^

PSN Showbiz

Juday, ipapareha kina Sam at Zanjoe

-
Walang taping ng teleseryeng Sa Piling Mo ngayong Miyerkules Santo si Judy Ann Santos, mamayang gabi ay patungo ng Batangas ang buong pamilya Santos para sa isang engrandeng bakasyon at ka-join ang boyfriend niyang si Ryan Agoncillo na nag-birthday last Monday, April 10.

Pero bago magbakasyon sina Budaday at Piolo Pascual ay tinapos na nila ang two-weeks episode ng Sa Piling Mo para hindi raw mabitin ang viewers dahil maraming mangyayaring kakaiba.

Going back to Juday na ayaw i-reveal sa amin kung ano ang regalo niya sa boyfriend niya dahil secret daw iyon. Maging ang Mommy Carol Santos ng aktres ay hindi rin knows at nagbiro nga ito ng, "Baka house and lot," sabay tawa.

Nasambit iyon ng ina ng dalaga dahil kilala niya kung gaano ka-generous ang anak niya.

"Sa mga kaibigan nga, sobra-sobra na kung magbigay, di lalo na sa boyfriend niya. Yun ang maganda sa anak ko, sobrang magmahal kaya kapag nasaktan, sobra-sobra rin at talagang iniiyakan niya yun, lalo na kapag kaibigan niya, pamilya na kung ituring niya.

"Pero kapag nainis naman sa ‘yo ‘yan, hindi ka na makakabalik sa dati, kwidaw na siya sa ‘yo," kwento ng ina ni Budaday.

Samantala, muling magti-taping si Juday ng Komiks at makakasama niya sina Sam Milby at Zanjoe Marudo sa magkaibang istorya.

Leading man niya si Zanjoe sa Super G na iti-taping na after ng Holy Week at Inday, Inday sa Balitaw with Sam Milby. — Reggee Bonoan

BUDADAY

HOLY WEEK

INDAY

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

MIYERKULES SANTO

NIYA

SA PILING MO

SAM MILBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with