^

PSN Showbiz

Raymart, nakialam sa interview ni Gretchen sa GMA?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Na-edit ang ilang part ng interview ni Gretchen Barretto sa Showbiz Stripped na mapapanood sana ngayong gabi hosted by Ricky Lo.

Ayon sa source, particular na ‘pinakialaman’ ang tungkol sa comment ni Gretchen sa kasal ng kapatid niyang si Claudine sa Kapusong si Raymart Santiago. Pinakiusapan daw ang bossing ng GMA na kung puwedeng ‘wag na lang i-air ang nasabing part dahil may gagawing special episode ang bagong mag-asawa sa GMA 7.

Ang tanong ngayon, sino ang nakialam? "Feeling ko si Raymart. Malamang pinakiusapan siya ni Claudine kung pwedeng ‘wag ‘yun ipalabas. Kilala si Claudine sa ganyan. Di ba siya rin ang nag-request sa ABS-CBN na i-kill ang interview ni Gretchen before their wedding?

"Samantalang si Gretchen, ang tono niya ngayon, forgiven na siya eh.

"Akala ko ba Christian si Claudine eh bakit ganyan ang attitude niya? Member pa naman siya ng Victory Fellowship," mahabang kwento ng source ng Baby Talk.

Episode sana ngayong gabi Ang Gretang Walang Nakakikilala kung saan nagsalita talaga si Gretchen ng kanyang nasa loob.
* * *
Sisimulan na any moment ang shooting ng launching movie ni Sarah Geronimo. Pero namimili pa raw si Boss Vic del Rosario ng magiging leading man ni Sarah. Manggagaling ang leading man sa ABS-CBN/Star Cinema since co-production ito ng Viva Films and Star Cinema. Ang choices para maging leading man ni Sarah: Jericho Rosales, Piolo Pascual, Billy Crawford, Sam Milby and John Lloyd Cruz.

Kung si Sarah ang tatanungin, wala siyang itulak-kabigin sa mga nabanggit na pangalan although medyo nakakalamang na si Piolo dahil common knowledge na crush niya ang actor.

Pero kung kaya ang fans niya ang tatanungin, sino ang pipiliin nila? Dapat sigurong mag-launch ng search ang Viva para sa leading man ni Sarah. Di ba sa text. At least magkakaroon sila ng idea kung kanino favor ang fans ni Sarah.

Bukod sa solo movie niya, pagdating ng May, ipapalabas na rin ang remake ng Bituing Walang Ningning. Character ni Sharon Cuneta ang gagampanan ni Sarah. Kaya naman nang mag-concert si Mega, may surprised appearance si Sarah, sa ending part - may dala siyang flowers for Mega at inindorsed niya si Sarah sa mga fans niyang nanood ng concert.

Maganda rin ang mga sinasabi ni Mega about Sarah. As in, sinabi raw niyang kung may kailangan ito, ‘wag mahihiyang lumapit sa kanya lalo na nga at tungkol sa character na ipo-portray nito.

Kaya nga raw lalong kinakabahan si Sarah dahil mataas ang expectation sa kanya, hindi lang ni Mega kundi ng lahat particular na ng ABS-CBN.

Eh kung sabagay, kaya naman ‘yan ni Sarah. Saka suportado talaga siya ng masa.

Anyway, ngayong Sabado na ang grand finals ng Little Big Star hosted by Sarah. Tatlo ang maglalaban-laban sa Little and Big Division. Sa Little Division, magkakalaban sina Makisig Morales, Rhap Salazar at Kyle Balili.

Sa Big Division naman, andiyan sina Sam Concepcion, Charice Pempengco at Gian Barbarona.

Sa mga finalist, sina Makisig and Sam ang mga kilala na dahil sila ang mga naunang nanalo.

Instant millionnaire ang winner sa dalawang nabanggit na division.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

ANG GRETANG WALANG NAKAKIKILALA

BABY TALK

BILLY CRAWFORD

BITUING WALANG NINGNING

CLAUDINE

GRETCHEN

KUNG

MEGA

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with