Raymart, ander na agad ni Claudine?!
April 11, 2006 | 12:00am
"Naku ang dali namang nahawakan ni Claudine (Barretto) si Raymart (Santiago). Imagine kaya na siyang pasunurin ng kanyang asawa," react ng source ng Baby Talk sa issue na kaya na-edit ang interview ni Gretchen sa Showbiz Stripped ng GMA 7 ay dahil pinakiusapan ni Raymart ang mga Bossing ng Kapuso Network na tanggalin ang part ng interview na tungkol sa kanilang kasalan. Kung tutuusin naman ay walang sinabing masama si Gretchen dahil na-print ng buo ang interview niya sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star last Sunday. Request daw kasi yun ni Claudine kay Raymart according to a reliable source.
Isa rin daw sa rason ay dahil gagawa ng special episode ang bagong kasal sa GMA since na-solo ng ABS-CBN ang coverage ng kasal kaya madaling napapayag ang GMA.
"Kaya lang ang point pa rin, naging sunud-sunuran na siya (Raymart) kay Claudine." At ang feeling ng source, ngayon pa lang ay nagdi-declare na sila ng war sa media dahil sa nangyari. "Di ba ganon din ang ginawa nila nong kasal nila. Mamimigay na lang daw ng photo kaya bawal ang coverage. Kaya ayun, maganda nga ang kasal nila, sa iilang dyaryo lang naman lumabas kasi ibinigay nila ang photo two days after their wedding, wala nang gumamit," added my source.
Dahil Semana Santa, kuwentong pari ang gusto kong i-share.
Every Sunday, 6:00 p.m. nagsisimba ako sa isang malaking church near dito sa aming office.
Routine na yun every Sunday, iiwan ko sandali ang work para mag-attend ng mass. Magaling kasi si Father at mararamdaman mo talaga na nakikipag-communicate ka with our dear Lord pag siya ang nago-officiate ng mass. Ang galing niyang mag-Homily kahit medyo mahaba.
In short, gusto ko siyang pari. Magaling siya, pleasant ang mukha at nakikipag-interact sa mga nagsisimba after the mass.
Pero ito ang nakakatuwa sa kanya. One time, sa Homily niya since Semana Santa, tinatanong niya ang mga nag-attend that particular evening kung napanood na ang The Passion of the Christ. To quote him: "Napapanood nyo na ba ang Passion of the Christ, P50 lang ang pirated."
Naku Father ha! Hindi mo man sinabing bumili kami ng pirated copies ng The Passion of the Christ, still may insinuation.
Actually, hindi mo naman mapipigil ang mga buyers ng pirated audio and video goods lalo na nga sa panahon ngayon na totoo namang very expensive ang original copies. Pero Father naman, hindi na dapat pino-promote yun sa Bahay pa ng Diyos. Kasi di ba ang piracy ay isang uri ng pagnanakaw na labag sa batas ng tao at Diyos?
San ba nanggagaling ang pirata? Di ba sa mga taong gustong kumita sa madaling paraan na ayaw maghirap pero gusto agad yumaman?
Pasensiya na Lord, please forgive me. Kasi naman Father, dapat kayo ang nagdi-discourage sa mga taong wag tangkilikin ang piracy.
Sana wag na itong maulit. Kasi ang laki ng influence ni Father sa mga katulad kong nakikinig sa mga pangaral niya every Sunday. Iba kasi siyang mag-share, hindi katulad ng isang pari na kinagagalitan ang audience.
Madalas kong nakakasabay sa isang gym/spa somewhere in Quezon City si Direk.
One time, habang nagka-cardio kami, biglang dumating si direk sa likuran namin. Kasabay nang pagdating ni Direk ang masamang amoy. So, hinanap ko kung saan nanggagaling ang bad smell. Since, hindi na rin namin ma-take, umalis na lang kami ng friend ko.
Lately, nakakasabay ko siyang mag-cardio. Aba pawis na pawis na naman si Direk. At bigla na namang may amoy na kakaiba.
Confirmed: whisper ko sa sarili ko. May bad smell nga siya.
Di pa rin ako nakatiis. Meron akong friend sa gym, may I tsika ko ang tungkol kay Direk. "Napansin mo rin pala," react niya.
Hahaha! Meaning, alam na pala sa buong lugar na may amoy siya...
Happy birthday to my pamangkin, Jeffrey (na seven years old na tomorrow) na nasa Rizal Sta. Elena, Camarines Norte.
Happy birthday Jeff.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended