevalo, Alicia Alonzo at si Coney.
Tungkol sa isang dysfunctional family na tumatagos sa tatlong henerasyon at kung paano nanumbalik ang kanilang relasyon nang ang isang myembro ng pamilya sa kanyang kawalan ng pag-asa ay bumalik sa Panginoon at ang pagpapatawad ay nabigyan ng daan.
[email protected]
May screening sa Lunes, Abril 17, 2-5NH sa Traders Hotel sa Roxas Blvd. Magdala lamang ng biodata at sariling bikini. Maaring tawagan si Jun sa 6722159/ 6722160.
Ngayong Huwebes Santo, Abril 13, mapapanood ang Martir sa Golgota sa San Juan Plaza under Mayor JV Ejercito.
Tungkol sa isang dysfunctional family na tumatagos sa tatlong henerasyon at kung paano nanumbalik ang kanilang relasyon nang ang isang myembro ng pamilya sa kanyang kawalan ng pag-asa ay bumalik sa Panginoon at ang pagpapatawad ay nabigyan ng daan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended