^

PSN Showbiz

Jericho, ayaw pa-double!

-
Hindi produkto ng ballroom dancing si Wowie de Guzman kung kaya’t ganoon na lamang ang aming pagkakagulat nang masaksihan namin siyang sumayaw ng samba with partners Donna Bidua.

Mahirap ang samba na ipinamalas nina Wowie at Donna dahil hinaluan ito ng iba pang sayaw na kailangan ay maliksi ang pagkilos. A perfect 10 ang ibinigay na grado habang 9.2 ang rating mula sa audience.

Tatlo ang pares na nagpatalbugan at kabilang na sina William Martinez with Jenevieve Camacho at Mystica and partner Miguel dela Serna.

Ilang punto lang ang lamang ng magkakalaban at nagpasiya ang judges na binubuo nina Regine Tolentino, Audie Gemora at Edna Ledesma na huwag mag-eliminate. First time na nagkaroon ng ganitong sitwasyon sa Shall We Dance Celebrity contest and we are happy for Wowie at Donna dahil sila ang nanganib na matanggal.

Ang pray namin ay ipareha si Wowie sa host na si Lucy Torres Gomez in a dance number sa opening ng show. Nasa katauhan ni Wowie ang pagiging good and graceful dancer which would Lucy deserves.
* * *
Pinabulaanan ni Direk Toto Natividad ang diumano’y pagiging unprofessional ni Jericho Rosales sa taping ng Panday.

"Punung-puno siya ng enthusiasm at on time siya kung dumating sa set. Ayaw din niyang gamitan ng double ang kanyang fight scene," Natividad says.

Sa pagbabalik ng Panday sa ere ay muling namamalas ang walang hanggang pag-iibigan nina Tristan at Eden at ang mga panganib na haharapin ni Tristan. Sasabog din ang maraming kagulat-gulat na pangyayari sa pinakamalaking produksyon in the history ng Philippine TV. – REMY UMEREZ <

vuukle comment

AUDIE GEMORA

DIREK TOTO NATIVIDAD

DONNA BIDUA

EDNA LEDESMA

JENEVIEVE CAMACHO

JERICHO ROSALES

LUCY TORRES GOMEZ

PANDAY

WOWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with