Jericho, magpo-produce ng digital film
April 10, 2006 | 12:00am
Sa grupo ng Hunks tanging si Jericho Rosales ang sinuswerte ng husto base sa klase ng projects na ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN. Sa kanya ipinagkatiwala ang kauna-unahang sineserye sa telebisyon, ang Panday na maraming taon nang ginampanan ng namayapang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. At ngayon, siya ang gaganap sa filmbio ng world champion boxer na si Manny Pacquiao.
Ayaw maniwala ng aktor na may namumuong inggitan sa kanyang grupo dahil damang-dama nito ang sinseridad ng bawat isa lalo na sa pagsuporta sa kanya. "Palagi kaming nag-uusap ni Diether at nagtutulungan kami. Kahit sina Piolo, Bernard and in fact, kasama namin sa Panday si Carlos at si BJ din," aniya.
Sobrang miss nito ang ang kani-kanilang kakengkoyan sa sitcom, ang Bora at production number nila sa ASAP. "Ibinubuhos ko na lang ang aking pangungulila sa pamamagitan ng pagkanta sa taping whenever I got time. Actually, maganda ang nangyari dahil maliban sa nakabuo ako ng banda ay nakapag-record na kami," wika ng actor.
May isang pangarap ang aktor sa grupo nitong Hunks na magkaroon ng pelikula na lahat sila ang bida. Ilalapit daw niya ito sa kilalang mga prodyuser o baka siya na mismo ang gagawa nito. "Its not necessarily a big budgeted movie, pwedeng digital but what is important ay magkakasama kami sa isang movie."
Sa ngayon ay masaya siya sa kanyang lovelife dahil magkasundo sila ni Heart Evangelista. Naniniwala siya na sinagot ng Maykapal ang kanyang dasal na bigyan siya ng kasintahan na hindi niya naiiwan sa Maynila kung nililibot nito ang ibat ibang beaches sa bansa.
Sobra ang katuwaan nito dahil hindi siya iniiwan ng aktres sa kanyang paglalangoy sa malawak na karagatan. Ipinagmamalaki din nito ang ginawa nitong pangangalaga sa aktres sa mga unang araw ng atake nito ng asthma. Talagang alagang-alaga niya ito at kulang na lamang ang sertipiko para maging full-pledge nurse na ito. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended