^

PSN Showbiz

Alicia, niyayayang magpakasal ni Joey!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi kami magtataka kung bakit nagkakasundo sina Alicia Mayer at Joey Marquez. Mahilig silang dalawa sa bata. Na-touched nga ang seksing aktres nang papag-aralin ni Joey ang isang mahirap na magkapatid matapos silang mapanood sa isang programa sa telebisyon.

Parehong may karanasan na ang dalawa sa iba’t ibang nakarelasyon kaya nagiging maganda ang takbo ng kanilang relasyon. Alam naman ng lahat kung ilang babae na ang nagdaan sa buhay ni Joey.

Sa kabilang banda, nakarelasyon ni Alicia ang isang Filipino-Lebanese ng anim na taon pero nag-live-in lang sila. Nagpakasal ito sa isang German national kung saan anim na taon silang nagsama pero nauwi sa kontrobersiya ang kanilang paghihiwalay. Isang taon nitong nakarelasyon si Edu Manzano pero nagkahiwalay din.

Ngayon ay si Joey naman ang bumihag sa puso niya ilang buwan na ang itinatakbo ng relasyon nila kung saan nagkakasundo sila sa maraming bagay. Hinog na rin sila sa maraming karanasan sa nakaraang pag-ibig kaya alam na nila kung paano gagawing matagumpay ang isang relasyon.

Hindi nga alam ni Alicia kung nagbibiro lang si Joey nang yayain siya nito ng kasal. Malay natin at baka sila na ngang dalawa ang itakda ng kapalaran, di ba?

ALAM

ALICIA

ALICIA MAYER

EDU MANZANO

FILIPINO-LEBANESE

HINOG

ISANG

JOEY MARQUEZ

KUNG

MAHILIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with