^

PSN Showbiz

South Border, hahataw sa abroad

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Nakakatuwa yung schedule na ipinakita ni Jay Durias ng South Border at tiyak na mami-miss sila pansamantala sa SOP dahil simula na ang kanilang world tour.

Ngayong buwan ng Abril ay iikot sila sa iba’t ibang lugar sa US at magpi-perform sila sa mga Filipino communities doon. Sa buwan naman ng July ay sa Europe sila magko-concert. Pagdating ng Agosto ay nasa Middle East sila. Sa October ay Australia naman sila magpapaligaya ng mga kababayan natin.

At habang naglilibot ang South Border, ay hindi naman natin sila mami-miss dahil pipilitin nilang tapusin ang ginagawa nilang bagong album.

Dahil sa US tour ng South Border kung kaya wala si Vince sa birthday show ni Aliya Parcs na girlfriend niya last week sa Bagaberde na dinaluhan ng kanyang mga close friends at family. Susunod si Aliya sa US next week bilang extention ng celebration ng kanyang kaarawan.

Sabi ni Aliya kung after three years daw ay sila pa rin ni Vince saka lang sila magde-decide na magpakasal ng kanyang nobyo.

"You must always wait for the right moment. Life is good for me. Kaya wala akong dapat ipagmadali sa buhay," sabi ni Aliya na busy din sa pagbuo ng sarili niyang album.
* * *
Merong Pinay singer ang sikat ngayon sa bansang Hapon. Ito ay si Jos Garcia na hinilingan ng kanyang mga Japanese fans na gumawa ng sariling album doon.

Limang taon nang kumakanta si Jos sa Japan partikular na sa Repos International Club sa Kyoto City kung saan nagkaroon na rin ng concert sina Madonna, Britney Spears, Julio Iglesias at ng iba pang sikat na singers.

Dahil sa matagumpay ang kanyang album sa Japan, naisipan naman ni Jos na iparinig ang kanyang album sa kanyang kababayan dito sa bansa. Kaya pansamantala siyang uuwi para sa launching ng kanyang album sa May 10, na gagawin sa Bagaberde na pinamatagang "Jos Garcia: Versatile" na may carrier single na "Ikaw Ang Iibigin" na release ng Town House Music Company na pag-aari ng isang Hapon.

Ang "Jos Garcia: Versatile" ay naglalaman ng 11 cuts tulad ng "I Remember The Boy" (revival) na sinulat ni Vehnee Saturno, "So Close To Be You" ni Nonoy Tan, "Tonight" ni Mon del Rosario at marami pang iba.

ALIYA PARCS

BAGABERDE

BRITNEY SPEARS

DAHIL

HAPON

JOS GARCIA

KANYANG

SILA

SOUTH BORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with