Gustong mag- debut kahit lampas na ng 18
April 7, 2006 | 12:00am
Inamin ni Paw Diaz na katulad ng ibang babae ay gusto sana niyang magkaron ng coming out party o debut, nang magdaos siya ng kanyang 18th birthday a year ago pero dahilan sa may mahalaga siyang trabaho na di pwedeng i-postpone o i-delay kung kaya hindi ito nagkaron ng katuparan.
Kana-19 lang niya at tulad nang nakaraang taon, mayron na naman siyang trabaho sa araw ng birthday niya nung March 16 kaya wala na naman siyang party, mabuti na lamang at kinantahan siya ng kanyang audience sa Davao na kung saan ay may show siya.
"Two in a row na ito pero, kahit hindi na ako 18, balak kong magkaron ng isang debut o malaking party sa isa sa mga birthday ko na darating. Pwede naman to, di ba? Magiging unique pa dahil ako lang siguro ang magkakaron ng debut na di na 18. Unique, di ba?" natatawang sabi ni Paw Diaz, isa sa big winners ng Star Circle Quest at ng QPids na kung saan sila ni Mikel Campos ang nag-emerge na winners.
Isang amasona ang role na gagampanan niya sa second series ng Panday na nagsisimula na sa buwang ito. "Action ang role ko pero yellow ang kulay ng costume ko," sabi ng dalagang desididong tapusin ang kanyang AB MassCom Studies sa University of Perpetual Help sa Laguna kahit araw-araw ay magko-commute siya from school to her residence and to her place of work which is ABS CBN.
Sayang at pagkanta ang piniling propesyon ni Mystica. Napakagaling niyang sumayaw sa Shall We Dance, ang dance program ng ABC 5 hosted by Lucy Torres Gomez. Dapat nang kabahan yung unang dalawang pareha na lalaban sa finals (Angelu de Leon at Angelika dela Cruz at partners nila) dahil mahihirapan silang talunin ang singer. But then, may nakakaalam ba na talagang sumasayaw si Mystica? Kung ang rhumba nagawa niyang maniin, eh di lalo na yung mas mahirap na mga sayaw.
<
Kana-19 lang niya at tulad nang nakaraang taon, mayron na naman siyang trabaho sa araw ng birthday niya nung March 16 kaya wala na naman siyang party, mabuti na lamang at kinantahan siya ng kanyang audience sa Davao na kung saan ay may show siya.
"Two in a row na ito pero, kahit hindi na ako 18, balak kong magkaron ng isang debut o malaking party sa isa sa mga birthday ko na darating. Pwede naman to, di ba? Magiging unique pa dahil ako lang siguro ang magkakaron ng debut na di na 18. Unique, di ba?" natatawang sabi ni Paw Diaz, isa sa big winners ng Star Circle Quest at ng QPids na kung saan sila ni Mikel Campos ang nag-emerge na winners.
Isang amasona ang role na gagampanan niya sa second series ng Panday na nagsisimula na sa buwang ito. "Action ang role ko pero yellow ang kulay ng costume ko," sabi ng dalagang desididong tapusin ang kanyang AB MassCom Studies sa University of Perpetual Help sa Laguna kahit araw-araw ay magko-commute siya from school to her residence and to her place of work which is ABS CBN.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am